MULING PAGKIKITA
Tatlong araw na ang nakakalipas, wala pa din Anthony na dumating sa Diner. Ng gabing mangyari ang lahat kinabukasan din ay idenimanda ko ito.
Ngunit lumipas ang araw ay hindi pa din ito nagpapakita, pinuntahan din ng mga pulis ang tinirhan nito ngunit hindi din nila nakita maging ang kaniyang anino.
Ng maalala ang gabing iyon ay nanayo ang balahibo ko sa katawan kung paanon pwersahan akong sinakay at nasaktan ni Anthony, ang isipin ang higit na malala na pwedeng ngyari ng gabing iyon ay naghatid ng kilabot sa akin.
Muli ay sumingit ang makisig na muka ng doctor na nagligtas sa akin. Umakyat nanaman yata ang dugo sa aking muka ng maalala kung paanong paulit-ulit ko tawagin ang pangalan nito habang kalaswaan ang panaginip ko.
Normal ba sa isang babaeng wala pang karanasan sa sex ang bangungutin ng ganoon?
Minsan ay gusto ko itong isatinig at itanong kay Joanna, napaka wirdo kasi ng aking panaginip na para bang totoo ang lahat.
Ang buong akala ko talaga ay nakita ko ang muka nito ng idilat ko ang mga mata ng mga sandaling iyon. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay pinagnanasaan ko ang gwapong doctor.
Kaya naman kahit alas tres palang ng umaga ay napilitan akong bumangon upang maligo para mawala ang nararamdamang init sa katawan, lalo pa at ramdam ko ang panlalagkit dulot ng pawis. Nagulat pa ko ng mapansin na tanging panty lamang pala talaga suot ko ng mahiga ako ng gabing iyon.
Nagtatalo man ang isip kung nagsuot ba talaga ako ng t-shirt ay isinantabi ko na lamang, lalo pa at kung nahubad ko man ito ay makikita ko ito ng oras na iyon sa higaan o sahig malapit sa akin.
Kaya naman sa tuwing maalala ko ito ay maging sa sarili ko ay abot hanggang langit ang aking hiya na nararamdaman.
Sa nagdaan na araw ay walang palya ko itong naalala, ang kalangitan nitong anyo lalo na sa suot nitong white lab coat maging ang masculine nitong amoy na hanggang ngayon yata ay nadikit na sa nostril ko ang amoy.
Kahit paano ay may kulay ang bawat malamlam at nakakabagot na araw ko sa tuwing maiisip ito.
Tulad na lamang ngayon. Heto at araw ng pahinga sa trabaho ay wala akong ibang maisip na pwedeng gawin upang malibang ang sarili. Nakahiga lamang ako sa kama habang nakatitig sa kesame,pinapatay ang bawat sigundong lumilipas.
Walang anu-ano ay tumunog ang cellphone ko, isang message mula kay Shane. Nangangamusta ito at agad ko naman ni reply.
Habang hinihintay ang message ni Shane ay naisip ko buksan ang internet ng cellphone ko, mula sa search engine ng facebook account ko ay itinipa ko ang pangalan sa isip.
Jose Sammuel Samonte...
Agad na lumabas ang madaming profile. Sinubukan ko hanapin sa pamamagitan ng picture pero wala sa mga iyon ang posibleng pagmamay-ari ng doctor.
"Hmmm...imposible naman na hindi ito modernize na tao."
Patuloy lang ako sa pag scroll hanggang sa matiyempohan ko ang isa. Pero hindi facebook account kundi isang information lang tungkol sa isang Dr. Jose Sammuel V. Samonte na isang Medical Doctor sa Vergara Medical Center. Na ipinanganak sa Italy noong February 16, 1988. Bukod doon ay iyon lang at isang picture nito ang nakalagay na impormasyon.
Muling nag flash ang bagong message ni Shane, pangalawa na ito at hindi ko pa din ni rereply ang isa.
Ayoko sana tanggapin ang alok nitong mag meryenda pero heto at tumawag pa upang hindi ko matanggihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/90968505-288-k772977.jpg)
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampireAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...