KISAPMATA
Ala sais pa lang ng umaga ay bumangon na ko sa higaan ko paano ba naman ay halos hindi na ko nakatulog ng magising nanaman ako sa isang masamang panaginip.
Pangatlong beses ko na napapanaginipan ang duguang walang buhay na tao at paulit-ulit na iisa lang senaryo.
Ng umagang iyon ay naisipan kong mag grocery napansin ko kasing paubos na ang mga stock ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na mall at doon na binili ang mga pangunahing pangangailangan ko sa araw-araw. Habang namimili ay may nakasalubong akong lalaking naka hoodie.
Bagamat hindi iyon ang estranghero ay hindi maiwasang bumilis ang pintig ng puso ko ng maalala ang lalaking iyon sa Dino's. Katunayan ay ilang araw din itong nagpagulo sa isip ko at sa t'wina ay bumibilis ang pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pamimili at pinilit na iwinaksi sa isipan ang imahe ng perpektong estranghero.
Mabilis akong nakalabas ng supermarket hindi pa ako nakakalayo ng may narinig ako tumatawag sa pangalan ko.
Kumunot ang noo ko ng makita ang humahangos na lalaki papalapit sa akin.
"Ara!" Tuluyan na itong nakalapit sa akin at malapad ang ngiti sa labi, doon ko lamang ito nakikilala ng magkaharap na kami. Hindi ko din maiwasang mamangha sa kakisigan nito lalo na ang matipunong pangangtawan niya.
"Sabi ko na nga ba ikaw yong nakita ko sa loob kanina, ikaw lang ba?"
"O-oo ako lang Shane?" Natawa ito ng marinig ang pag aalinlangan ko sa pagbanggit ng pangalan niya.
"Pauwi ka na ba?"
"Oo sana tapos naman na ko mamili." Bahagya kong itinaas ang dalawang malaking plastick bag kong dala.
"Akina tulungan na kita jan." Mabilis niyang kinuha sa mga kamay ko ang malalaking plastic hindi na ako umangal dahil medyo may kabigatan naman talaga iyon.
"Bakit hindi muna tayo mag lunch treat ko." Tumingin ito saakin ng hindi pa din nawawala ang ngiti.
"Sige ba kahit nakakahiya." Hindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Shane sa sinabi ko.
Panay ang kwento nito habang binabaybay namin ang third floor, store manager pala ito sa isang boutique dito sa mall at may tatlong taon na sa trabaho niya.
Sa isang kilalang kainan nya ako dinala sikat iyon sa masarap na Buffalo wings at kahit kumakain na kami ay panay pa din ang kwento nito. Sa totoo lang ay gusto ko ang pagiging open at vocal nito nakaka interes din naman kasi ang mga sinasabi niya hindi ko nga namalayan na madami na pala ako nakain dahil sa pakikinig sa mga kwento niya.
"Salamat sa libre, babawi ako sa susunod sayo." Sabi ko dito ng pareho kaming matapos kumain.
"Wow!ibig sabihin may chance pa akong makasama ka?" Nakaramdam naman ako ng hiya ng mapagtanto ang sinabi ko baka isipin nito ay may pinapahiwatig akong iba.
"A, e ang ibig ko sabihin-"
"I know,i know sige ganito bukas ng gabi ikaw ang taya."
"Bukas ng gabi?"
Binigay ni Shane sa akin ang oras at saang lugar kami magkikita, gusto ko sana tumanggi pero baka isipin niyang hindi ako tumutupad sa pangako kong treat. Mabuti na lamang ay day off ko bukas kaya walang problema ang oras.
Ng gabing iyon ay maaga akong pumasok sa trabaho gusto ko kasing kausapin si Joan at ayaing sumama sa lakad namin ni Shane. May tiwala naman ako sa tao dahil muka namang hindi gagawa ng masama pero maganda na din kung may iba kaming kasama.
"Baka naman maka istorbo lang ako sa date niyong dalawa." Kumikinang pa ang mata nito habang sinasabi iyon. Pano ba naman ay inaalaska niya na nililigawan daw ako ni Shane.
"Sira! Nag lunch lang nanliligaw na?"
Inirapan ko ito at naiiling na tinuloy ang pag aayos ng mga gamit ko sa locker. Sumunod din ito sa akin ng tumungo na ako sa area ko mabuti na lamang ay hindi masyadong busy ang store kaya kahit bumulong bulong si Joan sa likod ko ay hindi kami mapag iinitan ng bisor.
"Shunga talaga nito hindi mo ba napansin noong na sa bar tayo halos hindi humiwalay sayo? Type ka non." Siniko pa ako nito.
"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo Jo. Basta bukas sumama ka aasahan kita"
"Oo na oo na basta sabi ko sayo iba ang tingin ni shane sayo" muntik na ko mapa sigaw ng bigla ako nitong kilitiin sa tagiliran.
Mabuti na lamang ay tinawag siya ng bisor kaya naman napilitan itong umalis na pinasalamatan ko naman dahil sa sobrang kulit nito. Pero ganun na lang ang pagtataka ko ng maramdaman ko ang pananayo ng balahibo ko sa braso maging sa aking batok. Awtomatiko akong napatingin sa labas ng store at para bang napako ako sa kintatatyuan ko ng matanaw ko ang isang tao.
Siya iyon! Hindi ko man lubusang maaninang ay sigurado akong siya iyon. Nakatayo lamang ito sa tabi ng isang itim na kotse hindi tulad noong una, longsleeve na polo ang suot pormal ang dating nito ngayon at walang takip ang ulo, kaya naman mula dito ay pansin ang makapal at alon-along itim na buhok nito.
Bagaman madilim at hindi ko lubusang nakikita ang muka ay alam kong nakatingin ito sa gawi ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay, dumadagundong din ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Para bang may humihila sa akin upang lumabas at puntahan ang taong iyon, nararamdman ko ang pagahon ng aking dugo sa kagustuhang lapitan ito at kausapin. Kaya naman walang pagalinlangan akong naglakad palabas ng counter.
Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Linda pero hindi ko ito pinansin mas nanaig ang kagustuhan kong alamin ang lalaki sa labas at kausapin. Pero ganoon na lamang ang pag dismaya ko ng sa isang iglap ay wala na ito sa kinatatayuan niya.
"Sinong hinahanap mo Ara?" Tinanong ako ng guard sa pinto ng marating ko ito.
"K-kuya yong lalaki doon asan na? Itinuro ko ang itim na kotse na siyang kinatatayuan kanina ng estranghero.
"Lalaki? Sinong lalaki? Wala naman akong napansing tao jan."
Napansin ko din ang paglinga-linga ni manong guard.
Imposible nandon siya,sigurado ako sa nakita ko. Ngunit wala akong nakita kahit na anong palatandaan niya.
Alam niya ba na pupuntahan ko siya kaya biglang umalis? Sino ba talaga siya? Lubusan ng nabalot ng pagkadismaya ang sistema ko para bang may isang bagay na nawala sakin at binalot ako ng panghihinayang.
Siguro nga ay hindi ko naman talaga kilala ang taong iyon, at hindi naman talaga ako ang sadya niya. Ang lakas kasi makahawa sa ka praningan nitong si joanna kaya naman pati ako nadadamay sa pagiging tamang hinala.
May kung anong lungkot ako naramdam sa maliit na bahagi ng puso ko ng maisip ang katotohanang iyon.

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirosAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...