SALVATION
Hapon ng araw din na iyon ang daming katanungan sa isip ko, pero isa lang ang alam ko pasama ng pasama ang bangungot sa bawat gabi na tila ba totoong ngyayari ang lahat ng ito.
Pinagtawanan pa ko ni Joanna sa laki ng eyebag sa mga mata at hindi na daw kailangan ng effort sa magiging make-up ko. Nagtanong ito sa dahilan ng pagkakapuyat ko pero mas minabuti ko na lamang sarilinin ang totoo dahilan.
"B-braid ko na lang yang buhok mo tapos costume na lang ready ka na."
Mahigit isang oras din ang tinagal sa paglalagay ni Joanna sa muka ko. Mataas ang tiwala nito na magiging maayos ang kalalabasan lalo pa daw at pinanoud niya ito sa youtube.
"Dapat lang masakit na ang likod ko dito, nakakaantok pa iyang pinagagawa mo."
Reklamo ko sa ddit, sinubukan ko kunin ang maliit na salamin pero tinapik lang niya ang kamay ko.
"Mamaya na atat eh!" Maarting saway nito.
Ayaw pa ipakita malamang nakakatakot naman itsura ko, holloween make-up nga eh!
Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya natapos sa muka ko. Kasunod naman niyang ginawa ang abot bewang na buhok ko. At dahil na sa likuran ko siya ay mas naging malinaw sa akin ang nagkalat na make-up sa mesa.
"Ang dami mo pa lang ganiyan." Turo ko sa mga kung ano-anong bagay sa harap ko.
May malaking hugis parisukat na may ibat-ibang kulay na eyeshadow, ilang piraso na tube ng foundation at pang contour daw. Madami din itong brush ibat-iba ang hugis at laki ng bawat isa.
"Yung totoo, nagagamit mo ba ang lahat ng iyan?"
Inginuso ko ang madaming bagay sa harap ko.
"Oo naman bawat isa jan may silbi at may dapat paggamitan. Dapat ay marunong ka gumamit niyan."
Hindi ko mapigilan ang mapangisi sa sinabi niya.
"Pressed powder,maskara at pulang lipstick lang kaya ko ilagay sa muka ko alam mo yan."
Iyon lang naman talaga ang totoo kung pipilitin ko gamitin ang mga bagay sa harapan ko ay baka mag muka lang ako clown pagkatapos.
"Yeah stick to your same old reeed lipstick."
Pina-arte pa nito ang pagsasalita. Natapos ang buhok ko at pinilit niyang isuuot ko muna ang costume bago ako tumingin sa salamin.
"Jo!parang may mali sa costume ko!" Sigaw ko mula sa kwarto.
Mabilis na pumasok ang kaibigan ko sa pinto take note ready na din siya at bumagay sa kaniya ang costume niya.
"Ano ang mali may punit ba?" Pinaikot pa ko nito habang hinahagod ng tingin ang buo ko katawan.
"A,e kasi parang masikip."
Sinubukan ko inatin ang tela na humahapit sa balat ko. Nagustuhan ko ang simpleng disenyo nito, purong itim na over all hanggang bukong sa paa.Hindi mahaba ang manggas at bahagyang nakalabas ang tuktuk ng dibdib ko.
Ang problema ko ay masyado yata itong masikip ipit na ipit tuloy ang dibdib ko, pakiramdam ko tuloy ay halata ang maliit kong taba sa tiyan.
"Shunga walang mali, tight-fitting talaga ang damit."
Kinuha niya ang sandal na ipapares ko at iaabot sa akin kasabay ng malambot at madulas na kapa.
"Pero...hindi ba masagwa?nahihirapan yata ako kumilos."
Inayos ko ang bahagyang nakalabas kong dibdib.
"Maganda!okay wag kang praning. Bilisan mo ma la-late na tayo."

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirosAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...