BLACK JACK
"Goodmorning Doc. Ito po yung coffee mo."
Idinikit ko sa labi ang isang ngiti na lagi ko ng suot noong na sa Diner pa man ako. Kasalukuyan kalalabas pa lamang ng fresh na fresh at ubod ng bangong boss ko sa kaniyang unit.
Kagabi binasa ko ang email na sinabi nito, na naglalaman ng mga list of everyday routine nito at ilang mga gusto nito gawin ko tulad na lamang nitong pagbili ko ng espresso na paborito na ibibigay ko paglabas niya ng unit ng tuwing alas otso ng umaga.
Pagpasok namin sa opisina nito ay ganun na lamang ang saya ko ng makita ang isang desk hindi kalayuan sa working table nito. Ito daw ang magsisilbing desk ko dito sa opisina complete with personal computer na gagamitin ko.
Naging mas magaan para sa akin ang pag trabaho sa mga files na pinapagawa niya sa akin ngayon. Bihira lang din naman ito magsalita kaya naman hindi din ako nahirapan mag focus at iniisip na lamang na wala ito sa silid na iyon.
Sa loob ng ilang araw ay nasasanay na din ako na mas mahabang oras na kasama ito sa buong araw, pwera na lamang kung may naka schedule itong operation sa ospital na inaabot ng apat o higit pa, pero simula ng mag umpisa ako ay tatlong beses pa lang iyon ngyari kadalasan ay rounds lang ang ginagawa nito at check-ups ang routine nito ospital.
Sa umaga mula eight oclock hanggang ten-thirty ay na sa VESACORD ito upang umpisahan ang araw sa pagsisigurado magandang takbo ng kompanya nito. Pagsapit ng eleven kailangan ay na sa hospital naman na ito hanggang five oclock of the afternoon para sa tungkulin niya bilang doctor, pagsapit ng alas sais ay pinapayagan na ako nitong umalis madalas ay naiiwan lang ito sa hospital.
"Dr. Samonte, gusto ko lang po ipaalala na magkakaroon po ng meeting ang board of directors mamayang ten oclock."
Napahinto ito sa pagbabasa ng document sa laptop nito saka diretsong tumingin sa aking mata, ito ang isa sa ayaw ko ang pagkakataong kailangan pa nitong titigan ako sa muka pagmagkakausap kami.
"Ah yes , thanks for reminding me."
Pinaiikot-ikot nito sa mga daliri ang fountain pen na hindi inaalis ang mata sa akin. Babalik na sana ako sa aking mesa ng magsalita ito.
"Alvaruiz." Napahigpit ang hawak ko sa dalang journal bago muling humarap dito.
"Y-yes Dr. Samonte?"
"Hey relax I won't eat you." Ngumisi pa ito saka inilapag ang fountain pen mesa at sumandal sa swevil chair.
"From now on I want you to call me Jose, not Doctor not sir just Jose."
Ngayon ay tuluyan na akong natigilan minsan talaga ay hindi ko mahuli ang ugali nito simula kasi ngtrabaho ako dito ay madalas na seryoso ito, hindi din ito kumikibo higit sa lahat ay mukang strikto.
Pero ngayon ay iba ang pinapakita nito.
"P-pero boss kita diba yon naman talaga dapat?"
"It doesnt matter if I'm the boss or what, I just don't want it to be very formal between us."
Hindi pa din nawawala ang ngisi nitong nakakaloko.
"Nakakahiya naman yata kung may makakarinig na tawagin kita sa pangalan mo Dr. Samonte."
"My former assistant calls me by name too, it make us more comfortable to each other. And precisely I'm your only boss so the other people doesn't matter, the hell I care."
Walang pag alinlangan turan nito sa akin kung sabagay siya ang boss ko at sakanya lang naman ako nagta trabaho ito din ang gusto niya kaya wala naman ako choice kundi sundin ito.

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirosAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...