ALMOST PARADISE
Wala ng Jose ng magising ako, at tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa hubad kong katawan. Mabilis akong nagbihis kahit na pakiramdam ko ay nagbuhat ako ng isang sakong palay sa pananakit ng aking buong katawan. Idagdag pa ang pamimigat ng ulo ko at bahagyang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.Ng masiguradong maayos na ang sarili pati ang malapad na kama sa silid na iyon ay lumabas na ako, pero ni anino nito ay wala doon. Nalunok ko ang sariling laway ng maiisip ang pangyayari kanina sa pagitan namin ni Jose. Marahil sa lalaki ay wala naman talagang espesyal sa naganap, init lang ng katawan na dapat pakawalan. Mabilis ko na lamang tinungo ang mga gamit ko saka lumabas ng opisina at walang lingon-likod na tinahak ang mahabang pasilyo.
Sa ilalim ng malamig na tubig ay hinayaan ko muli dumaloy ang masagang luha, wala naman akong pagsisisi sa naging desisyon ko. Ngunit hindi maiwasang maawa ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko sa maling tao, ganoon man ay naramdaman ko kung paanong mahawakan nito, mahagkan at maangkin kahit na mali. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa din sa isip ko kung paanong sabihin niya ang matatamis na salita mula sa labi niya, kahit pa alam ko naman na wala naman malalim na ibig sabihin iyon para sa kaniya.
Mabigat ang pakiramdam ko physically,mentally at emotionally pero may gusto akong puntahan sa mga sandali ito. Ito lang ang magpapagaan sa suliranin ko at wala naman ako ibang mapupuntahan upang magpalipas ng gabi lalo pa at hindi naman ako magiging komportableng mag isa matapos ang mga pangyayari sa pagitan namin ni Jose dahil paniguradong iyon at iyon lang ang papasok sa iisip ko sa bawat minuto.
"Joana?"
Tawag ko sa pangalan nito habang kinakatok ang pinto ng apartment nito. Sigurado naman na nakauwi na ito dahil tapos na ang duty nito pagka ganitong alas syete na ng gabi.
"Joana! Ako ito si Ara!"
Muli ko sigaw ng mas malakas. Mali yata na hindi ko muna ito tinawagan bago ako pumunta.
"Hay..naku naman babae ka!" Padabog kong hampas sa puting kahoy na pinto. Mukang wala pa ito at marahil ay kasama nanaman si Jeric na boyfriend niya.
"Hija iyon bang dalagang tenant ang hinahanap mo riyan?
Muntik ko pang maitapon ang hawak ko cellphone ng may magsalita sa likuran ko.
Nakatayo na pala doon ang isang maedad na babae habang hawak sa kamay ang isang siyansi."O-oho manang kaibigan po niya ako, mukang hindi pa nga po nakaauwi."
"Aba'y makakabalahaw ka lang dahil matagal ng walang umuuwi diyan."
Kunot noo akong napatitig sa matandang kaharap ko.
"Anu hong ibig nyo sabihin manang? Umalis na po ba siya dito?"
"Naku hindi! Ang alam ko ay matagal pa ang kontrata ng dalagang iyon. Pero magdadalawang linggo na ng huli ko itong makitang lumabas ng apartment niya at mula noon ay hindi pa bumabalik."
Halos pabulong na saad nito.
"Manang wala po ba ibang pumunta dito bukod sa akin?"
Saglit itong nag iisip na parang may inaalala.
"Mayroon katunayan pang.....pangtatlo ka na. Iyong una isang lalaki, matangkad na moreno nakadalawang ulit pa nga itong bumalik at kinakalampag iyang pinto. Iyong isa naman ay babaeng kulot na mahaba ang buhok."
Paniguradong si Jeric marahil ang tinutukoy nito ang isa naman ay iyong isang cashier sa Dino. Agad na akong nagpaalam at iniwan ang matanda kailangan kong alamin kung nasaan si Joana dahil kung hinahanap ito ng boyfriend niya ang ibig sabihin ay hindi ito magkasama.
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampireAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...