"Ano nangyari sakanya?" tanong ni Jessica habang nakatingin sa bintana kung saan nakaupo si Jiara sa damuhan at tila nakatitig lang sa isang bagay.
"Nung isang araw pa sya ganyan nung nasa airport palang kami." tinitigan ko si Jiara.
"Hala ka bro, baka ayaw ka pansinin kasi sinaktan mo." natatawang sabi ni James saka sinapak ako sa braso.
"Gago, edi sana pinansin nya kayo kanina." sinuntok ko sya ng mahina sa braso.
"Pero seryoso, ganyan lang talaga sya na parang walang kilala saka nakikita?" seryosong tanong ni Kyla saka tinukod ang baba sa tuhod nito.
"Oo, panis nga laway ko dyan for almost 2 days e." natatawang sabi ko sakanila.
"Kain na daw muna, sabi ni Tita Dinella." sabi ni Kyla kaya bumaba na kaming lahat pero naiwan si Jess dahil hinahanap nya yung charger nya.
Bumaba na kami saka Isa isa kaming umupo dun sa round table saka kumuha ng ulam. Sumubo ako nung adobo, namiss ko 'to e.
Napatigil si tita Dinella sa paglagay ng kanin sa plato nya saka tinitigan kami isa isa. Umupo sya sa gitna saka may inilabas na papel.
"Nathan, may I talk to you?" sabi ni tita Dinella. Tumayo ako mula sa inuupuan ko saka sumunod sakanya sa may hagdan. "Mom erased her mind that's why, but her memories are still there."
"Bakit po pati ako hindi nya matandaan?" malungkot kong tanong kay tita.
"Siguro dahil na rin sa sakit na naramdaman nya." nginitian nya ako saka pinat yung likod ko. "Anak ko yun, Nathan at alam kong mahal na mahal ka pa rin nya, talagang hindi lang muna nya siguro gusto alalahanin yung mga nangyari 2 years ago."
"Salamat po, tita." ngumiti ako.
"Si Ellie nga pala, nasaan?"
"Hindi ko pa po nakita since kanina, tita e. Pero hanapin ko po mamaya after kumain."
"Sige, balik na tayo."
Umupo na ulit kami ni tita Dinella sa dining room saka itinuloy ang pagkain. Naabutan namin dun si Jessica na panay ang tingin sa akin habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako at sinabing hahanapin si Ellie. Palabas na ako ng pinto nang hinatak ni Jessica ang kamay ko.
"How long have you been hiding, Nathan?" tanong nya.
"Huh? A-anong sinasabi mo?" sabi ko.
"You know about this, hindi ba? Kung bakit ganyan sya?" mas lalong humigpit ang pagkakawak ni Jess sa braso ko.
"Jess ano ba, wala akong alam sa nangyayari!"
"So why? Nakita ko si Aya and Ellie kanina na magkasama at narinig ko rin kayong naguusap ni tita Dinella kanina! Alam mo bang akala ko galit na sya sa akin kanina kaya ako ganito?" naiiyak na sya kaya hinagod ko ang braso nya at kumawala sa pagkahawak nya sa braso ko.
"We need to go after Jiara." sabi ko saka mabilis na lumabas ng pinto. "Let's face your problem later."
--
"What? So you're saying 'sorry' dahil sa pagkakamali na ginawa mo? Ganon ba?" narinig ko ang pagtawa ni Jiara mula sa may garden habang nakaupo sa bench. "Don't worry, okay na ako noh."
"What the--?" hindi makapaniwalang sabi ni Jess sa nakita, pati ako ay nagulat dahil niyakap pa ni Jiara si Ellie.
"H-hindi ka na galit sa akin?" sabi ni Ellie habang nagpupunas ng luha.
"Hindi naman ako nagalit sayo noh, saka--"
"Aya? What is the meaning of this?" di makapaniwalang tanong ni Jess pagkakita sa ginawa nung dalawa.
"J-jess! I can explain." napabitaw sa pagkakayakap si Ellie at Jiara. Tumayo si Jiara saka nilapitan si Jess at akmang hahawakan ang kamay nito pero agad na tinabig ni Jess ang kamay ni Jiara at dali daling pumasok ng bahay.
"J-jiara." sabi ko sakanya, pero para lang akong hangin na nilagpasan na lang basta, kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.
Nilagpasan nya lang ako, parang wala syang nakita.
"You ruined everything." sabi ni Ellie at nilagpasan din ako.
Napaluhod ako at tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko. Oo, nasaktan ko si Jiara pero hindi nya dapat nagawa yun sa akin, napahiya ako pati na rin sa harap ng bestfriend nya--si Ellie--which will be the reason sana to make her mine again. Tumayo ako saka magpagpag ng damit nang medyo mahimasmasan at pumasok ako sa bahay, nadatnan ko si Jiara saka si Jess na magkayakap. Nagtago ako dun sa may divider at nakinig sa usapan nila.
"Kayo na ang makipag-usap kay Nathan." sabi ni Jiara saka umayos ng upo.
"Teka. Bakit nga pala--" hindi na naituloy ni James yung tanong nya dahil biglang dumating si tita Dinella.
"Oh, Nathan why are you there? Andito sina James oh." nanlaki naman yung mata ko bigla nung pinasama nya ako sa sala kina James.
Tumabi ako kay Ellie kase dun lang yung seat na available umupo, pero agad syang umalis saka lumipat sa kabilang dulo kay Jiara at nakatayo lang sya dun.
"Soooo.." panimula ni Kyla saka tumikhim. "Antahimik natin ah. Hindi ba tayo magu-usap? Ano ba guys, Jiara is back."
Napatingin sa akin si Jiara pero agad din umiwas ng tingin kaya agad ko syang nilapitan saka hinawakan ang kamay.
"Jiara.. l-let's talk please?" sabi ko saka lumuhod sa harapan nya.
"Ayoko." she said straight and headed out to the garden.
"Jiara!" sinundan naman ni Klyde si Jiara sa labas, akmang susundan ko na din pero pinigilan ako nina James.
"Let them be, dude. Mas magaan ang loob nya kay Klyde." sabi ni James.
"E GAGO KA PALA E!" sinuntok ko sya sa kanang balikat nya saka sa sa kaliwang pisngi at agad syang natumba. "AKO ANG MAY KASALANAN NUN KAYA AKO DAPAT ANG MANUNUYO PERO YUNG GAGONG YUN!" napasabunot ako sa ulo ko saka napaiyak na lang.
Tinulungan nina Kyla, Jess at Ellie si James at dinala sa sala para gamutin ang natamo nyang sugat dahil sa panununtok ko.
"YAN KASI ANG MAHIRAP SAYO, NATHAN! YANG EGO MO INUUNA MO, PWEDE BA BIGYAN MO MUNA NG SPACE SI JIARA?"
"Kyla, tama na. Away nila yan, hayaan mong sila ang umayos nyan." pinakalma ni Jess si Kyla pero tinabig nya lang ang kamay nito.
"STOP BEING SO SELFISH, NATHAN! I'VE KNOWN YOU SINCE WE'RE KIDS AND I KNOW HOW YOU BEHAVE! OO, ALAM NAMIN NA YOU ARE STILL INLOVE WITH JIARA PERO, NATHAN ANDITO NA E, PERO AYAW SAYO. AYAW KA NANG KAUSAPIN DAHIL DYAN SA PUTANG INANG EGO NA INUUNA MO!!"
"DON'T YOU EVER SHOUT AT NATHAN LIKE THAT!!" hinarang naman ng duguan na si James si Kyla kaya napaatras ako.
"THE FUCK ARE YOU DOING, JAMES?! KUNG SASAKTAN MO LANG DIN SI KYLA, MAGHIWALAY NA LANG TAYO!" nagmiddle finger si Jessica kay James saka hinila si Kyla papunta sa kusina.
Napaupo naman si James saka sinuntok yung sofa kaya nilapitan ko sya.
"Okay lang yan, bro." ni-pat ko yung likod nya pero sinamaan nya ako ng tingin saka lumabas ng bahay at padabog na isinara ang pinto.
Naiwan akong mag-isa na nakaupo sa sofa kaya pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. I better go home bago pa ako hindi makapagpigil ng sarili ko sa makikita ko. Lumabas ako ng bahay at nadatnan sina Jiara at Klyde na magkayakap. Umalis ako kaagad saka sumakay sa kotse ako at pinaandar papunta sa pinakamalapit na bar.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍