Part VIII

8 0 0
                                    


"Isukat mo to, tas eto." binigyan ako ng 3 pairs ng dresses.

Oo nasa mall kami. Ewan ko ba dito kung bakit nya ako pinapasukat nito.

Sinukat ko yung unang dress. Simple lang sya, red na long sleeve tas medyo see through yung sa bandang chest at likod. Pangalawa ay itim na may zebra straps na puti, tube naman this time tas parang may choker na necklace na nakaattach. Pangatlo yung yellow na may partner na hat, cute sya saka mini skirt to saka may ruffles yung dulo pang summer talaga.

May inabot din na black stiletto heels saka white wedge shoes.

Para kanino ba talaga itong mga to?

Lumabas ako saka pinakita sakanya na isa isa. Nag approve naman sya agad so binili na nya.

"Ummm, para kanino ba to?" dko maiwasang itanong ito sakanya.

"For a special someone." he just smiled and then winked at me.

Haaay Nathan, kelan ba ako hindi kikiligin sayo? Pero sabi nya para daw sa special someone nya? Sino kaya yun?

"So, what do you wanna do next? Kain?"

Omg. Date ba to?

"A-ahh sige." papasok na dapat ako sa kfc pero nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labas ng mall.

"A-akala ko kakain?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa magkahawak naming kamay, na tila ay isang panaginip lang. Pero yung pagkahawak ng kamay? Shit, sya lang nakahawak sa kamay ko. Alam nyo yun, parang kinaladkad lang ako.

"Kuya, dalawang order nga po ng chicken skin tapos po dalawa din sa shake." sabi ni Nathan dun sa nagtitinda.

A-ahh dito pala kami kakain sa labas, oo tama dito na lang. Mas malamig dito saka fresh air. Ang ayaw ko lang dito, madaming couples na naglalandian.

"Okay ka lang?" tanong saken ni Nathan habang nilalagyan ng suka yung order nya.

Tumango ako saka inamoy yung chicken skin ng patago.

"Wag mo amuyin yan, malinis yan." tumawa sya saka hinawakan yung kamay ko. "Ang lambot."

Agad kong binawi sakanya yung kamay ko at tinitigan yung chicken skin na hawak nasa lamesa sa harap namin.

"Bakit ka ganyan?" biglang tanong ko sakanya.

"Ha?"

"I mean, yung ganto. Bakit bigla ka na lang sweet saken? Parang dati lang halos ipagtabuyan moko na parang masama akong tao."

"Sorry na."

Lumapit sya sa akin lalo saka tinitigan ang mata ko. I froze for that moment.
He smiled at me and then let me lay on his shoulder.

This can't be. Gusto ko na ba talaga si Nathan?

"Do you like me?" bigla kong tanong sakanya.

Tinitigan lang ako ni Nathan saka hinalikan yung kamay ko na kanina nya pa hinahawakan.

"Gusto? Ikaw? No way." tumawa sya saka tumingin sa kamay namin na nags-sway under the table. "Hindi ko alam kung bakit hindi kita gusto, maybe because hindi ako sapat para sayo. Kase alam mo, nung nalaman ko kung sino ka ba talaga, you suddenly meant everything to me. Nung una, crush lang kita. Pero ngayon? Hindi ko alam, pero mahal na rin ata kita."

O.O

Napaiwas ako bigla ng tingin kay Nathan. Naaalala ko pa rin yung nasabi ko sakanya na mahal na mahal ko na sya.

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong niyakap saka idinaan ang ulo ko sa balikat nya. But damn, it feels so good.

"Please, Aya. Give me a chance to prove you that your first impression to me was wrong."

Nung humiwalay sya sa pagkayakap nya sa akin, tinitigan ko lang sya. Oo alam ko gwapo sya, chinito. Pero.. Hindi pa ako handa sa ganitong klaseng relasyon na tao talaga ang mamahalin ko. Dahil sa araw na ipapakilala nya ako sa mga magulang at kamag-anak nya, malalaman at malalaman din nila ang totoo kong pagkatao.

Nginitian, tumango at niyakap ko si Nathan. Bahala na, ang alam ko lang, handa akong sumugal sa laro pag-ibig para sa taong mahal ko, para kay Nathan.

--

"So ano na nga nangyari?" magkasama na naman kami ni Ellie sa may ice cream store sa tapat ng STU. May nanliligaw daw kasi sakanya.

"Ihhhh. Tekaaa~ kinikilig pa ako e!" nakatawa na sabi nya sabay kain ng ice cream.

Binatukan ko nga sya. E kasi kanina pa yan ganyan.

"Ano ba, bes! Eto na magkkwento na talaga ako." sabi nya sakin with matching beautiful eyes pa. "Kahapon, may nagbigay saken ng roses. Pero too bad, pinapabigay lang daw. May kasamang ferrero tas letter. May gusto daw sya saken at gusto makipagkita!"

"Oh dba, congrats may nagkagusto na sayo." sarcastic na sabi ko.

Pero no wonder, talagang marami nagkakagusto kay Ellie, napakadyosa nga nya compared sa akin e.

"Klyde pangalan nya e. So ano, tara?" tanong nya sa akin.

"Huh? Teka, bakit? Anong role ko dyan?" naguguluhan kong tanong sakanya.

"Syempre, sasamahan moko." sabi nya saka ako hinila paalis ng store.

--Nathan--

"Nathan ang bagal mo kumilos!" narinig kong sabi ni Daniel mula sa baba.

May date kasi to'ng si Klyde e sinasama nya kaming barkada.

Nga pala, matagal ko na silang kilala. Barkada ko kasi yan pero naghiwa-hiwalay kami because of me, leaving the country.

Bumaba na ako ng hagdan saka ini-start ang kotse. Sumunod naman na din sila at dun sumakay sa likod, si Klyde ang kaharap ko.

"Ready na?" tanong ko sakanya.

Tumango na lamang ito saka kumindat sa side mirror ng kotse.

--

"Ayun sya." turo ni Klyde sa di kalayuan at natanaw ko ang babaeng nakaputi.

Nilapitan namin yun kasama ang barkada.

"Miss." tinapik nya ang balikat nung babae saka ito lumingon.

"E-ellie Carter."

"H-huh?"

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon