APOY AT KULISAP
WARNING:⚠
This story contains strong language and scenes not suitable for young reader. Please read at your own risk.Marahil kung na sa normal na sitwasyon lang kami ngayon ay bibigyan ko ng atensyon ang namumuong galak sa dibdib ko ng marinig ang tatlong matamis na salitang iyon mula sa kaniya.
Pero hindi. Hindi dahil ang totoo ilang minuto pa lang ay may Devonne na nakalingkis sa kanya at pinapapak ang labi niya ilang sandali pa lang ang lumipas. Gusto ko mainis lalo na sa sarili ko pero tingin ko ay hindi ito ang tamang oras at higit sa lahat may dapat akong unang intindihin.
"Jose alam ko may mga mahahalagang bagay ka ginawa nitong mga nakaraan araw at humihingi ako ng tawad kong hindi ko nagampanan ang trabaho ko bilang assistant mo. Ngayon na bumalik na sa normal ang lakas ko pangako dodoblehin ko pa ang sipag ko makabawi lang sa lahat."
Katahimikan lang ang naging sagot nito sa akin. Anu pa nga ba ang aasahan ko mula dito.
"Pe-pero alam mo may gusto akong itanong sayo." Nangunot ang noo nito sa tinuran ko.
Batid ko naman na kabastusan siguro ang gagawin ko pero hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman mula sa kaniya.
"Ito.."
Hindi pa umabot ng isang minuto itong nakatingin sa screen ng cellphone ko ng ibaling nito ang mga mata sa akin.
"At higit sa lahat bakit-bakit kailangan mo ipalihim sa akin ang totoo? Dito sa cctv footage na ito? Sa isang linggo ko pagkakwalang malay sa clinic. Bakit Jose?"
Ang akala ko ay magugulat ito sa nalaman ko pero sa reaksyon nito ay para bang inaasahan nya ng itatanung ko ang tungkol sa bagay na iyon.
"Im sorry I have to do that, I was looking for the right time to tell you pero naunahan mo ko. I was so scared Ara! When I saw you laying on that bed in the clinic, lifeless and-"
Napapikit ang mga mata nito na tila ba may nagpapaahirap sa kaniyang kalooban.
"Oh.Damn I thought your already gone , Ara nabuhay ako sa madugong mundo pero noong araw na iyon habang naliligo ka sa sarili mong dugo."
Muli itong napatigil,nag-isip.
"Ng mga sandaling iyon ko lang naramdaman ang totoong takot,takot na nakalimutan ko na kung kaylan ko huling naramdaman. Inilihim ko sayo dahil ayokong sa bawat oras ay isipin mo iyon dahil maari mapagmulan iyon ng takot, at ayokong matakot ka dahil baka mapagdesisyonan mong lumayo sa isiping may gustong manakit sayo dito."
Tuluyan ng lumambot ang ekpresyon ng muka nito. Hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa kinatatayuan ko at punong-puno ng kung anung emosyon ang mga mata na nakayukod sa akin.
"Pe-pero karapatan kong malaman." Halos malanghap ko na ang mint na amoy nito sa sobrang lapit.
"Yes. Of course it is I know, pero tignan mo, now that you already knew I can feel your fear Ara. That cctv footage I knew it only terrefied you thats why I kept it from you."
Nangatal ang katawan ko ng dumampi ang malamig na palad nito sa pisngi ko.
"But dont worry ginagawa ko na ang lahat para managot ang may gawa nito sayo. I promise Ara they will not gonna hurt you again. Please just promise me one thing."
"A-anu yon?"
Bahagya itong yumuko upang magkapantay ang mga paningin namin.
"You never leave my side no matter what happen."
![](https://img.wattpad.com/cover/90968505-288-k772977.jpg)
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampireAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...