"Hoy dahan dahan nga lang sa pag kain!" sita ni KR sa akin.
Nakatatlong scoops na kasi ako ng rice saka 5 pieces of meat, e bakit ba? Ang sarap kaya.
"Inggit ka lang, kumain ka din kasi ng madami."
"Ang takaw mo kasi e, ang ganda lang tingnan." sabi nya saka tinitigan ako.
"Yung pagkain o ako?" pangaasar ko saka ngumiti at muling sumubo. "Dmo naman sinasabi, crush mo pala ako e."
"Yung pagkain! Syempre, alangan namang ikaw, dba? Hoy hindi kita crush!" sabi nya saka tumawa. Ang defensive naman nito masyado.
Sinamaan ko sya tingin saka kumuha ng peaches sa graham cake na kinakain ko. Binato ko yun sakanya saka nagharang ng plato sa mukha ko para hindi nya mabato. Para kaming bata na naglalaro ng pagkain, wala kaming pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Basta ang alam ko lang, masaya kami. Masaya ako.
--
4 months passed, ganun pa rin ang set-up sa amin. Gala kami nang gala, laging nagbabangayan ni KR, lagi kaming tinutukso na ayaw pa raw umamin ni KR na may gusto saken. Pero ako? Hah. Ewan ko ba, masaya lang ako pag kasama ko sya. My eyes are still glowing, by the way kaya nahihirapan na rin akong magcontact lenses na lang lagi.
"Hoy, mala-late na tayo ano ka ba ang bagal mo kasi kumilos e!" sigaw ni KR sa akin mula sa baba.
Magppractice kasi kami ng cotillion para sa debut ko, next week na yun. Kinuha ko lang yung bag na nakasabit sa may hook saka lumabas na ng kwarto. Tumakbo ako palapit sa kanya saka ibinato yung susi.
"Tita, we'll go ahead!" sigaw ko saka kumaway. Si KR naman, ngumiti lang.
Nang makalabas na kami ng gate, naunang sumakay ng kotse si KR at tinitigan ko lang sya sa harap ng kotse. He mouthed 'bakit', pero isang matalim na irap lang ang ibinigay ko sakanya.
"Halika na dito, mahuhuli na tayo." sabi nya saka nagbeep.
Padabog naman akong sumakay ng kotse at tumingin lang sa bintana sa buong byahe.
--
"Okay, gather up!" sigaw sa amin ng Dance instructor na ni-hire ni tito Neal. "Face your partners and then hold each other's hands.. wait, Jiara and KR you're not supposed to do this with them because you two have a special dance step." napatigil kami ni KR saka napabitaw bigla ng kamay.
Nasa gitna kami ni KR, yung iba, nasa paligid namin na nakabilog.
"Ulitin nyo yung second and fourth na step until these two finish their step. And kayo, Jiara hold KR's shoulder. And KR, hold Jiara's waist, yung parang ayaw mo na pakawalan." nagtinginan naman kami ni KR agad saka ginawa yung sinabi nung instructor habang natatawa. "No, don't laugh." napatigil naman kami ni KR saka ginawa yung sinabi nung instructor ng seryoso na. "Look of love lang yan, you sway each other like you two are the only people in this world."
Tumikhim ako saka nagsway ng maigi, si KR naman, hindi rin mapakali. "Look of love, guys! Titig!" sigaw sa amin ni D.I kaya agad naman kaming napatitig ni KR sa isa't-isa.
Inikot nya ako katulad nung sinabing pag-ikot sa amin nung D.I at binuhat at inikot habang nasa taas kami. I admit it, something's really wrong here. It felt... different.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍