Chapter 6

125 2 0
                                    

BANTA NG DILIM

"Salamat po sa mga impormasyong ibinigay mo Ms. Alvaruiz, hayaan mo po at agad namin ipapaalam sayo kung may bagong impormasyon kaming makukuha."

Pangako ng Hepe ng pulisya matapos ko ihayag ang buong pangyayari sa insidente.

"P-pero sino po ang maaring gumawa sa taong iyon at pano?"

Balot pa din ako ng matinding takot at pagtataka sa ng yari. Ngunit hindi naman ako deritsong masagot ng pulis dahil tanging hindi pa malinaw kung sino ang gumawa ng ganoong klaseng krimen at higit sa lahat ay kung paano.

Ilang minuto na lamang ay tuluyan ng sisilip sa kalangitan ang haring araw, panibago umpisa ng buhay para sa lahat at karaniwan pero ako ay ito at pauwi pa lamang sa aking tinutuluyang apartment.

Nakatanggap ako ng mga nag aalalang messages mula kay Joan sakaniya ko lang nasabi ang insidente at hindi ko na pinaabot pa sa mga magulang ko sa probinsiya dahil siguradong pauuwiin ako ng mga iyon ura mismo.

Pagkapasok ko ng maliit kong apartment ay muling tumunog ang cellphone ko.

Isang message mula kay Joan at isang unknown number.

(Dapat siguro ay umalis ka na sa tinitirhan mo.)

-Unknown

"Sino ka??"

(Kung mahal mo pa buhay mo lumayo ka na!)

-unknown

Kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako pag tripan mo ok?

"Bwesit! Ang agang manira ng araw."

Pabalibag ko inilapag ang cellphone sa inis paano ba naman ay hindi pa pala tapos ang kamalasan ko sa araw na iyon.

Muling tumunog ang cellphone ko, nayayamot man ay muli kong kinuha ito upang i-off sana pero hindi ko naituloy ng mabasa ko ang flash message sa screen.

(Babalikan ka nila!)
-unknown

Tuluyan ng tumayo ang mga balahibo ko sa batok sa huling nabasa ko may kung anong takot akong naramdaman pero sino? Bakit at anong dahilan? Sino ba ang taong ito sa dami ng katanungan ay i denial ko ang number nito.

Ring
Ring
Ring..

"H-hello sino ka ba?" Pinilit kong lagyan ng inis ang boses ko.

"Sabihin mo kung sino ka at ano ba itong pinagsasabi mo?sinong si-"

"Lumayo ka na."  iyon lang at nadinig ko ang mahinang  kaluskos sa kabilang linya bago tuluyang naputol ang tawag.

"Huh!aba't bastos." Gigil kong pinatay ang cellphone ko sino siya para utusan at takutin ako? Halatang adik parang galing sa ilalim ng lupa ang boses malat!lakas ng trip!

Pinilit kong makatulog kahit na hindi mawala sa isip ko ang nangyaring insidente kagabi. Higit na hindi ko maisawalang bahala ang katotohanang ako ang puntirya ng taong humandusay na lamang bigla sa kalsada.

Mabuti na lamang ay nakatulong ang mainit na gatas at gamot na binigay sa akin ng doctor ko noong minsang mag pa check up ako dahil sa abnormal na pagiging gising ko sa loob ng dalawang buong araw.

"Ara lumipat ka na lang kasi sa apartment ko may bakante ng unit doon."

Matigas na pagpupumilit ni Joan sa akin, heto at panay nanaman ang buntot sa akin sa oras ng trabaho.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon