Part XVI

14 0 0
                                    

FUCK.

Isang malaking FUCK para sa nadatnan kong posisyon naming dalawa ni KR kanina. Nakatalikod ako pero sya, nakayakap sa akin.

Dahan dahan kong tinanggal ang nakayakap nyang kamay saka nagtip toe papasok ng CR. Nakito ako saka nagpalit ng tshirt saka jog pants. Paglabas ko ay nakita ko si KR na nagsusuot ng ng shirt kaya nagcover ako ng mukha hanggang sa makalapit ako sa pinto.

"Goodmorning. Baba ka na lang pag okay ka na." sabi ko saka tuluyang lumabas ng pinto.

Nakakahiya, pero at the same time gusto ko syang kutusan sa ginawa nyang pagyakap sakin. Alam kong namiss namin ang isa't-isa but isn't that a bit too awkward para gawin nya yun saken?

"Goodmorning!" nakangiting sabi ni ate KC at inilapag yung plato ng bread sa table.

"Goodmorning, ate." nginitian ko naman sya saka umupo na sa mesa.

"Kamusta ka na, Jiara? Studies mo?"

"Okay lang po, ate. Mahirap na nga e, kase dko na tinapos."

"Pano kasi, atat akong makita dito." nakita ko ang nakababang KR na sarcastic ang tingin sa akin. "Miss mo kasi agad ako."

"Duh hindi kaya!" pagtatanggi ko naman saka kumuha ng bread at kumagat, napangiwi naman ako dahil nakalimutan ko lagyan ng palaman.

"Oh defensive sya oh, tingnan mo nakalimutan mo pa lagyan ng palaman yang tinapay mo! Sabi sayo miss moko e, dba ayaw mo ng tinapay na walang palaman?" tumatawang sabi nya kaya naman binatukan sya ni ate KC.

Inirapan ko na lang sya at nilagyan ng palaman yung bread ko.

"Ang cute nyo palang dalawa pag nagbabangayan kayo." umupo si ate KC sa tabi ko saka nagsimulang magtanong about sa amin. "Grabe noh ilang years din kayong hindi nagkita? 7 years? Tagal na, ang liliit nyo pa nun e. May boyfriend ka na ba, Jiara?" sabi nya pa.

"Kakahiwalay lang nila 3 days ago." sabat ni KR habang naglalagay ng palaman.

"Hala, bakit kayo naghiwalay?" nagulat ako nung biglang umupo sa harap ko si tita Moanne at sa gitna naman si tito Neal.

"Umm, misunderstanding lang po, tita." sagot ko sabay ngiti.

Ngiti lang, dyan ka magaling dba? Yan ang special talent mo dba? Ang ngumiti kahit nasasaktan ka na ng sobra.

"Oh dba? Kaya gumanda si Jiara ng sobra e, nagpapasalamat ako dun sa ex nya." tumawa na naman si KR kaya tiningnan sya ng masama ni tito Neal. "What, dad?"

"May gusto ka ba kay Jiara?" agad naman kaming nagtinginan ni KR saka natawa sa tanong ni tito Neal.

"Hahaha! Tito, talaga. Wala po, bestfriends lang kami ni KR." sabi ko at uminom ng tubig.

"Saka dad, si Jiara papatulan ko? No! I'd rather give you all my gadgets than to like her." nakipag high-five sa akin si KR.

--

10am na. Umakyat ako papunta sa kwarto saka nagpalit ng long-sleeved plain white shirt, black na short saka white na kicks. Sinabit ko yung polaroid camera ko sa leeg ko, saka nilagay yung dalawang extra batteries ko sa sling bag ko saka nagcap ng black at bumaba ng hagdan.

"Hoy, Jiara."

Umirap muna ako bago lingunin ang taong tumatawag sakin at nakita ko ang isang Keath Rem Archon na nakangisi at kapareho nya din ako ng porma. Ngunit sya, nakablack na long-sleeved, white na below the knee short saka black na kicks, the white na cap.

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon