Ang mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago.
♢♢♢
Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...
Na sa paligid lang sya. Nagmamasid, nakatanaw, nagbabantay.
"Hayaan mo muna ako! sa ngayon wala akong ideya kung paano nangyaring totoo ang lahat ng nakita ko. Na ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip ko na totoo ang mga uri ninyo, ni hindi nga ako naninawala sa multo o engkanto tapos i-ito y-yan. Ikaw!"
"Please Ara let me explain, let me tell you this is the reality beyond the world you knew."
"P-paki usap huwag na muna hindi pa sa ngayon."
Mag ta-tatlong linggo na din simula ng umalis akong mag isa ng halos hindi makausap sa Islang iyon, ang buong akala ko na magiging paraiso ang lahat ay kabaliktaran pala dahil impyerno ang dinanas at natunghayan ko sa lugar na iyon. Gabi-gabi ay dala ko sa isipan ang senaryo hanggang sa pagtulog ay inaatake ng bangungot ang utak ko.
Hindi ko tinangkang makita si Jose nitong mga nagdaang araw sa tuwing maalala ko ito ay ang duguang muka nito ang naiisip ko. Sa ngayon ay narito ako sa hindi gaanung kilalang travellers inn dito sa Tagaytay.
Marahil nga ay na sa paligid lang siya o kaya naman deep inside kahit naguguluhan ay ginugusto ko din na isipin na nariyan nga siya nakatanaw mula sa kung saan.
Naputol ang pag iisip ko ng madinig ko ang magaang pagkatok sa pinto ng tinutuluyan kong silid. Tinungo ko ito upang buksan kahit pa labag sa kalooban ko ang lisanin ang kinauupuan ko sa balcony kung saan tanaw ang nakakabighaning Taal Volcano.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bahagya ko lamang iniuwang ang pinto sapat na upang makausap ko lang nang harapan ang may katabaang babae na siya ring receptionist ng inn na nakangiti pero bahagyang napapakamot sa batok
"Ma'am may gusto ka po bang ipadalang pagkain dito sa kwarto mo?"
Saka ko lang naalala na kahapon pa pala ng hapon ang huli kong kain at lagpas na din sa lunch time pero hindi pa din ako bumaba o lumabas para kumain. Hindi naman kasi nakakaramdaman ng gutom at wala din naman kasi akong gana. Pero ayoko naman isipin ng staff ng Inn na ito na nagpapakamatay ako sa gutom.
"Salamat pinaalala mo sakin n-nakalimutan ko na sa dami ko ginagawa sa laptop. Lalabas na lang ako, pero pwede ba akong magpadala muna ng pineapple shake?"
Pilit ang ngiti sa labi ko.
"Y-yun lang po ulit?-"
Kunot ang noong tanong nito pero bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na ulit ito
"Ok Ma'am sige po ipapadala ko na lang right away!"
Mabilis na itong umalis at ilang minuto nga ay kumatok na ang roomboy dala ang pineapple shake. Wala talaga akong gana kumain dulot na din siguro ng mga isipin ko halos ito nga lang pineapple shake ang laman ng sikmura ko.