ANG DAPAT KATAKUTAN
Mabilis na dumaan ang mga araw, hindi ko iyon namamalayan dahil na din sa paulit-ulit na lang na pattern ng buhay ko.
Gigising-trabaho-matutulog.
Kahit na ang pagtulog minsan ay kinatatakutan ko ng gawin dahil sa madalas pa din ang bangungot ko na nagpapagising sa akin sa gitnang ng gabi na pawisan at basa ng luha ang mga mata.
Ipinilit ko na din ibaon sa likod ng utak ko ang Adonis-Antipatikong lalaking iyon. Bagama't hindi ko pa din maiwaksi ang kabiguan.
"Ara, anong costume mo para sa Halloween week ng Dino's?"
Ayos! Hindi pa pala ako nakakabili ng costume ko para sa next week. Kung bakit naman kasi may bagong pauso itong bisor namin tuloy ay kailangan ko pang gumastos para doon.
"Wala pa akong naiisip." Walang ganang kong sagot kay Joan.
"Hay nako! Ganito, bukas ng umaga sabay na tayong maghanap."
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nito sa pagiging excited ng lahat para sa kakaibang pauso ng Supervisor namin at syempre sa costume nitong gusto na Witch daw kuno.
Mabilis na namang natapos ang oras ng trabaho ko, magkasabay ulit kaming naghintay ng masasakyan ni Joan. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at huminto ang jeep na dapat kong sakyan patungo sa inuuwian ko.
At dahil dis-oras na ng gabi palagi nang kunti ang pasahero sa tuwing sasakay ako, ngayon ay lima lamang ang pasahero ng jeep kasama na ako at pang anim ang driver na halatang hapung-hapo na sa maghapong pagmamaneho. Tahimik kong pinagmamasdan ang isang may edad na babaeng napipikit na din sa antok, ang isang mama sa kabilang dulo na bumubulong at humahagikhik sa cellphone nito. Sa kanan ko naman ay ang dalawang estudyanteng nag-uusap tungkol sa nalalapit na deadline ng project nila at sa dulo nila ay ang isang lalaking tahimik lang na nakayuko at tila ba nakatulog na sa kinauupuan nito.
Hindi ko maiwasang isipin kong ano kayang kakaiba sa araw nila na wala sa akin. Marahil yong kanila ay mas masaya, kuntento, kumpleto o kaya naman ay may bago.
Nakakainggit isipin pero wala naman akong ibang alam na paraan para baguhin ang nakasanayan ko isa pa ay kahit paano ay sanay na ako sa kung anong takbo ng buhay meron ako, iyon nga lang ay may kung anong kulang, may kung anong butas na hindi ko malaman kung paano tatakpan.
"Manong sa babaan lang po." Bahagya kong nilakasan ang boses ko upang marinig ng driver.
Tahimik na ang kalsada wala na din mga pedicab na naghihintay ng pasahero kaya naman mapipilitan akong maglakad papasok sa iskina. Nitong mga nakaraang linggo ay wala ng tumatambay sa dinadaanan ko na dati naman ay madalas ko pang abutang gising at nagkalat ang mga kalalakihan man o kababaihan sa maliit na kalsadang iyon. Ilang linggo na kong naglalakad sa katahimikan pero tiwala naman akong walang gagawa ng kalokohan dahil sa tagal ko sa lugar na iyon ay napansin kong disiplinado naman ang mga ka barangay ko.
Pero mali yata ako sa gabi ito.
Naramdaman kong hindi ako nagiisa sa paglalakad, sumipa ang bilis ng tibok ng puso ko ng masigurong merong nakasunod sa akin.
Mabilis na lumawak ang isip ko; kung wala itong balak na masama dapat ay hindi ito tila ba aninong walang ingay na naka buntot sa likod ko, at sigurado akong hindi ko siya kasabay kanina mula sa kantong binabaan ko. Marahil ay tahimik lang itong naghihintay sa madilim na parte ng iskina kaya hindi ko siga napansing sumusunod na pala.
Nagtayuan lahat ng balahibo ko ng makita sa salamin ang repleksyon ko at ng isang lalaki ilang dipa ang layo sa akin. Naka paloob ang dalawang kamay nito sa jacket na suot nito habang nakayukong tinatago ang muka mula sa sobrero.
Pinanlamigan ako ng kamay ng muling maalala ang minsang na i-kwento ni Joan sa akin tungkol sa lumalalang krimen sa syudad, ang biglang pagkawala ng mga bikitima at matatagpuang walan ng buhay ang iba nama ay tuluyan ng hindi natatagpuan pa. Nawalang parang mga bula.
At nga yong ay ramdam ko ang kilabot habang ang balitang pinapanoud ng dalawang staff sa restobar.
Pinilit kong hindi ipahalatang alam ko na ang presensya ng masamang loob na ito, nilagay ko sa harapan ang dalang back pack at pasimpleng kinuha ang pocket knife. Hindi ko pa nagawang gamitin iyon at kung kinakailngan ay mapipilitan akong itarak sa kahit saang parte ng katawan ng lalaking ito ang maliit kong armas na hawak ko.
Please,please God tulungan mo ako! Impit kong dasal. Kanina lang ay iniisip ko ang napaka boring kong buhay, pero hindi ibig sabihin noon ay ayaw ko sa kung ano ang mayroon ako ang isa pa ay hindi pa ako handang mamatay.
Bahagya kong binilisan ang hakbang ng ilang metro nalang ang layo ko mula sa huling kanto lilikuan papasok sa compound ng apartment, gabi-gabing nakaparada ang isang kotse kaya naisip kong makakapag tago ako doon.
Kailangan ko lang maging ma ingat at mabilis dahil hindi ko alam kong ano ang masamang pinaplano ng lalaking ito. Kung hindi ko pa tuluyang nakita ang repleksyon nito kanina ay iisipin kong multo siya dahil halos wala naman itong ginagawang ingay habang naglalakad.
Lalong sumasal sa pagtibok ang puso ko ng papalapit na ako sa kanto at hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa ng marating ko street light sa iskinita ay mabilis akong tumakbo hanggang sa marating ang likod ng itiiskinita. Madilim ang bahaging iyon kaya naman alam kong hindi ako basta basta makikita ng lalaki kahit mula sa bintanang salamin ng sasakyan.
Nanginginig man ay hawak ko pa rin ng buong higpit ang maliit kong kutsilyo na tila ba dito nakasalalay ang buhay ko. Hinihingal man ay pinipilit kong hindi makagawa ng ingay, nangatal ako ng maramdaman ang malakas at malamig na hangin na lalong nagpatayo sa mga balahibo ko.
Ilang minuto pa akong naghintay at pasilip silip maging sa ilalim ng sasakyan pero wala pa rin lumabas na tao sa pinanggalingan ko.
Dahan-dahan at magagan ang hakbang akong lumabas mula sa likod ng SUV, ng masiguradong walang palatandaan ng lalaki. Ganoon na lang pasasalamat ko na wala na nga ito siguro ay na alarma ito sa ginawa kong pagtakbo.
O marahil ay hindi naman talaga siya masamang tao. Urgh!
Naiiling na lang ako sa posibilidad na iyon.
Napahinto ako sa kintatayoan ko ng mapansin sa kalsada ang maliit na bagay, doon mismo sa tapat ng street light.
Nilapitan ko iyon at ganoon na lamang ang pagkagimbal ko ng makita ang sobrero ng lalaki kanina butas ang malaking bahagi at higit sa lahat ay basang-basa ito ng mapulang likido.
Dugo!
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
Про вампировAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...
