Part XVII

2 0 0
                                    

"Ay, grabe." tiningnan ko sya ng masama saka sinuntok yung braso nya ng mahina.

"Sus. Magkaka-rhyme lang kasi kaya ko sinabi yun! Iba iniisip mo e!"

"E malay ko ba, baka gusto mo pala akong halikan, hindi mo lang sinasabi!"

"So pag sinabi ko bang gusto ko, papayag ka ba na halikan kita?"

"Huh? Gusto moko halikan?" nabiglang tanong ko saka nanlaki ang mata.

"H-hindi ah! Di tayo talo!" umusog sya saka umakto na pinapalayo nya ako. "Halika na nga, baka hinahanap na tayo for lunch." hinila nya ako papunta dun sa may mga restaurants na nakaline.

--

"Nag enjoy ba kayo?" tanong sa amin ni tito Neal before kami pumasok sa kanya kanyang kwarto.

"Opo, tito thank you po talaga." nginitian ko sya, then he smiled back at me.

Umakyat na si tito sa third floor kase dun yung kwarto nila. Pipihitin ko na sana yung knob ng kwarto ko, pero may binato saken si KR na chain. And its pink.

"Luh, pink." sabi ko habang tinititigan yung chain.

Baboy to na nagssparkle yung sa may bandang eyes pag shinashake, may tubig kasi saka glitters sa loob nun. Ang cute nga, nagustuhan ko pero still, ayoko pa rin nung color. Masyadong girly kasi talaga e hindi naman ganito yung type ko na kulay.

"T-thank you sa lahat." sabi nya saka biglang pumasok ng kwarto.

Ako naman, napangiti na naiwan dun sa tapat ng kwarto ko pero pumasok na din ako agad since pagod kami.

Papatayin ko na sana ang lamp ko nang may biglang kumatok.

"Jiara, can I sleep with you?" inirapan ko naman ito saka binato ng unan, pumasok naman sya saka nilatag yung foam na nafofold sa tabi ng kama ko.

"Sorry, ang init sa kwarto ko e, sira aircon." sabi nya saka humiga na at pinatay ang lamp. "Goodnight, bestie."

Humarap naman ako sa kabilang side saka ipinikit ang mata. Hindi naman sa malikot ako matulog, pero hindi ako mapakali, kung san san ako humaharap. Para bang may kakaiba sa akin ngayon.

"Hindi pa ako inaantok." sabi ko saka umupo sa kama nang nakasandal pa rin sa headboard.

Bumangon naman si KR saka in-on ang lampshade.

"You're eyes are glowing." biglang sabi nya kaya naman tiningnan ko agad sa salamin kung totoo ba yun sinasabi nya, ang confirmed totoo nga.

In-on ko kaagad yung ilaw saka napatitig kay KR.

"Umalis ka na dito, pumunta ka sa pinakamalapit na dagat, Jiara."

Umiling ako saka nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi pwede to.

[AN: Pag nag glow kase yung eyes ng isang mermaid, ibig sabihin nun malapit na mag give up yung heart nya sa mundo ng mga tao. They can only live on land for 10 years, pag di na bumalik sa tubig, patay na.]

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon