"H-huh?"
"I like you, Ellie. I'm Klyde."
Nagulat ako sa nakita ko. Ano 'to?
"H-hindi ako si Ellie."
Lumapit sa akin si Jiara saka tumabi.
"Hi, Klyde! Nice meeting you." sabi nung Ellie saka inilahad ang kamay.
"U-uhh tara na sa loob." pagaaya ni Klyde.
Pumasok na silang lahat sa Starbucks pero hinila ko ang kamay ni Jiara kaya naiwan kami.
"Bakit?" tanong nya sa akin at nagsimula nang mamula.
"Akala ko ikaw yung nililigawan ni Klyde." sabi ko sakanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Nathan, nagulat lang din talaga ako kanina e."
"Tara, date na lang tayo." Nginitian ko sya saka hinila.
--Klyde--
"Uy, bakit di ka nagsasalita?" pagtatampong sabi sa akin ni Ellie pagkatapos namin magorder.
"W-wala. Naninibago lang ako sayo."
Hinawakan ni Ellie yung kamay ko saka nagsimula nang magkwento.
Shit. Bakit ganito? Ang sabi ni Daniel, si Ellie Carter yung gusto ko. Pero, bakit ganun? Iba. Ibang babae yung tinutukoy ko.
"Ano ba." napatayo na si Ellie sa kinauupuan nya. "Hindi ka naman nakikinig sa akin e."
"Sorry, Ellie. Ayan na pala yung order natin." patakam na sabi ko nang dumating ang order namin at sinerve na sa harap ko.
30 minutes na hindi kami naguusap ni Ellie sa loob ng Starbucks at parang hindi nya naman iniinom yung Unicorn Frappe nya at hinahalo lang ito at nilalaro lang.
"Sorry na." sabi ko saka hinalikan yung kaliwang kamay nya.
"Tsss oo na." napangiti ako.
Problema ko na lang kung paano ko sasabihin kay Ellie na hindi sya ang gusto ko kundi si Jiara.
--Jiara--
Ilang oras din kaming nagstay sa mall kaya napagkasunduan na rin naming umuwi.
"Hatid na kita, Jiara."
"Nako, wag na. Makita ka pa ni mommy."
"Oh ano naman e dapat makilala nya na din ang Future son-in-law nya." sabi ni Nathan saka nagwink.
--
Pinapasok ko sya sa bahay at pinakain. Buti na lang at wala si mommy ngayon, baka namasyal na naman yun kina tito Bob.
"Uuwi na rin ako, baka biglang dumating sina tita." sabi ni Nathan saka nagkamot ng ulo.
"Ummm a-ano, dito ka na muna."
Lumapit bigla si Nathan sakin saka ngumisi.
"Di mo naman sinabi, gusto mo pala akong makasama."
"Hindi." tumungo ako. "Natatakot ako na walang kasama."
--
4 na linggo rin ang nakalipas simula nang magkakilala sina Ellie at Klyde, 4na linggo na rin kaming sumasama sa grupo nina Nathan kaya di na kami nahihirapan na magtago.
"Hoy, kayong dalawa ha baka may ibang klaseng nangyayari na kapag inuuwi mo si Ellie sa bahay nyo."
Nagsigawan pa lalo sina Daniel nang namula si Ellie. Dun kase nagsstay si Ellie kina Klyde since nasa London ang parents ni Ellie, at ang parents naman ni Klyde, nasa Province at may inaasikasong business.
"Nako, Ellie yang si Klyde mahal na mahal ka nyan, lagi ka ngang tinititigan nyan e lalo na nung sila pa lang ni Aya ang magkasama." sabi ni Daniel.
"Uy, tama na nga yan." Sabi ni Ellie saka may inilabas sa bag nya na papel. "7pm on saturday." Sabi nya saka binigyan kami isa isa.
"Birthday mo?" gulat na tanong namin kay Ellie.
"Hindi ba halata?" sabi nya nang umiiling.
--
Saturday na ngayon at inilabas ko yung dalawang dresses ko. Isang yellow na short skirt saka may hat na pair, then pink na long sleeved dress.
Humarap ako sa salamin saka itinapat sa sarili ko yung dalawang damit.
"Wear this." tinitigan ko lang yun damit saka sya tiningnan up and down na para bang sinusuri ko ang itsura nya.
"Bakit ganyan suot mo at san ang punta mo?" sabi ko sakanya.
"Wala, makikitulog muna ako dito." sabi nya saka humiga sa kama.
It was already 5:30 pm and di pa rin ako mapakali sa magyayari mamaya.
Flashback 11 hours ago.
It was 6:30 am already at bumangon ako sa kama nang may nakita akong sugat sa dalawang paa ko. Naalala ko na naman yun nangyari dati nung nakita ko si Nathan sa tagaytay.
So, tinawagan ko na si mama at itinanong kung ano ang mangyayari sa akin.
"Hello, ma?"
(Yes, anak?)
"Naalala nyo po ba yun nangyari sa akin dati sa Tagaytay? Nagkasugat ako noon?"
(Oo naman anak, how could I ever forget that.)
"Umm, kase mama--"
(Nainlove ka kasi sa tao noon, anak. Kaya nung tinanong ka ni Mami kung gusto mo na ba maging tao, pero sinabi ko na wag. Ganyan din ang nangyari sa akin dati, hindi ba? Nainlove ako sa daddy mo, pumayag na maging tao, pero nung nalaman nya na hindi tayo totoong tao? Iniwan nya lang tayo.)
"Mama kase, may sugat po ako. Mas malaki na kesa sa dati."
(Ako na ang nagsasabi sayo, anak. Kung sino man sya, layuan mo na sya. Para rin ito sa ikabubuti ng lahi natin. Sige na, anak. Bye na ha? Busy pa si mama. I love you.)
Inend nya na yung call at tinignan ko ang sugat ko. Hindi to pwede makita nina Nathan.
End of flashback.
Pumasok ako sa cr saka dala yun damit na dala ni Nathan. Napansin ko, ito yung nagpasama sya sa akin na bumili ng damit dati ah. Yung red na see through saka black na zebra stripes.
Sinukat ko muna yung red. Maikli sya. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, medyo kita ang sugat ko sa bandang tuhod kaya isinukat ko naman yung isa.
Itong black na may zebra stripes ang nagustuhan ko. Mahaba ito at simple kaya ito ang napagdisisyunan kong gamitin.
Bandang 6pm ay napagdisisyunan ko nang maligo, paglabas ko ay nakita kong nakabihis na din si Nathan kaya umupo ako sa harap ng vanity mirror saka nagayos ng buhok.
"Jiara, may tanong ako." sabi ni Nathan kaya napalingon ako sakanya. "Mahal mo ako, hindi ba?"
Napakunot yung noo ko saka naalala yung sinabi sa akin ni mama kanina.
"O-oo naman. Sinasagot na din kita sa panliligaw mo." very wrong, Aya. Very wrong.
Niyakap lang ako ni Nathan ng mahigpit saka hinalikan sa ulo.
Isa lang ang alam ko ngayong araw na to. Mahal ko si Nathan at handa akong masaktan para lang makasama sya.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍