--Jiara--
"WERE HERE!!!" malakas na sigaw ko kaya naman naalimpungatan ata sila kaya ang sasama ng tingin saken. Hahaha!
Naeexcite kasi ako, its been 5 years since di ako nakapunta dito. Pero tandang tanda ko pa naman yung mga pinupuntahan ko dito noon.
Pagkababa ay diretso agad kami sa resort nina Daniel, sa hotel Kimbernine. 20 minutes din kaming nagbangka papunta sa isla.
"Ellie, magkaroom tayo?" excited kong tanong sakanya habang nasa lobby at diretso sa picture takings.
"Oo naman, ano ka ba." sabi nya naman sa akin.
Now I know, this weekend will be great. Papasok na sana ako nang biglang hinigit ako ni Nathan papunta sa may fire extinguisher saka niyakap.
"Di na naman kita kasama." malungkot na sabi nya.
"Ha? Okay lang yan, magkakatabi lang naman tayo ng rooms e."
"Gusto ko katabi kita." sabi nya saka tinitigan ako at nagwink.
"Hoy, ano yan? Kayo ah." agad akong bumitiw sa pagkakahawak ng kamay ko ni Nathan. Kanina pa pala nakatingin sa amin si Ellie. "Nathan bitiwan mo na si Jiara, papasok na kami." ngunit hinila pa rin ni Nathan ang kamay ko.
Ilang segundo din silang naghilahan sa kamay ko saka bumitiw na din -.-.
"Baka may gusto kang puntahan?" nakangiting sabi saken ni Ellie nang makapasok kami sa room.
Tumitig muna ako dun sa dagat na tanaw mula sa glass window ng room. Naalala ko tuloy yung bata dati na nakilala ko.
"Pumunta ka na, don't worry pupuntahan kita before dinner." sabi ni Ellie saka nagcharge ng phone nya. "Hala walang signal dito?"
"Wala kaya, isla to ano ka ba." sabi ko sakanya. "Mamayang gabi na lang ako pupunta after dinner."
"Sige. Ay bes, picture tayo!" nagbilang naman sya ng 3, 2, 1 saka ako ngumiti sa harap ng phone nya.
"Pano ka nabubuhay ng walang gadgets dito?" biglang tanong nya sa akin habang ako ay nakatitig pa rin dun sa dagat na low tide kaya kitang kita yung rock formation.
"Bata pa ako nun, saka naghihintay lang ako sa bata na lagi akong pinupuntahan noon." sabi ko nang nakangiti.
"Omg, pogi?!"
"Oo naman. Kaso after a week di na sya nagpakita sa akin." -ako
"Sayang naman. So yun na ang ending ng relationship nyo? Sad naman."
"Sana nga magkita ulit kami."
*Dinner time*
"Ellie, dun na kasi tayo maupoooo." pangungulit ko sakanya.
Pano ba naman kase, ayaw nyang tumabi kay Klyde. Nagaway na naman kasi sila, pero ayaw naman nyang sabihin saken yun dahilan kung bakit sila nag-away.
"Oo na, my ghad! Eto na wag ka na maingay dyan."
"Hi!" bati ko sakanilang tatlo saka naupo sa tabi ni Nathan.
Si Ellie naman, dun tumabi kay Daniel. Ang arte, ano ba yan. Si Klyde naman, pag sumusubo ako, nahuhuli kong nakatingin sa akin. Ano na naman kaya kailangan nitong si Klyde?
"Babe, lakad tayo sa may shore later?" sabi saken ni Nathan.
"Sige, babe."
Nginitian ko naman si Nathan, pero siniko ako ni Ellie. Dun ko naalala na may sugat pala ako, at kailangan kong puntahan si Lola sa dagat.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍