Part V

15 0 0
                                    

3 days later...

Nakalabas na rin ako ng hospital. Minor injury lang ang natamo ko sa pagkahulog, at 3 days ko na din hindi nakikita si Aya.

Calling... Jiara

(Hello?)

"Thank goodness, buti sinagot mo."

(Uhh, sino 'to?)

"Si Nathan 'to. Hinintay kita nung nasa hospital tayo, pero hindi ka dumating. Ang sabi mo, bibili ka lang ng ulam."

(B-bumili ako.)

"Bumalik ka ba?"

Hindi sya nakaimik nung sinabi ko yun, kaya naman nagsalita ulit ako.

"Ano ba nangyari sayo?"

(Bumili lang ako. Yun lang.)

"Pero bakit nga hindi ka na bumalik? "

--Jiara--

Hindi pa rin ako makasagot sa tanong ni Nathan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"So bakit nga? Bakit hindi mo masabi sa akin?"

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung bakit dko masabi sayo.

Ang gusto ko lang, malaman mo na pag kasama kita, masaya ako. Pag kasama kita, kumpleto na agad araw ko. Makita lang kita na ngumiti, nawawala na lahat ng problema ko. Kahit Hindi mo alam na..

"Mahal na Mahal na kita."

(Huh?)

Agad kong binaba yung phone call. Shit.

"Shiiiit, pano na?"

Nasabi ko na sakanya. Dapat sa isip ko lang yun masasabi e.

--

Days passed at hindi pa rin ako makamove-on sa nangyari. First semester na at andito na ako sa new school ko, sa Saint Teresitas University.

Malaki ang university, pero hindi gaano di katulad ng school nila ate Kyla dati.

Tiningnan ko yung map ko na binigay ng guard kanina sa may gate. Room A21? Sabi right sa may cafeteria then magleft sa may building ng Engineering.

"What the f--Aya?"

Unti-unti kong itinaas ang ulo ko pagtapos kong kunin ang nahulog kong libro at mapa. Si James? Andito si James!

"Uyy, hi." sabi ko saka ngumiti.

"Dito ka na magaaral? You should come with us."

Wala akong nagawa kundi ang magpahila, mas malakas sya e.

Mula sa malayo ay nakita ko na sina ate Kyla na nagwawave sa amin.

"How long have you been? Ever since nung naospital si Nathan, nawalan na kami ng connection sayo. So, ano na? Kamusta?"

"Ummm." napatawa ako saka hinanap ng mata ko si Nathan sa shed namin. "Okay lang naman ako. Kayo?"

"Aya, wala si Nathan. Pinatawag sa guidance, alam mo naman sya dba?" sabi nya nang may halong biro.

"Ano nga pala ang course mo?" tanong ni ate Kyla sa akin.

"Accountancy po, Room A21."

"Hala! Sa engineering kasi kaming lahat e. Sayang naman di tayo magkapareho ng course. Pero sI Nathan may mga subjects din sya ng martial arts."

"Excuse me po, baka magbell na kase at di ko pa nahahanap ang building namin. First day po e, ayoko naman malate. See you guys, later."

Naglakad ako papunta sa may building ng ABM. Hindi ko na pinansin yung sinabi nila, kailangan ko lang talaga makapunta sa building namin.

Takbo...

Takbo...

Takbo...

"Yay, I'm here." bulong ko saka tumapat sa pinto.

"What do you need?" tanong sa akin ng professor ko na babae saka ito lumapit sa akin.

"Mam, sorry if I'm late. I--" hindi ko na natapos ang sasabihin, tinalikuran na lang ako nito saka muling nagdiscuss.

"I'm sorry to interrupt the lesson, and you are...?" tumingin sya sa akin.

"A-ako po?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"May iba pa ba?" tumingin naman si Prof. Sa likod ko saka tinakpan ng pamaypay yung mouth nya.

"U-uhhh, ako lang po! Hi! My name is Jiara Khaliza." yun lang ang sabi ko saka nagtungo na sa bakanteng upuan sa may bintana.

Nagsimula na ulit magklase yung professor namin, halos wala akong maintindihan. Home-schooled lang kasi ako at hindi ko masyadong sineseryoso ang mga tinuturo sa akin ng teacher ko dati dahil hindi ko pinangarap na mag-aral sa isang School talaga.

Naboboring na ako. Nilabas ko ang binder notebook ko at nagsimula nang magdrawing ng kung ano-anong maisip ko.

"Pssst."

Napalingon ako sa may bintana at nakakita ng isang pirasong papel na nakafold, kaya kinuha ko ito at binuksan.

Hi, miss :)

Yan ang nakalagay sa letter. Finold ko itong muli at ibinalik sa pinanggalingan nito.

"Uy. Snobber!"

Muli akong napatingin sa may bintana. Dalawa na ang nakalagay dun kaya kinuha ko ulit yung pangalawa at binasa.

Crush na kita agad :*

"Ano 'to?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Ni-crample ko ang papel saka itinapon ito sa plastic ng pinagkainan ko kanina.

"And that is the end of our lesson. Time for the break."

Nag inat-inat ako sandali dahil natatakot akong magkamuscle pain dahil sa dko pag galaw kanina, paano ba naman kasi ay hindi ako masyadong napapansin sa pwesto na ito.

"Miss!"

Nang nakataas ang kamay ko ay napatingin ulit ako dun sa bintana. May papel ulit.

Pwede ba'ng manligaw? :D

That's it. Naaasar na ako. Tumayo ako at ni-crample yung papel.

"SINO KA BA, HA?! Magpakita ka!" sigaw ko sabay stomp ng feet sa sobrang inis.

"Umm, hi?"

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon