Dead Asleep
Mabigat ang pakiramdam ko ng bumangon ako nitong umaga sigurado ako sa sarili ko na dulot iyon ng matinding pagdadalamhati ko sa nakaraang gabi. Kung maari lamang ay ikadena ko na lamang maghapon ang katawan ko sa kama at buong araw ay magmukmok sa silid na iyon.
Suot ang maskara ng pagkukubli ay taas noo at magiliw akong ngumingiti sa bawat makasalubong ko patungo sa opisina ni Jose. Kahit na halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay isinasantabi ko iyon.
"So your here now."
Maarteng salubong sa akin ni Margaux na nagmumura sa pula ang labi.
"Oo, maayos naman na ang pakiramdam ko."
Ganti ko dito kasabay ng isang malapad na ngiti.
"Well thats good to hear. But you were supposed to be with Mr. Samonte right now right?"
Mataas na ini-arko nito ang mahabang kilay.
"U-umalis na ba si Jos- Mr. Samonte?"
Sarcastic pa itong tumawa ng mahina saka lumabi.
"Duh! Mas maaga pa sayo dumating ang Boss mo, but yes umalis din siya agad. Sabagay makaka istorbo ka lang naman sa lakad nila ni Devonne."
Isang madiin na pagtarak agad sa dibdib ko ang narinig.
"G-ganun ba personal na lakad naman kaya hindi ako kailangan."
Mabilis ko na lamang ibinaling ang tingin ko sa takot na makita nito sa mata ko ang sakit. Mas mabuti pa siguro ay tignan ko na lamang muna kung may iniwan itong notes sa office niya.
"Nga pala Margaux hindi ko pa pala naibibigay sayo iyong papers na ni request mo, sandali at kukunin ko lang."
"No thanks, it was already been furnish last week pa."
Matabang na saad nito.
"Anung lastweek nitong monday mo lang ni request sa akin iyon."
Naiirita na talaga ako sa kagaspangan ng babaeng ito.
"Maayos ka na ba talaga? Yes that was monday pero duh! Ara noong nakaraan linggo pa yon anung petsa na ngayon ewan ko sayo jan ka nga."
Pairap pa itong umalis sa harap ko hindi ko na lamang ito pinansin kahit na kating-kati akong sabunutan ito. Mabilis ko tinungo ang office ni Sammuel saka deritsong umupo sa table ko at tinignan ang date sa computer.
Wednesday 20/12/2017
Hindi ako makumbinsi kaya inulit-ulit ko pang i set automatically ang time and date ng computer tugma naman ang oras sa relo ko kaya tama nga iyon.
Napuno ng katanungan ang isip ko paanong mahigit na isang linggo na pala noong nagkausap kami ni Margaux tungkol sa cridentials na ni request niya, at iyon din ang araw na naaksedente daw ako sa parking lot.
"Tatlong araw lang ako naglagi sa clinic paanong..."
Gulong-gulo ang isip na lumabas ako ng opisina di ko labis maisip na mahigit isang linggo na ang lahat, kung ganoon ay noong magising ako sa clinic ay hindi nangyari ang aksidente ng araw mismo na iyon. Mabilis kong tinungo ang elevator at pinidot ang numerong kinaroroonan ng sadya kong palapag,
Kaya naman pala pakiramdam ko ay may mali, may kulang dahil isang linggo pala akong walang malay at wala manlang nagsabi saakin maging ang doctor sa clinic na iyon. Kaya naman pala lahat yata ng pumapasok sa silid na iyon ay pawang mga ilang sa katanungan sa tuwing madadatnan akong gising.
![](https://img.wattpad.com/cover/90968505-288-k772977.jpg)
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampiroAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...