Chapter 23

40 0 0
                                    

Redesign

Hindi ako mapakali nang mga sandali  mabasa ko ang text message ni Joanna sa akin, sinubukan ko na tawagan ang numero nito pero hindi iyon nag ri-ring dalawang message ang pinadala nito ang isa ay ang lugar at oras kung saan kami magkikita iyon lang at wala ng iba pa. Kaya naman para akong sinisindihan dahil kung maari ko lamang hilahin ang oras ay ginawa ko na dumating lang ang takdang pagkikita namin na sa kabutihang palad ay dito lang din sa Tagaytay.

Inipon ko na sa isip ko ang mga katanungan na gusto ko sabihin dito sa oras na magkaharap na kami, lubos ang kasiyahan ko dahil sa wakas ay makikita ko na ito at mayayakap dahil sa totoo lang ay nag alala ako ng husto sa biglaan nitong hindi pagpapakita at pagpaparamdam.

Kinagibahan isa pang mensahe ang hindi ko inaasahang matatanggap na lalong nagpa gulo sa aking isip. Message mula kay Jose na nakikiusap na bumalik na ako sa Vesacord dahil mas ligtas doon, ito ang unang mensaheng pinadala nito simula ng lisanin ko ito kaya halos gusto ko na itong replayan o tawagan upang sabihin kung gaano na ako nangugulila sa kaniya.

Pero hindi ko ginawa, at hindi pa ako lubusang handa.

Muli itong nagpadala ng message na tanging PLEASE ang nakasulat, pero agad ko nalang iyon binura.

Naging mailap ang antok sa akin ng sumapit ang gabi ganon nga talaga siguro pag excited ka kinabukasan, hindi makatulog. Panay kasi ikot sa isipan ko si Jose, ang text messages nito ang at kung pano kung tinugunan ko ang pakiusap nito ng isang Oo, magiging maayos kaya ang lahat? matatanggap ko kaya ang katotohanan? Saka mabilis na sumingit sa isip ko ang sinabi nito noong mga sandaling naroon  kami sa sekretong kwarto nito sa office.

"Please just promise me one thing,
you never leave my side no matter what happen."

Isang mapait na ngiti ang pilit na gumuhit sa aking labi, siguro ang lahat ng ito ang tinutukoy niya. Noong una pa lang iniisip na nitong matatakot ako at tatakbong palayo sa kaniya sa oras na malaman ko ang pagkatao niya. Hindi ito nagkamali at isa akong malaking duwag na nagawang mangako na wala namang isang salita dahil heto ako at mabilis na tinalikuran ito ng walang lingon-likod na pilit na iniiwasan ng hindi manlang pinakinggan ang paliwanag nito.

Bumabalon muli ang luha sa aking mga mata. Napakasama ko, pano ko nasabing mahal ko ito kung ni hindi ko manlang magawang dinggin ang naging pagsusumamo nito.

Bahagya pa lamang sumisimilip ang araw sa likod ng mga bundok  ng bumangon ako at nagtimplang ng kape saka tahimik na sumisimsim sa balkonahe ng karugtong ng kwartong tinutuluyan ko. Plano ko pumunta ng maaga muna sa mall upang bumili ng paboritong JCO Donut ni Joanna bago ako tumungo sa park na tinutukoy nito. Buo na din ang desisyon ko na bumalik sa Vesa, sapat na din siguro ang panahon na nilaan ko dito mag isa upang magpalamig at makapag isip ng matino.

Sa sobrang sabik ko na makita ang bestfriend ko ay maaga pa ng isang oras ay papunta na ako sa park bitbit ang isang kahon ng donut na puros  paboritong flavor ni Joana ang laman. Naalala ko kung paanong lumiliwanag ang muka nito sa tuwing makikitang may bitbit akong kahon ng JCO pag namamasyal ako sa apartment nito. Kaya ngayon ay abot tenga din ang ngiti sa isiping muli ko makikita ang ganoong reaksyon sa muka niya mamaya.

Narating ko ang park na tinutukoy ni Joana matataas na puno ang nagpapalilim sa may kalawang park na iyon may iilang nagkalat na sementong bench at mesa sa ilang bahagi. Dahil na din siguro sa katanghalian ay tahimik ang parke at mangilan-ngilan lang ang tao na may kaniya kaniya pang tago sa bawat sulok ng parke ang nakita ko pagpasok sa entrance gate.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon