1 week passed.
Nagising ako ng maaga dahil sa kakaibang liwanag na bumabalot sa mukha ko. Hindi naman ganito ang liwanag ng araw ah, bakit nagb-blink?
Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko at nagulat ako dahil sa madaming cellphones na nakatapat sa akin.
"Ate KC!!!" sigaw ko saka tinabunan ng unan yung mukha ko, si KR naman, nasampal ko dahil sa inis. Pati si tita Moanne at tito Neal andun din, nakavideo pa sila ha.
"Yehey!!" sabay sabay nilang sabing apat.
Lumapit si KR na dala yung cake na pastel pink ang color. Napasimangot naman ako dun sa kulay, ugh puro pink. Pero okay lang naman kasi nag-effort sila na bilhan ako ng cake, kahit pastel pink.
"Thank you po!" nakangiti kong sabi sakanila. "Uh, ano pong meron?"
"Birthday mo, gaga." binatukan ako ni ate KC saka nilight yung candle.
"Make a wish na." sabi ni tita Moanne sa akin kaya ipinikit ko ang mata ko.
"I wish they were here on my 18th birthday."
I blew the candlelight and then smiled.
"Oh KR, baka naman may gusto pa kayong pag-usapan ng ate KC mo, hayaan na muna natin si Jiara na mag-ayos." sabi ni tito Neal.
"O-opo, dad! Halika nga dito." hinila nya is ate KC palabas ng kwarto at sumunod naman na sina tita at tito.
Tiningnan ko yung cake. This is not the usual cake na nakasanayan ako sa Pinas, matte sya hindi creamy. Gets nyo naman dba? Basta yun. Maliit lang sya kaya kinagat ko na. Alam nyo yung size ng masking tape? Ganon lang sya kaliit, solo size kumbaga.
Mmmmm, sarap. Isa pang kagat ang ginawa ko nang mag-ring ang phone ko na notification.
*Message request on messenger*
Io-open ko na sana ito nang kumatok si ate Myrna at sinabihan akong kumain na ng breakfast at didiretso kami sa clothing line nina tita Moanne para sa fitting ng gagamitin kong gown mamaya.
Nilagay ko yung cake sa mini refrigerator ko at bumaba na.
--
Inaayusan na ako ng buhok habang kausap ko sina ate Kyla thru skype pero nakaearphones ako.
"May bago na ba?" tanong ni James.
"Wala noh, saka di ko naman kailangan ng bago. E kayo ni Jess, kamusta? Wag mo lolokohin yang si Jess ha, lagot ka sakin paguwi ko." sabi ko sabay akto na manununtok saka natawa ng bahagya.
"Road to forever na yan hahaha!" nagulat ako nung lumapit si ate Kyla sa screen na may katabing lalaki.
"Eto ang road to forever! Jiara, si Kent boyfriend ko. 2 months na." proud na sabi ni ate Kyla.
"Wow naman! Stay strong po sainyo. Kuya Kent ha? Alagaan mo ate ko."
Hinalikan naman ni kuya Kent si ate Kyla sa pisngi kaya napangiti ako. Napangiti, pero nakaramdam ng ache sa puso ko. Kamusta na kaya si Nathan? Gusto ko syang ipakamusta kina ate Kyla pero nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍