Binabalot kaming dalawa ni Nathan ng katahimikan ngayon. Tanging pag-ikot lang ng electric fan ang naririnig saka paghinga namin ng malalalim na tila ba kinakabahan sa sasabihin ng isa't-isa.
"Aalis ka na?" tanong nya.
Tumango naman ako sa bahagyang tumikhim. Hindi ko sya matingnan ng diretso. We're almost two years pero dahil nga sa nangyari, parang nawala lahat. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip kong makipaghiwalay na lang.
"Babalik ka pa ba?" tanong nya kaya tiningnan ko naman ito.
"Hindi... ko alam." sabi ko saka napatungo ulit at tinitigan na lamang ang paa ko. 10 minutes na kaming nag-uusap ni Nathan, sana mag 8:30 na agad para makaalis na ako dito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" ramdam ko ang pagtitig nya sa akin, para akong yelo na tinutunaw nya.
"Yung alin?"
"About sa tinago mong pagkatao mo."
"Kase alam kong hindi mo matatanggap."
"Matatanggap ko kung sinabi mo before maging tayo."
"Matatanggap?" tumayo ako. "Nathan, matatanggap? Seryoso ka ba? So ano pang point nitong paguusap natin kung hindi mo rin matatanggap yung pagkatao ko? Saka kakasabi mo lang dba? Matatanggap mo ako kung sinabi ko before maging tayo, kaya ngayon? Wala na. I'm sorry." tuluyan akong lumabas ng pinto at iniwan dun si Nathan.
Sinenyasan ko yung driver na aalis na at nginitian na lamang sina ate Kyla, Jessica, James at Klyde na halatang nabigla sa nangyari. Go on, Aya. Ginusto mo yan, nangyari na at nasabi mo na e kaya wala nang atrasan.
--
San Francisco, California
"Jiara!"
Napalingon ako dun sa boses na tumatawag sa akin saka ngumiti. It's KR.
"Keath!!" tumakbo ako habang hila yung dalawang maleta ko saka nakapatong na duffle bag.
"Oh, kalma! Oh ano na? Kamusta na ang maganda kong kababata?" ginulo nya ang buhok ko saka pinatungan ng kamay nya yung ulo ako.
"Tssss, tigilan mo nga ako. Palibhasa, matangkad ka kasi kaya nagagawa mo ang mga yan e."
"So ano nga? Kamusta na? Kailan ba tayo last na nagkita?" sabi nya na pumantay saken saka tinitigan ako sa mata at hinawakan ang balikat ko. "Laki na ng pinagbago mo ah."
"Syempre, gumanda ako!" sabi ko saka kami nagtawanan ulit.
"Oh, tara na. Kanina pa tayo inaantay nila mommy." sabi nya saka kinuha yung isang maleta ko saka duffle bag.
Sumakay na kami ng kotse ni KR, dun ako sumakay sa likod para maging komportable ako. Di naman ito kalayuan mula sa exit gate ng airport.
"Grabe, KR ang haba ng byahe." sabi ko habang inaayos ang buhok ko, ginulo kasi ni Kr kanina e.
"Oo nga, akala ko nga hindi ka na darating e." sabi nya saka nagsmirk at tumngin sa rear mirror.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sinamaan ko sya ng tingin saka pinalo yung braso nya, natawa naman sya habang nakatitig pa rin sa rear mirror.
"May... may boyfriend ka na?" tanong nya saka umiwas ng tingin sa rear mirror.
"U-uhh." tumingin ako sa bintana saka tumikhim. "K-kakabreak lang namin, 2 days ago."
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍