Chapter 11

114 1 0
                                    

PATAK NG ULAN


Bente minuto pa bago mag alas otso ay na sa palapag na ako kung saan naroon ang opisina ni Doc. Samonte. Huminto muna ako sa isang desk ng isang babae malapit mismo sa pinto ng opisina nito.

"May I know your name please?"

Sinulyapan lamang ako ng babae mula sa ilalim ng mapilantik nitong pilikmata saka muling tumingin sa monitor ng computer.

"Barbara Alvaruiz po ma'am"

Inialis nito ang mata sa monitor at deritsong tumingin sa akin, nakaramdam tuloy ako ng pagkailang dahil sa paghagod nito ng tingin sa akin.

"The new PA?"

Matabang na sabi nito. Nakaramdam ako ng inis sa paraan nito ng pagsabi ng PA, sa asta nito ay masasabi kong mahihirapan ako pakisamahan ito.

"Yes I-"

"Come."

Putol nito sa akin. Naku! Bastos din talaga sayang ang ganda,wala namang moda! Nauna itong naglakad papunta sa pinto ng opisina kaya naman nakita ko kung paanong maglakad ito ng taas noo sa suot nitong high heels. Hapit na hapit din ang suot nitong pencil skirt na hindi umabot sa tuhod.

"Mr. Samonte will be here in any minute."

Walang ganang sabi nito ng buksan nito ang pinto at hayaan akong makapasok. Nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng silid lalaking-lalaki ang dating.

"You can sit there, by the way I'm Margaux Lopez th executive secretary of Mr. Samonte "

Binigyan diin pa nito ang katungkulan nito. Tinignan ko lang ito saka tumango bilang tugon.

Gumigiwang ang balakang nito ng maglakad palabas ng pinto sa totoo lang ay nangangati ang kamay ko na batohin ito ng two inches na sapatos ko. Huminga na lamang ako ng malalim bago lumakad palapit sa couch na naroon. Pinagpag ko ang kamay sa slack at inayos ang blouse na suot saka deritsong umupo sa malambot na upuan. Inaaliw ko na lamang ang sarili sa pagpalipat-lipat ng tingin sa iilang decorasyon na naroon.

Pakiramdam ko ay nag pa-palpitate ako sa magkakahalong emosyon sa bawat pagdaan ng minuto.

Marahan ko ipinikit ang mga mata at muling huminga ng malalim,nagbilang ng one-to-ten bago muling nagmulat ng mata.

"Nervous?"

"Ay baklitang pusa!!"

Napahawak ako sa dibdib sa matinding gulat,magkakasakit yata ako sa puso dahil sa taong ito mabuti nalang ay hindi ako napasigaw.

"Easy there, sorry I didnt meant to startle you Ms. Alvaruiz"

Pero imbes na kumalma ang puso ay lalo yata naghurumintado ng makita si Dr. Samonte. Inaayos pa nito gamit ng kaliwang kamay ang butones ng  gray wool sport coat nito habang hawak sa kabila ang isang briefcase.

"G-goodmorning Dr. Samonte"
Bahagya akong yumukod ng batiin ito. Kahit sa ilang dipa ng distansiya namin ay nanuot ang pabango nito sa ilong ko ng dumaan ito papunta sa kaniyang desk.

"Goodmorning. Sit."

Sinunod ko ang sinabi nito at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"How was your first night Ms. Alvaruiz?" Pagkaupo nito sa swivel chair.

"M-maayos naman po doc. Salamat ulit sa magandang unit ko."

Tumango lamang ito bilang tugon, sa mga sumunod na sandali ay naging abala na din ako sa iilang iniutos niya. Madali lang naman ang mga pinagawa niya mula sa pag file at pagsasaayos ng mga important documents nito.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon