Its already lunch time nung natapos silang maligo sa dagat. After nyan mamaya magisland hopping kami e.
"Ummm bes." tawag saken ni Ellie nung nasa kwarto kami para magpalit ng damit.
"Yes?"
"Nagkita ba kayo ng lola mo kahapon? Ano pala sabi sayo?" sabi nya habang naglalagay ng sunblock.
"Sabi nya na hanggat mabuti daw, iwasan ko sya. E ano ba yan, mahal ko na yung tao at for sure napamahal na rin saken si Nathan. Ngayon pa ba ako aamin na 1 year na kami?"
"Mas better umamin, kesa naman hindi. Buti na nga at umamin ka kase pwede mo naman i-erase ang memories na gusto mo i-erase dba?"
Napaisip ako dun sa sinabi ni Ellie. Oo nga naman, matatanggal ko naman yun sarili ko sa isipan ni Nathan e. Pero ayoko naman hiwalayan yung tao, saka mahal ko na e ano pa ba ang magagawa ko, dba?
"Kaso nga lang, ayoko." napatigil naman si Ellie sa paglalagay ng sunblock sa kamay nya saka lumapit sa akin.
"Why? Jiara, anong gagawin mo? Pwede mong ikamatay yan ano ka ba. Its either you become a mermaid or human. Wala ng half yan pagdating ng 18 mo."
"Well.. I'll just take the risk siguro?" sabi ko, effortlessly.
Yun naman talaga ang balak kong gawin, if I die? Then I'll die. Ayoko naman mamuhay sa dagat na nakakasawang mukha ng magkakaparehong isda ang nakikita ko. Mas gusto ko na mamatay kase sinabi ko naman kay Nathan na mahal ko sya.
"You're dangerous, Jiara. Very dangerous."
"I know, pero mahal ko tala--"
"Myghad bes! Ano nangyari dyan sa sugat mo?"
Napatingin naman ako agad dun sa may thigh ko, ngayon para na syang naburn na peklat kaya di masyadong halata katulad nung dati.
"ANO NANGYARI?!" sabi ko at agad naman naghalungkat si Ellie dun sa bag ko at di nagtagal ay may inilabas syang bandana.
"Eto na muna gawin mong skirt."
Agad ko naman isinuot yun bilang skirt, at tama naman si Ellie. Natakpan yun sugat saka mahaba naman yung bandana.
"Choice mo yan, bes, basta andito lang ako kung ano man ang maging desisyon mo." sabi ni Ellie saka ngumiti.
Itutuloy ko tong sa amin ni Nathan. Gusto ko naman to e... dba?
--Nathan--
"Ano nangyari kay Jiara? Bigla ka hinalikan?" tanong ni Klyde habang naglalagay ako ng Aveeno Sunscreen sa mukha ko.
Yea, I need to take care of my skin because nagkakapimples nako, ang init kasi sa Pilipinas.
"Baka naman chinachansingan ka lang nun, Nate!" sabi ni Daniel habang tumatawa sila Ni Klyde.
Pero ako? Hindi ko pa rin maiwasan na isipin yung pangungulit sa akin ni Jiara kanina about kay Klyde, bakit sya nagtatanong about kay Klyde? May gusto ba sya kay Klyde?
"Bili lang ako ng sunblock sa baba, naubusan ako e." sabi ko saka tumungo sa may kwarto nila Jiara.
*knock*
"Uy, Nathan! Bakit?" pangbungad sakin ni Ellie. Sinilip ko naman yung medyo likod kung kita ko ba si Jiara, at oo kita ko syang inaayos yung damit nya na nasa cabinet.
"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko kay Ellie.
"Uy! B-babe! Teka lalabas na lang ako." sabi nya saka ininalik na lang basta yung mga damit kahit di pa natiklop ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍