DOLOUR
Nakasisilaw na liwanag mula sa kung saan ang nagpasakit ng aking sintido, unti-unti din lumalakas ang naririnig kong tunog sa paligid ko.
"Maayos na ang lagay niya pero kailangan pa niyang manatili dito habang hinihintay pa ang resulta ng lab test sa kaniya."
Bagama't malayo ang boses ng nagsasalita at mahina ay sapat na iyon upang marinig ko ng malinaw ang sinasabi nito.
"Maiwan na muna kita."
Pinilit kong imulat ang mga mata pero lalo lamang nito pinasakit ang sintido ko na para bang kabilaang binabarena sa kirot.
"Stay still Ara."
Hindi ko na kailangan makita kung sino ang nag mamay-ari mg mala musikang tinig na iyon.
"N-nasan ako?"
Wala akong ideya kung saan kasalukuyan ito nakapwesto kaya naman tumingala na lamang ako ng bahagya ng nanatiling nakapikit.
"Na sa VESA pa din, but here in clinic."
Saad nito at dahil hindi ko makita ang expression ng muka nito ay hindi ko malaman ang posibleng iniisip nito. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata kailangan ko pa kumurap kurap upang makapag adjust at masanay sa liwanag. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi nakakita ng liwanag.
"How do you feel? Dont force yourself Ara."
Gusto ko sanang isipin na nasa langit na ko kung hindi lang sa iilang aparato na naroon, paano ba naman ay tila ba isang anghel na nakatayo sa kanang bahagi ko si Jose na nakakasilaw yata lalo na sa puting-puting kulay ng silid na iyon.
"A-anong nangyari?"
Mabilis kong nasapo ang noo ng kumirot muli ang ulo ko.
"You dont remember?"
Salubong ang kilay na tanong nito sa akin.
Pinilit kong alalahanin ang nangyari sa akin bago ako magising dito sa higaan na ito.
"W-wala akong maalala, p-pwede ko bang malaman kung paano a-ako nakarating dito?"
Hindi ko mabasa sa muka nito kung anu ang tumatakbo sa isip pero nanatiling nakasalubong ang mga kilay nito.
"Someone saw you in the parking lot, unconscious."
Sa sinabi nito ay pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina bago ako maratay dito sa higaan. Ngunit ang tanging naalala ko lamang ng malinaw ay naroon ako sa pad ko.
"A-ang naalala ko lang ay bumaba ako sa lobby pero..."
Kahit hirap ay pinilit ko umupo mula sa pagkakahiga pakiramdam ko kasi ay nanakit ang buong katawan ko at nangangalay. Mabilis naman itong kumilos at sa isang marahang galaw lang ay nagawa nito akong alalayan ng hindi umiimik.
"A-ano ba talagang nangyari? Bakit hanggang doon lang ang huli ko naalala."
Bahagya na naman kumirot ang sintido ko ng pinilit ko alalahanin ang posibleng nangyari sa nagdaang oras, pakiramdam ko tuloy ay para bang may malaking puwang sa isip ko dahil sa wala akong kaalam-alam sa nangyari sa akin.
"You were attacked."
Tipid na sagot nito.
"Ha? Nino?"
"Snatcher.He grab you and hit your head with a gun when you were trying to resist."
Pinilit ko alalahanin ang tagpung iyon sa isip ko ngunit tanging sa elevator lang ang naalala ko. Kinapa ko ang ulo ko na sinasabi nitong hinampas ng baril masakit nga iyon at kasalukuyang nakabalot ang ulo ko ng benda kaya marahil ay sumasakit din ang sintido ko.
BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampireAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...