Chapter 15:

138 1 0
                                    

INHUMAN





"I already made up my mind Martin there is no way I'm giving have him what he wanted. Yes, do it."

Kahit anong iwas ko sa pakikinig sa pakikipag-usap nito sa telepono ay hindi ko magawa,paano ba naman ay bigla-bigla tumataas ang boses nito tapos ay hihinahon. Kung sino man ang kausap nito halata naman may kinakaharap hitong krisis kung iyon man ang dahilan ng pagkakalukot ng mga noo nito.

"Ara, I want you to cancel all my schedules and call to inform Dr. Andrade I can not attend today."

Nakatayo ito ngayon sa harap ng desk ko na niluluwagan  ang neck tie habang naka pamulsa ang isa. Bahagyang nagulo ang buhok nito na para bang kababangon lang sa kama.

"S-sige."

Agad ko naman sinunod ang sinabi nito mabuti na lamang ay wala naman itong sobrang halagang appointment ngayon maging sa hospital.

"And get ready were going somewhere."

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ito sumagot sa akin bagkos  ay naglakad lamang patungo sa pinto ng office at bahagyang pinihit ang seradura bago tumingin muli sakin.

"You well see,let's go."

Mabilis akong naglakad pasunod dito ng makuha ang bag at folder na lagi kong dala,ng marating namin ang elevator ang buong akala ko ay sa lobby ang pipindutin nya pero tahimik lamang itong may inilusot na maliit na metal sa butas saka pinindot ang isang button.

"P-para saan iyon?"

Hindi ko na maiwasan magtanong dahil ngayon ko lang naman din talaga nakitang ginawa niya iyon, buwan na akong nagpapabalik-balik sa building na ito pero apat pa lang yata na palapag ang napupuntahan ko.

"On the top of the world."

Tuluyan na nawala ang kaninang pagkayamot sa muka nito, ngayon at ito kasama ko muli ang Jose na may nakakalokong ngiti.

Wala naman akong ideya sa sinasabi nito kaya naman nanahimik na lamang ako at naghintay na marating ang tinutukoy nito na malamang ay dito lang naman sa building. Pataas ang elevator at ilang minuto lang ay tumunog ang elevator kasabay ang pagbukas ng pinto nito.

"Welcome to my safe haven"

Bumungad sa akin ang isang mini bar na may matataas din bilog na upuan. Pero ang mas nagpamangha sa akin ng lubusan ay ng tuluyan tumambad sa akin ang kabuohan ng lugar, rooftop na iyon at kalahati ng area na iyon ay lawn na may iilang puno sa bawat gilid, higit sa lahat ay ang infinity pool na sa dulong bahagi ng rooftop at marahil ay tanaw ang ibaba mula doon. Nakakaaakit ang kumikislap na tubig nito na nasisinagan ng pangtanghaling sikat ng araw dahil kalahati lamang ng rooftop ang may ceiling.

"Im glad you like it in here."

Pumasok ito sa loob ng counter ng mini bar at kumuha ng alak.

"Hindi ko akalain na mayroon ka pa lang ganitong lugar dito sa building."

"This rooftop is my private place, well, aside from my penthouse this is where I spent my time whenever I wanted to be alone."

"Pero bakit mo ko sinama dito?"

Ng lumabas ito sa kabilang bahagi ng mini bar ay may hawak na itong dalawang wine glass at iniabot ang isa sa akin.

"I just want a company right now and I think it gets me bore when I'm alone up here, a thing that confused me either."

Paliwanag nito sa akin habang titig na titig sa mga mata ko.

"G-ganun ba."

Itinuro nito ang itim na garden table na malapit sa swimming pool. Na gets ko naman ang punto nito kaya naglakad na ako papunta doon, nakaramdam ako ng kakaibang kiliti ng umapak ang mga paa ko sa malambot na bermuda grass.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon