--Jiara--
"Okay ka na ba?" tanong ni Klyde sa akin saka humiwalay sa yakap.
"Hindi nya man lang ako kinausap ng maayos." ngumiti ako ng matabang saka di ko napigilang may tumulong luha mula sa pisngi ko.
"May oras para dyan." niyakap nya ulit ako. "Sa ngayon, pagpahingahin mo muna yang puso mong napagod."
Napahiwalay kami sa yakap dahil sa pagbukas at pagsarado ng pinto, paglingon namin, nandun sina Ate Kyla saka Jess. Niyakap naman nila ako agad kaya tuluyan nang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilang tumulo.
"Nasan si Nathan?" tanong ko sakanila, napatikhim naman si ate Kyla. Saka humiwalay sa yakap.
"Haynako, by yung mga ganung klaseng lalaki, dapat hindi na yun hinahanap." umirap si Jess.
"Jessica, nasan sila?" this time, napansin na rin siguro nila na seryoso ako.
"Wala na, di namin alam." sagot ni ate Kyla habang pinupunasan yung luha nya.
"Did.. did something happen?" I stuttered.
"Bakit mo pa ba kasi sya hinahanap e andito naman kami?" sabi naman ni Klyde.
"Samahan nyo ako. I know where he is." sabi ko saka sumakay ng kotse.
—
"Whooo!" nasa labas kami pero rinig na rinig na ang sigawan ng mga tao sa loob ng bar.
"Jiara, why are we even here?" tanong ni Ate Kyla saka sumilip sa loob ng bara pero hinarangan sya nung bouncer.
"Excuse me, 22 years old nako!" sabi ni ate Kyla saka nagpakita ng ID.
Agad naman kaming pinapasok nung bouncer. Pagpasok namin, nagkukumpulan yung mga tao sa stage sa may bandang pole kaya sinilip namin yun upang malaman kung anong meron dun.
Nakita namin si Nathan na nagsasayaw sa pole habang may hawak na beer in a bottle, yung damit nya, nabuksan na kasi wala na yung ibang butones. Ay! Yung abs ni Nathan!"Excuse me." sabi ko habang pilit na isinisiksik yung sarili ko sa crowd.
"She," sabi ni Nathan saka napaluhod dun sa may pole "No, I-I mean, I hurt myself" tumigil sya saka uminom na naman ng beer.
Natawa sya ng bahagya kaya naman I grabbed the chance para tanggalin sya dun sa stage.
"Nathan!" pagtawag ko sakanya.
Tiningnan ko yung mga tao sa harap ng stage, nakakasilaw yung flash ng camera's. Pinatigil ko yung mga nagvi-video at hinila naman ni Klyde, ate Kyla saka Jessica si Nathan.
"What has gotten into your mind?!" sigaw ko dun sa backstage.
Nasa isang room kami dito at nakabantay si Klyde dun sa may pinto na naka bouncer outift in case na magkagulo, bawal kasi kami pumasok sa backstage pag hindi participant e.
"You." sabi nya saka ako tinuro. "You... afflicted me. That's why... Nathan b-became this useless."
"N-nathan, I'm sorry."
"Nung... nung mga oras na iniwan moko? I followed you, Jiara. I... I really did. P-pero yung nasaksihan ko? You were with your b-bestfriend! Ang sweet nyo! Nakakatangina. Syempre, hindi mo alam kung ano ang feeling, dba? C-cause you were not the one who was hurt!" dinuro nya ako gamit ang hintuturo nya. "I did everything to stalk you two. Sa park? I-I was there. I saw all things that Kr did to you. I saw all the things that caused me pain." pinunasan nya ang luha nya.
"I didn't know you were there." sabi ko saka pilit syang niyayakapmat pinipigilan ang paghikbi ko.
"Cause you never looked back." nagsimula na syang umiyak. "You never looked back at me, like the one you did when you left me."
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍