LIWANAG NG BUWAN
Sampung minuto nalang ay matatapos na ang oras ng trabaho ko kahit alas dose na nang gabi ay madami pa din ang kumakain sa fast food chain na iyon, madali kong tinapos ang paglinis ng isang table at mabilis na tumungo sa washing area.
Paniguradong mahihirapan na naman akong makasakay nito dahil iilan na lamang ang sasakyang dumadaang patungo sa inuuwian ko.
"Ara," napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
"birthday ni Jeric bukas, nights out sama ka." napa deritso ako ng tayo mula sa pagpapalit ko ng sapatos at alangang ngumiti.
"Joan kasi ma-"
"Bukas ng gabi pagkatapos ng shift mo susunduin kita dito magdala ka nalang ng damit kung ayaw mo namang yang uniform mo ang suot mo sa bar." Pagkasabi ay mabilis itong lumabas ng locker room.
Sabi ko nga wala akong choice, sa totoo lang ay ayoko talagang sumama hindi ko naman kasi hilig iyon at isa pa ano daw bar?urgh! hindi ako umiinum paniguradong maiinip lang ako.
Tulad ng sinabi ko kinse minuto na akong naghihintay sa sakayan ay hindi pa din ako nakakasakay, gabi-gabi ay halos ganito ang sitwasyon ko trabaho sa gabi at maghapong naka hilata sa araw. Nakaka dalawang kontrata na ako sa trabaho at nasanay na ako ng ganitong sestema ng buhay ko.
Dalawang taon na ng lumuwas ako dito sa lungsod para matutung mabuhay para sa sarili ko, tutol sana ang mga magulang ko dahil ang gusto sana nila ay ipag patuloy ang huling dalawang taon ko sa kolehiyo kahit sa anong paraan.
Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi na din nila kaya pang tustusan pa ang pag aaral ko kaya naman ito ako, lakas loob na lumuwas at nakipag sapalaran.
Maayos naman ang takbo ng buhay ko gigising sa umaga, maghapong na sa maliit na apartment na inuupahan at papasok ng alas tres ng hapon sa trabaho hanggang alas dose ng gabi. Pero kahit ganon ay masaya naman ako at hindi nag sasawa kahit paulit-ulit lang ang nangyayari sa araw-araw.
"Hindi ako aabsent Jo" paliwang ko sa taong na sa kabilang linya na wala ng iba kundi si Joan, na parang sirang plakang paulit-ulit na pinapa-alalang susunduin ako pagkatapos ng duty ko.
"Umayos ka Ara, kung hindi talagang sasabunutan kita jan sa baba mo." Pagbabanta nito. Hindi ko naman mapigilang mapatawa sa sinabi nito kahit minsan talaga walang preno sya magsalita, kung hindi ko lang sya kaibigan kanina ko pa pinutol ang linya.
Kaso paniguradong yari ako pag ginawa ko yun napaka ingay at walang preno pa naman ng babaeng yon.
Tulad ng normal na araw at mabilis na dumaan ang maghapon at natapos ang shift ko sa trabaho ng gabing iyon.
Ayos! The Madnight Bar ayon sa malaki at maliwanag na signage nito.Isa sa mga klase ng lugar na pinaka ayaw kong mapuntahan dahil sa bukod na maingay na ay puno pa ng mga lasing at naglalampungang mga tao urgh!
"Ayosin mo yang muka mo nakakahiya kina Jeric,nandito tayo para magsaya!" Masiglang sigaw nito.
Hinila na ako nito papasok ng Bar pag pasok pa lamang ay amoy ko na ang pinag halong amoy ng alak at sigarilyo. Napaka lakas din ng tugtug sa loob ng lugar.
Hila-hila pa din ni Joan ang kamay ko at patuloy na linalampasan ang mga nagsasayawang mga tao hanggang sa umakyat na kami sa ikalawang palapag ng bar.
"Hindi nyo naman sinabing nasa pinaka sulok ng bar tayo naka pwesto!"
Pagmamaktol ni Joan ng marating namin ang grupo namin. Napansin ko na may iilang bote ng alak ang nasa ibabaw ng mesa at nag kakasyahan na sila.

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampireAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...