UOM NG KAGANDAHAN
Mahigit isang linggo na ng gabing birthday ni Jeric hindi ko na din gaano naiisip ang nakita ko mula sa bintana ko nang gabing iyon, siguro ay guni-guni ko lang lalo pa at nalasing ako ng gabing yon.
"Ara hintayin mo na ko sasabay na ko sayo." Si Joana iyon pareho kasi kaming night shift ngayong araw.
Pagkalabas namin ay napag kasunduan naming kumain ng Mami bago umuwi.
"Ara kaylan ka huling nagka boyfriend?" Hindi ko maiwasang mapatingin kay Joan ng itanong niya yon.
Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko baka kasi pagtawanan lang ako ng bruhang to.
"Dont tell me, hindi ka pa nagka boyfriend?" Tuloy lang ito sa pagkain.
"Ano naman kung wala pa nga?may kakaiba ba don?" Idinaan ko nalang din sa pagkain ang tanong niya. Isang minuto lumipas ay wala iton imik kaya naman napa angat ang tingin ko sa kanya nalunok na yata pati dila.
"Ano?" Pano ba naman ay nakatitig lang ito sakin.
"Gaga!seryoso?"
"B-bakit ba kasi?may mali ba don." Nagtaka na din ako sa reaksyon niya.
"Dalawang dekada ka na sa mundo,may mali don." Sa taas ng tibre ng boses nito ay napatingin na ang ibang kumakain samin.
"Shhh!boses mo" napatakip naman ito ng bibig pero bahagyang linapit ang muka sakin
"So ibig sabihin pyurita ka pa?" Mahinang sabi nito. Nagtaka ako kung anong pyuritang sinasabi niya,napatitig ako sa namimilog nitong mata na para bang makikita ko ang ibig sabihin doon.
Kasunod nun ang malakas na pagtawa nito.
Dahilan upang pagtitinginan kami ng may pagtataka at irita ng ibang costumer. Pakiramdam ko ay nag init ang buong muka ko ng unti-unti ko ng maintindihan ang ibig nya sabihin.
"Wag mo ko pakialaman Joana." Himig seryoso ko bago yumuko upang ipag patuloy ang pagkain ko na dahilan ng tuluyang paghagalpak ng bruhang kaharap ko.
Hindi naman talaga ako nag mamadali sa pagkakaroon ng relasyon. May mga nag papakita naman ng interes sakin pero, ewan ko ba parang wala sa kanila ang katangian na gusto ko.
Hindi ako naghahanap kasi ang katwiran ko; ang tamang pag-ibig kusang dadating sa buhay ng bawat tao hindi mo kailangan hanapin lalo pa at nakatadhana na ito.
"Ara simula bukas ihahanap na kita ng lalaki pangako yan." Seryosong sabi nito habang naghihintay kami ng sasakyan ang buong akala ko pa naman ay nakalimutan niya na tungkol don.
"No thanks, hindi pa ko disperada."
Inirapan ko ito pero bigo akong maitago ang ngiti ko kung ano-ano kasing kagagahan ang na sa isip niya.
"Kunwari ka pa, o sya pano ba yan mauuna na ko sayo andito na masasakyan ko."
Agad itong sumakay ng huminto ang jeep sa harapan namin.
Ilang minuto din nakalipas bago ako nakasakay, sa totoo lang ay pagod na pagod ako sa gabing ito pero iyon din naman ang gusto ko ng sa ganon ay agad akong makatulog pag uwi ko. Nitong mga nagdaang gabi kasi ay nahihirapan akong matulog sa hindi ko maintindihang dahilan.
Naramdaman ko ang bahagyang pag ihip ng malamig na hangin sa aking likuran awtomatiko akong napalingon ngunit wala akong nakitang kahit ano manlang kundi kadiliman.
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirosAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...