HIS POV (NATHAN)
Present time: January 7, 2018 (Jiara's 18th birthday)
Ilang buwan akong nagtiis para lang magmukhang okay na, kahit hindi naman. Marami na akong nakakalandian na iba, pero hanggang landian lang kasi gusto kong ipadama sakanila yung sakit na nararamdaman ko ngayon, pero siya pa rin ang mahal ko.
Sumunod ako 2 weeks after ng flight ni Jiara, kinuha ko kay tita Dinella lahat ng documents para lang ma-track si Jiara. I spent every remaining dollar in my pocket just to rent an apartment near Jiara's place then I decided to work there to have an extra income.
Kung saan nagpupunta si Jiara, gusto ko nandun din ako. Palagi nyang kasama yung KR, bestfriend nya siguro yun. Pero halata namang may gusto yung lalaki sakanya, basagin ko kaya bungo nun para tigilan nya na si Jiara? Pati sa malls pag gumagala sila na silang dalawa lang, selos na selos ako.
Its been what? 4 months and I planned everything on how to get in Jiara's party, good thing kase invited yung tinitirahan kong bahay so sinama nila ako. I disguised very well, ni cover ko talaga mukha ko para walang makakilala sa akin dun, ayokong makita ako ni Jiara kasi alam kong maiiyak lang sya. Basta ako, sapat na yung makita ko sya.
Binabalita sa akin nina Kyla yung mga nangyayari kay Jiara, na ayaw na akong kamustahin. She must've hated me a lot dahil sa sakit na naramdaman nya sa akin. Si Annika saka si Ellie? Well, we know the truth. Alam namin na kailangan lang talaga ni Ellie ng pera kaya nya yun nagawa, pero its still a bad thing though.
I was hurt dun sa nasaksihan ko sa party, nung binuksan ni Jiara yung box na tinapat ni KR sakanya. Ano 'to? Proposal? My knees got weak, dko alam kung dahil ba sa alak na ininom ko na tuloy tuloy or dahil sa nakita ko? Si Jiara, tuwang tuwa.
Lumabas ako papunta dun sa may dagat at umupo sa sand ng nakasuit pa rin. Tinanggal ko yung black shoes ko na binili pa namin ni Jiara dati nung nasa pilipinas pa kami at inilagay yun sa tabi ko. Nilabas ko yung vape ko saka umihip. Napangiti ako ng mapakla nung naalala ko yung nangyari na naman kanina na proposal. Ang landi lang kasi nung KR.
"Landi mo gago!" sabi ko saka ibinato yung cocktail glass sa dagat. Wala akong pakialam kung mahal yun, kayang kaya ko bayaran yun.
Nagulat ako dun sa venue dahil parang nagkagulo kaya napatingin ako. Agad naman akong napatakbo nang maalala ko si Jiara, today is her 18th birthday and probably the last day of her life.
"Jiara!" sigaw ko habang tumatakbo.
"Ilagay mo sya sa aquarium sa basement! Now na!" sigaw nung babae kaya nilapitan ko yung KR na hawak si Jiara na wala ng malay.
"Sa dagat mo sya ilagay wag sa aquarium!" sigaw ko at pinigilan sya na bumaba pa.
"Mas malapit ang aquarium kaysa sa dagat ano ba! Saka sino ka ba at ganyan ka makapagsalita!" sigaw nya pabalik at tinuloy ang pagtakbo pababa ng basement.
"Ex nya ako! Si Nathan!" tinanggal ko yung mask ko para marecognize nya ako at nagulat ako nung bumalik sya at lumabas para ilagay sa tabing dagat si Jiara.
"Jiara, gumising ka. Please?" sabi ko at hinaplos ang ulo nya.
"Now, what happened to my dear Grand daughter?" umangat mula sa tubig ang isang babae na sobrang ganda na di mo aakalain na may apo na. This must be Jiara's grandmother.
"Ma, makulit talaga ang Aya natin. I already warned her months ago. I told her to stop falling inlove to a man on land, but she wouldn't listen to me." umahon mula sa tubig si tita Dinella at piniga ang buhok at naupo sa bato.
"Is there any chance po na magising sya?" tanong ni KR.
"There is, kailangan na manatili sya dito sa dagat for a long time. No contact with people. I'll close her mind, but don't worry, I'll leave the memories there." hinawakan nya ang dibdib ni Jiara.
"Kunin nyo na po sya." pagsurrender ko at yumuko.
Ganun din ang ginawa ni KR. Wala naman kaming nagawa nang biglang natanggal na lang ang damit ni Jiara at ang paa at napalitan ito ng scales hanggang dibdib. Ganun ang itsura nung batang nakita ko dati. Ganun ang itsura ni Jiara dati, ang first crush ko.
Lumubog na sila at naiwan kami ni KR na nakayuko pa rin.
"I'm sorry." napatingin naman ako sa gawing kanan ko dahil sa sinabi ni KR.
"For what?" natatawa kong sabi.
"Sorry for all. Sorry kung akala ko I can replace you in Jiara's heart, pero wala e. Kahit sabihin nyang hindi ka na nya gusto sa akin, nararamdaman ko. Nararamdaman kong ikaw pa rin yung laman ng puso at isip nya. At ako? Alam ko naman na bestfriend lang ako, hanggang dun lang yun at tanggap ko na." tumingala sya. "Umuulan na pala, dun ka muna sa bahay matulog at marami pa akong dapat sabihin sayo." ngumiti sya at tinulungan ako tumayo saka pinagpag ang damit namin.
--
"So eto yung kwarto ni Aya?" tanong ko pagkapasok.
"Oo." tumawa sya. "Akala ko kase gusto nya pa rin ng pink saka akala ko girly pa rin, pero iba na pala sya ngayon."
Binuksan ko yung mini fridge nya at napatawa ng mahina nung nakita ko yung cake na nakagatan. Napadako ang tingin ko sa kama nya, andun yung phone nya kaya umupo ako dun.
"Sige, bro. Matutulog na ako, bukas na lang tayo magkwentuhan. Goodnight." sabi ni KR saka lumabas ng kwarto.
In-unlock ko yung phone nya, wala naman password. Wallpaper nya yung nasa tagaytay kami, ito yung itsura nya nung nagselfie sila ni Klyde pero naka-crop ito. Hindi nya pa rin pala nao-open yung message request ko sakanya. Nilagay ko yung phone nya sa side table saka nagpalit ng damit at natulog na.
--
2 years already passed by. Dito ako nakatira kina KR, alam na rin nina Kyla kung ano at sino talaga si Jiara and wala namang nagbago sa pakikitungo nila dun. Paexpire na ang visa ko dahil 2 year-entry lang to so eto ako ngayon, nag-eempake ng gamit nang biglang pumasok ng kwarto si KR.
"Bro, eto na nga pala yung mga dapat ni Jiara na iuuwi nyo." ngumiti sya ng mapakla. "Mabuti ka pa at ikaw ang kasama ni Jiara, ako? Wala e. Balitaan moko pag nasa Pinas na kayo ha?"
Oo, kasama ko si Jiara na babalik ng Pinas at malapit ko na syang puntahan sa dagat sa malapit dito sa bahay.
Tinulungan ako ni KR na ilagay sa kotse yung mga gamit namin ni Aya. Pagpasok ko ng kotse ay nandun na pala sya, nasa tabi sya ng driver's seat at nakatingin lang ng diretso na para bang walang pakialam sa nangyayari.
"Sige bro, ingat kayo. Alagaan mo bestfriend ko." sabi ni KR saka nakipaghandshake. Nginitian ko naman to pabalik and I mouthed 'don't worry'.
Buong byahe akong nakatitig kay Jiara hanggang sa makarating kami sa airport. Inaalalayan ko sya at hinihintay kong kausapin nya ako, pero wala. Parang wala lang syang pakialam.
"Jiara, may gusto ka bang kainin?" tanong ko sakanya.
Umiling naman sya, pero di pa rin tumitingin sa akin. Problema nito?
"Saan tayo pupunta?" biglaang tanong nya.
"Sa Pilipinas. Uuwi na tayo."
"S-sa Pilipinas?" tumingin sya sa akin nang may bakas ng pagkagulat sa mukha.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba?"
"Ah, wala, wala." diretso na ulit ang tingin nya hanggang sa makapasok kami ng eroplano.
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍