Chapter 13

121 2 0
                                    

PAGKABALISA

Tulad ng inaasahan ay napakarangya ng selebrasyong iyon, dumalo ang ilang negosyante, ilang politiko. Nandoon din ang isang sikat na actress na isa din sa sumusuporta sa magandang hangarin ng OHON.

Isa ang One Hand One Nation o OHON sa kilalang institution na tumutulong sa mga taong nakikipaglaban sa sakin na Leukemia, pinagtitibay ang foundation ng iilang kilala sa gobyerno, showbiz personality at ilang malalaking kompanya sa bansa at isa ang VESA sa malaki ang nai-ambag dito.

Kanina ng huminto ang sinasakyan namin sa venue ay abot langit ang kaba ko paano ba naman ay hindi pa man nakakalabas ang lulan na si Dr. Samonte ay pinagtitinginan na ang kotse ng karamihan, alam ko dahil din iyon sa magarang sasakyan pero batid ko naman na inaabangan nila talaga ay ang gwapong doctor.

Mabuti na lamang ay nakuha pa nitong magbirong sayang naman daw ang effort ko sa paglagay ng maganda kong make-up at pagsuot ng high heels kung hindi ko manlang ipapakita sa iba. Tuluyan na pa nawala ang insecurities ko ng ito mismo ang mag bukas ng pinto at isukbit ang aking kamay sa matipunong braso niya.

Sa isang pabilog na mesa ay kasama namin ang ilang board of directors ng foundation.

"Can I go to restroom?"

Bulong ko sa katabi kong si Jose na abalang nakikipag kwentuhan sa kaharap niya.

"Mabilis lang ako."

Pigil ko dito ng pabulong ng kumilos ito. Gusto ko sana matawa ng gumuhit sa muka nito ang pag-alinlangan, alam ko naman na first time ko sa ganito pero hindi naman ako bata kailangan pa samahan hanggang banyo.

"Excuse me."

Bahagya pa akong yumukod ng makatayo bago naglakad. Itatanong ko na lang sa waiter o waitress kung saan ang banyo. Maingat akong naglakad paliko sa isang hallway na wala naman gaanong mga tao kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Miss saan ang restroom?"
Tanong ko sa unang babaeng nakasalubong ko.

"Straight ahead ma'am tapos turn left sa pangalawang pasilyo. "

Nagpasalamat ako dito saka sinunod ang sinabi, may mangilan-ngilan akong nakakasalubong na bisita habang tinatahak ang pasilyo. Ng marating ang restroom ay dumeritso na agad ako sa loob ng dulo na cubicle, hindi pa ako nakaka-upo sa trono ng marinig kong may mga pumasok.

"They here Sash, and we should get out of here before they notice our presence."

Paanas na sabi ng isang tinig ng babae. Nakaramdam ako kaba ng mahimigan ang diin at pagmamadali sa boses nito.

"I know I know! Calm down."

"Calm down my shit, you ain't told me that coterie would be here with their sovereign Sash, with the sovereign!"

Pigil ko ang sarili na makagawa ng ingay sa loob ng cubicle. Alam kong kabastusan ang makinig sa usapan ng iba pero maging ako ay nahawa sa takot na nararamdaman ng babae, at anong sovereign? May hari o reyna bang bisita sa selebrasyon? Ang alam ko lang ay ang Presidente ang nandito, pero kanina pa ito umalis.

"Shut the fuck up Loraine your not helping!"

Gigil na paanas ng isa pang babae na sa tingin ko ay ang Sash. Hindi na muling nagsalita ang babae at tuluyan ng nanahimik. Sana lang ay umalis na ang mga ito agad dahil panigiradong hindi ako makakalabas hanggat narito ang sila.

"Step out."

Boses ng Sash. Pigil ang hiningang napakapit ako sa dibdib ng magsalita ito.

"I know someone in there. Come out now."

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon