FAMIGLIA
Pumasok ang itim na kotse ni Jose sa isang malawak na hardin, umikot sa kakaibang eleganteng fountain na may hubad istatwa na pinagmumulan ng tubig hanggang sa tuluyan huminto sa tapat ng may malaking dobleng paypay ng kahoy na pinto. Mabilis itong bumaba ng sasakyan ng mapatay ang makina at naglakad papasok sa engrandeng mansyong iyon na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
"Martin, tell me what this is all about."
Mahinang bigkas nito sa hangin na halos ito lang ang nakakarinig. Ilang sandali pa ay sumulpot ang isang lalaki na lagpas balikat ang haba ng alon-alon na buhok.
"Sorry to disturb your festivities Jose, but I think we should discuss it right now."
Pagkasabi ay pabagsak na umupo sa malambot na sofa ang lalaki saka mabilis nagsalita ng pabulong sa hangin na tila ba nagdasal ng taimtim. Umupo na din sa kaharap na single seat si Jose at mataman lamang nakatitig sa kaharap.
"Then what?"
May halong pagka inip sa tinig ng binata.
Pero bago pa man magumpisang magsalita si Martin ay dumating ang isang babaeng nakasuot ng maid uniform. Hindi lang simpleng uniform dahil mas maikli at hapit ang tabas ng tela kumpara sa normal na uniform. Sa kanang kamay ay nakapatong ang isang tray habang ang isa ay nakatago sa likod ng katawan."Master."
Bahagyang yumukod ang maliit na babae sa harap ng dalawa, kung titignan ay bata pa ito marahil ay hindi aabot sa bente singko ang edad, maganda sa hugis pusong muka at maliit na labi. Kabado man ay maingat itong nagsalin ng pulang likido sa dalawang wine glass mula sa isang itim na hugis parisukat na bote pagkapuno ay matuwid itong tumayo roon ng nakayukod ang mga ulo hawak pa din ang bote ng inumin.
"Pwede ka ng umalis."
Tumalima ang babae bahagyang yumuko saka mabilis na nawala sa paningin ng dalawang lalaki.
"New maid."
Puna ni Jose sa kaaalis na tagasilbi bago kinuha nito ang wine glass na nasa harap saka dinala sa tapat ng ilong,napapikit pa ito ng mata ng malanghap ang laman ng baso saka nagpakawala ng malalim na pagdaing mula sa lalamunan.
"I brought that all the way from Cortina just for you. Alam ko kasing its your favorite, personally."
Komento ng Martin sa reaksyon ni Jose. Sabay silang sumimsim at pareho pang napapikit ng lumandas ang likido sa bawat lalamunan.
"Now tell me Martin what was the important thing you were saying earlier."
Baling ni Jose sa kaharap hawak pa din nito ang kopita sa kamay ng marahang iniikot-ikot ang natitirang laman.
"Its about Russo, he's on the edge Jose, sinabi ko na sa kaniya ang pasya mo but he still insisting the proposal."
"And to hell I'm going to give him what he want. I knew it from the start, and that fucking Russo will never gain it from me."
Hindi maikakaila ang galit sa tinig ni Jose hindi man makikita sa itsura nito ay mararamdaman iyon sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.
"And the worst thing is I think naghihinala na si Russo."
"What do you mean by that Martin?"
"He say something; he loved the sweet warmth air in VESA."
Sa narinig ay makikita ang paglitawan ng ugat sa noo't leeg ni Jose naikuyom nito ng mahigpit ang kamao sa matinding galit na nararamdaman sa huling tinuran ni Martin, na iyon at nanatili pa din kalmado sa likod ng naguumpisang ngitngit ni Jose.

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...