Part X

6 0 0
                                    

7 pm na at nandito na kami sa Venue ni Nathan. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan saka inalalayan ako sa pagbaba.

"Ang daming tao." manghang sabi ko sakanya.

"Ofcourse, babe. Party nga e." sabi nya saka ibinigay yun invitation sa guard. Agad namin kaming pinapasok, so hinanap na lang namin sina Ellie.

"Jiara! Nathan! Over here!"

Lumingon kami ni Nathan sa pinang galingan ng boses, nandun na sila sa isang round table. Pero, wala si Klyde?

"Hi, happy birthday, Ellie. Asan nga pala si Klyde?"

"Natraffic ata e." sabi ni Nathan habang nakatingin sa phone nya.

"Hindi, nasa cr sya sa taas."

"Nga pala, Ellie. Anong oras magseserve ng dinner?" sabi ni Daniel kaya naman tinawanan namin sya.

Halatang gutom na to e, ano pa ba ang magagawa namin?

After ng opening remarks ni tita Cynthia, nagpaalam na muna ako sa barkada na kailangan ko gumamit ng banyo.

Pagpasok ko ng cr, nakita ko agad si Annika.

"Hi!" pagbati nya sa akin.

"Hello." sagot ko saka humarap na sa salamin para ayusin ang sarili ko.

"I heard, kayo na ni Nathan." sabi sa akin ni Annika.

"Ahh, oo. Bakit?"

"Wala naman, pogi ang boyfriend mo, be careful sa mga bitches na maaaring lumandi."

"Alam ko." yun lang ang tanging nasabi ko kay Annika.

May meaning ba yun? Or advice lang?

Paglabas ng cr ay nakita ko si Klyde kaya naman tinawag ko ito.

"Uy, Klyde." sabi ko habang winawagayway ang kamay.

"U-uy, Jiara." lumapit naman ito sa akin.

"Sabay na tayo, naghihintay na sila sa baba e."

--

Its almost 10:00 pm nang nagdecide kami na umakyat na sa kwarto, e pano ba naman kasi tong boys namin, nalasing na agad at di na masyadong makagalaw ng maayos kaya naman eto ako ngayon, inaakyat si Nathan.

"Sige na, goodnight! Sabi ko sakanila at inihiga na si Nathan sa kama.

Nagprepare naman ako ng face towel saka malamig na tubig para mawala ang init sa katawan ni Nathan.

"Nathan talaga, nalasing pa. Ano ba yan." sabi ko saka marahang tinitigan ang itsura nya.

Kahit lasing na sya, ang gwapo nya pa rin.

Niyakap ko sya saka unti-unting nagtaklob ng kumot para sa aming dalawa.

--Nathan--

Flashback...

"Wag na kasi tayong pumunta dun, baka mahulog tayo e." sabi ng pinsan ko na si Calvin.

"Bakla ka ata e! Dali na kahit dun ka lang sa may bato."

"Sigurado ka ha? Wag moko papalanguyin, natatakot ako!"

"Oo na, halika na!" sabi ko saka kami pumunta sa may ridge. Naattract kasi ako sa mga iba't ibang kulay ng mga bato at isda dun.

"Nathan, a-ano yun?" sabi sa akin ni Calvin saka tinuro yun parang nakasilip sa amin.

"Babae! Tara puntahan natin." pagaaya ko.

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon