Part XIV

3 0 0
                                    


--

"Yung lights oh, ano ba yan may pundi dun sa gitna!" narinig kong sigaw ni Ellie pagkarating ko dun sa venue.

Tiningan ko yung place, inaayos na lang yung speaker. 15 minutes na lang kasi, magsisimula na yung party e. Tiningnan ko ang relo ko, it's already 8:45 in the evening. Dumiretso ako sa room para magpalit ng damit.

Calling... Jess

"Hello, by?"

(By, andito si Nathan sa may gate ng venue. Papasukin ko na ba?)

"Nako, hindi pa ako bihis, by. Baka pwedeng libangin nyo na lang muna sya para di mag-hesitate na pumasok na dito."

"Sige, by. Tawagan ulit kita mamaya, labas muna ako."

And then I ended the call. Sinuot ko na yung red dress ko saka nagapply ng very, very light na make-up lang.

"Hay, Aya. Goodluck sayo." sabi ko sa sarili ko saka tumayo sa harap ng salamin, nagwink at lumabas na ng kwarto.

Pagkarating ko sa venue ay madami nang tao. May umiinom na ng wine kahit hindi pa nagsisimula, may kumakain na ng chips na nakahain sa table. Hinanap ng mata ko si Ellie saka sinenyasan na pagkarating ko dun sa may stage ay magpatay na ng ilaw.

Lumakad ako sa may backstage para ipa-play yung song na kakantahin ko, at nakita ko naman na tumatawa si Nathan kaya nagoff na ang lights at tira na lang ang spotlight, nakatutok sakanya at nagsimula na ang kanta.

You, by the light
Is the greatest find.
In the world, full of wrong
You're the thing that's right.

Nathan, nung una kitang nakita, napako na agad ang mata ko sayo. Simula pagkabata nung nakita kita sa dagat, hanggang sa present time, nung sinubukan mo akong iligtas mula sa pagkalunod.

Finally made it
Through the lonely
To the other side

Hindi ka naman ganun kagwapo, pero bakit sobra akong naaadik sayo? Tinataboy mo pa ako noon pero hindi ko inakala na magkakagusto ka sa akin. Minumura mo ako, tinatawanan mo ako. Pero di ko rin inakalang magkakagusto pa rin ako sayo kahit ganun ang pangaasar mo sa akin.

You said it again my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark.

Minsan nga natanong ko sa sarili ko, tama ba itong ginagawa ko? Tama ba na mahalin ka? Kase feeling ko, kahit masaya ako, lahat na lang may kapalit e. Feeling ko pag ngumiti ako, may lumabas na luha mula sa mata ko.

And I'm inlove
And I am terrified
For the first time
And the last time
In my only life

Nung andyan ka, gumaan ang pakiramdam ko. Lahat ng problema na nasaken, feeling ko kinuha mo ang kalahati. It's a miracle 'cause akala ko, hindi na gagaan nang ganito ang pakiramdam ko. Corny man pakinggan, pero wala e... totoo.

--Ellie--

Sinenyasan ako ni Aya na i-play yung kanta kaya ni-play ko ito agad saka pumunta dun sa may computer para asikasuhin yung slideshow. Nakita ko naman sa peripheral view ko sina Annika saka yung dalawa nya pa na kaibigan na natatawa na lang sa pagkanta na ginagawa ni Jiara.

Si Nathan, napatulala. Siguro nabigla din sya sa pag-effort sakanya ni Aya, pero I bet mas magugulat sya sa gagawin ko.

Pagtapos ng unang parte kanta ay sinadya kong guluhin at kunyari naghang ang music para mapatingin silang lahat sa may monitor, at ito na. Ito na ang part na nagaalangan akong gawin.

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon