Chapter 21

38 1 4
                                    

Hell  Or High Water

"A-alam ko-"

Pumiyok ang boses ko pero hinila ko mula sa kailaliman ang natitira kong lakas ng loob upang pigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Hindi. Hindi naman natin kailangang pahirapan ang mga sarili natin."

Ayokong makita nito ang pait sa aking muka kaya naman pinilit ko iguhit sa labi ko ang isang ngiti.

"Barb wait. Listen-"

"Naiintindihan ko Jose hindi naman ako humihingi ng kapalit, iyong namagitan sa atin? Ginusto ko din yon at- at wala akong ni katiting na pagsisi."

Tumingala ako sa langit pakiramdam ko kasi ay anu mang sandali ay papatak na ang mga butil ng luha sa aking mga mata.

"Napakaganda ng gabi, pero kung maari sana ay mauuna na akong magpahinga sayo."

Sinulyapan ko ang muka nito saka tuluyan tinalikdan. Hindi ko na napagilan ang paglandas na sakit na aking nadarama. Gusto kong matawa ilang beses na ba akong umiyak dahil sa kaniya? maka ilang ulit na nga ba akong natulog ng hilam ang mga mata sa luha?

Naging mailap ang antok sa akin kaya naman hindi pa lubusang sumisilip ang araw sa kalangitan ng lumabas ako sa villa na tinutuluyan ko. Malamig ang simoy ng hangin na nagpapalipad sa aking mahabang buhok, tahimik sa silid ni Jose marahil ay nahihimbing pa ito kaya walang problema kahit tumindig lang ako dito sa lanai ng ilan pang minuto.

Pinapanatag ko ang aking loob kailangan  lalo pa at mamaya lamang ay magkaharap na naman kaming dalawa. Sana lamang ay piliin nalang din nito ang magkaroon ng privacy upang hindi ko na kailangan pang dumikit sa kaniya sa loob ng nalalabi namin oras dito sa isla.

"Goodmorning, this is from twin villa D, ahm, room service yes. A cup of Espresso, bacon and ham at orange juice. Iyon lang salamat-ow!sandali sorry. Door one okey? Salamat."

Matapos tawagan ang reception ay naligo na ako, naisip ko na kung sa kwarto na mag aalmusal si Jose ay maiiwasan ko magkaroon ito nang dahilan upang anyayahin ako nitong sabayan ito sa pagkain o ako ang sabayan.

Naglagay lang ako manipis na light mauve lipstick, maskara bahagyang dampi ng pressed powder at ang panghuli ay ang paborito ko cologne. Naisip ko na mauna na lang sa function room at doon na lang ito hintayin. Mahigit isang oras na lang din naman ay mag uumpisa na ang meeting.

Halos mag isang oras din ang hinintay ko bago isa-isang nagdatingan ang mga board of directors.

"Its you!"

Bulalas ng may katabaang lalaki sa harap ko.

"Hi! Mr. Curtis Kamusta pa kayo?"

Ganti ko bati sa may maedad nang negosyante,  isa ito sa mga business partner ni Jose na tanging nakakausap ko, mabait kasi ito at pala kwento.

"Felt more better two hours ago when I started inhaling the fresh ocean breeze."

Naaaliw itong nag kwento pa kung gaanong na excite at kinahabahan ito sa byahe niya patungo dito sa isla.

"Anyway where is your old boss?"

Napangiti ako sa tinuran nito tanging si Mr. Curtis lang ang naririnig ko na nagagawang magbiro patungkol kay Jose kahit pa man kaharap ito.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon