Tiningnan ko kung sino yung nasa likod ko, isang babaeng nakaupo sa likod. Sa dulo. Ngayon ko lang sya napansin ah, siguro dahil kasi marami ring students kanina sa room na 'to.
"Hi!" sabi ko sabay completely harap sakanya. "I'm Jiara."
"I know." nahihiyang sabi nya saka tumawa ng mahina. "I'm Ellie." sabi nito saka lumapit sa akin at inilahad ang kamay.
Tiningnan ko lang yung kamay nya saka ito pinalo. Tiningnan nya naman ako ng weird, e bakit ba. Hindi pa nga kami close, naikipaglaro na sya agad.
"Transferee ka?" tanong nya sa akin at tumango naman ako. "Tara, kain tayo."
Hinila nya ako papunta sa cafeteria, wala na akong nagawa kundi magpahila na lang.
--Klyde--
"Dude, ano ba. Kanina pa kami tanong nang tanong sayo kung anong order mo." asar na sabi saken ni Daniel.
"H-huh? Ahh sorry na. Ano na nga ulit?"
"Kako Churros o salad?"
"C-churros." sabi ko sakanya.
"Ano bang nangyayari sayo, Klyde?" sabi ni Daniel saka tiningnan yung tinititigan ko. "Aba, kaya pala. Mahirap na, inlove na e."
Ginulo ni Nathan yung buhok ko at napangiti na lang ako sa nakikita ko.
"Hoy wag nyong gagalawin yan ah." -Nathan
Ang ganda nya talaga, sino kayang hindi magkakagusto sa gantong nilalang?
Tinitigan ko lang sya habang nilalaro yung fidget cube ko. Mukha syang naaasar sa sinasabi sakanya nung isang babaeng cute din. Well, ofcourse kilala nyo naman akong isang playboy e.
"Oh ayan na, kumain ka na at mamaya mo na hubaran sa isip mo yang bago mong lalaruin." natatawanag sabi ni Paolo sa akin.
"Gago, seseryosohin ko sya." kumuha ako ng Churros saka tinitigan lang sya habang kumakain ako.
"Ellie Carter." sabi ni Daniel sa akin saka ako nginitian.
"Salamat dude." Sabi ko sakanya, ngunit hindi pa talaga ako kuntento sa pangalan lang. I wanna be close to her so hiningi ko na din ang contact number ni Ellie.
--
Paguwi ko ay agad akong umakyat sa kwarto ko saka humiga sa kama, itext ko na kaya?
To: Ellie
Hi :)
Makalipas ang ilang minuto ay nagreply na rin sya.
Sino po ito?
Me: I like you :)
Hindi nya na ako nireply-an kanina kaya nakangiti ko na ipinikit ang mata ko. Konting tulog lang ang kailangan ko para may lakas ako mamaya.
--Ellie--
"Dinuguan na saken." sabi ko saka nagbayad sa cashier ng cafeteria.
Kasama ko si Jiara ngayon dahil break na rin naman.
"So, ano? May gagawin ka ba mamaya?" tanong saken ni Jiara habang kumakain kami.
"Wala naman, bakit?"
*vibrate*
From: 09*********
Hi :)
"Sino yan?" tanong ni Jiara sa akin.
"Wrong number siguro. Ayoko na reply-an, baka inisin pa ako."
Ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang phone ko nang biglang nagring ito ulit.
From: 09**********
I like you :)
"Oh, akala ko ba xsent?"
Hindi ko na lang sya pinansin saka kumain na lang. Sino kaya yun? Saka.., I love you daw?
"Hindi kaya si Austin?"
Binigyan ko si Aya ng death glare at agad namang tumigil ito.
Nakwento ko na rin kasi yata lahat ng nangyari sa buhay ko, simula pagkabata.
Madaldal din kasi ako, kahit hindi halata dahil sinasabi nila na ang hinhin daw ng pangalan at itsura ko, bagay na bagay daw.
"No. Hindi pwede." I smiled at her and ate.
"Haynakoo, kung di lang kita bestfriend baka nabilaukan ka na dyan."
--Jiara--
Sino kaya yung nagtext kay Ellie?
Syempre, as her bestfriend, dapat alam ko yung mga nangyayari sakanya.
Naglakad lakad lang kami ni Ellie nang may dumaan na grupo ng lalaki at tumigil ito sa harapan namin pero may isang lalaki na tumakbo sa may field.
"I LIKE YOU, ELLIE CARTER!"
Umikot ikot sya sa field saka lumapit sa amin.
"What is going on?" bulong ni Ellie sa akin.
"I like--"
Hinila na yung lalaki nung mga kasama nya saka ginulo ang buhok nito.
Now, that one's cute.
"Hoy, ano to?" sabi ko kay Ellie saka nagsmirk.
"No, wala akong alam dito. Promise. Quiet lang ako." itinaas nito ang right na kamay nya saka nagdrawing ng parang zipper sa may mouth nya na nagaaktong quiet lang talaga sya.
"Sige na nga, looks like hindi mo talaga sya kilala." sabi ko kay Ellie saka muling naglakad.
"Uy sorry na best, dko talaga kilala yung grupo na yun at lalo na yung lalaking yun. Nagulat nga ako e."
"Oo na nga, halika na at mahuhuli na tayo sa klase natin." hinila ko ang kamay nya saka tumakbo papunta sa susunod naming klase.
--Nathan--
Sunod na klase namin ang Martial Arts. Magkakasama kami nina Klyde na pumasok sa room namin saka umupo sa may likod sa tabi ng pinto para makakita ng maganda.
Di nagtagal ay nagsimula na kaming magklase. Ang boring naman kaya naglabas ako ng notebook at nagdoodle sa pinakalikod na pahina.
Hindi talaga matanggal sa isip ko si Aya. Nung nakita ko sya kanina, nagiba bigla yung tibok ng puso ko. Biglang bumilis.
"Uy sino yan?" tanong ni Reiner sa akin sabay ngiti ng nangaasar.
"W-wala yan." saka ako umiwas ng tingin.
*knock*
"Hi. Sorry I'm late." sabi nung babae saka pumasok na kang bigla sa room without the professor's permission.
"Hi." she said and then winked at me. "Welcome back to me."
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍