Chapter 4

140 2 0
                                    

HINDI BATID

Fifteen minutes na akong naghihintay dito sa food court ng mall kay Joan pero hindi ko pa din matanaw ang maski ang anino nito, twenty minutes na lang ay dadating na din si Shane kaya naman pagkalipas ng ilang minuto ay sinubukan ko ng tawagan ang una. 

"Jo asan ka na ba kanina pa ko dito sa mall?" 

"Nako naman Ara pasensya na hindi kita na i-text sorry naman, hindi ako makakasama kasi medyo war kami ni Baby ko ngayon."

Mahabang paliwanag nito mula sa kabilang linya, nahimigan ko din ang lungkot sa boses nito.

"Ganon ba sige ayos lang ayosin n'yo nalang yan Jo."

 Gusto ko na lang sanang umuwi at huwag siputin si Shane pero naunahan naman ako ng hiya mabait na tao naman ito kaya walang dahilan para paasahin ko yung tao sa wala.

Sa isang restobar kami pumunta ni Shane mabuti na lang pala ay nakapag withdraw ako sa mall kanina dahil mukang mapapa gastos ako ng de oras nito.

Naupo kami sa medyo sulok na bahagi ng restobar pagkalapit ng waiter ay um-order na kami pareho.

Panay nanaman ang kwento nito tungkol sa sarili niya wala naman akong nahihimigang pagyayabang sa bawat sinasabi niya ang totoo nga ay namamangha ako sa pagkatao ni Shane. Lalo pa at ito pala ang breadwinner sa pamilya niya.

"Ikaw Ara nasaan ang pamilya mo?" tanong nito sa akin

"Ang totoo nyan na sa probinsya sila sa Negros." 

Naging mahaba pa ang kwentohan namin ni Shane nalaman ko na minsan na pa lang siyang napunta ng Bacolod City. Ilang minuto lang ay nagpaalam akong pupunta sa CR nag uumpisa na din kasing mamigat ang pantog ko dahil sa beer na iniinum namin. 

"Laganap na talaga ang krimen dito sa Maynila nakakatakot" naulinigan ko ang dalawang staff na nag-uusap malapit sa CR. 

"Oo nga e, noong nakaraang linggo meron din namatay sa barangay namin isang lalaki. Nakakakilabot dahil halos ganyan din ang nangyari sa kaniya."

Malapit na ako sa dalawang naguusap kaya naman nakita kong may pinapanoud sila sa cellphone.

"Tignan mo yan anong klaseng tao ang gagawa ng ganyang krimen." nanginig pa ang babaeng nagsalita sa hindik, nakatalikod silang dalawa kaya naman unti-unti akong nakalapit at sumilip mula sa balikat nila upang tignan ang kanilang pinapanoud.

ISANG BANGKAY NG LALAKI ANG NAKITA SA ISANG BAKANTENG LOTE! ayon sa caption ng video.

"Ayy Ma'am pasensya na po may kailangan po kayo?" aligaga ang babaeng may hawak ng cellphone. 

"A,e hindi ok lang wala."

Nagmadali na akong pumasok sa loob ng CR nahiya naman ako dahil baka isipin ng dalawang babae napaka tsismosa ko.

Pasado alas dyes na ng mapag kasunduan na namin umuwi ni Shane ipinilit niyang ihahatid niya ko hanggang sa mismong apartment ko. Noong una ay ayaw ko talaga sana pero sadyang mapilit ito sa kagustuhan niya, isa pa ay medyo nakaramdam din ako ng hilo sa dalawang bote ng beer na nainum ko.

"Kukunin ko lang yong kotse ko dito ka na lang." Ng makalabas kami ng resto.

Bagamat tanaw lang naman ay na sa kabila ng kalsada kasi ang parking lot ng resto bar. Hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ng dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Marahil ay dala na din na dalawang buwan nalang ay pasko na kaya malamig na ang gabi.

Tahimik kong pinagmamasdan ang maganda at maliwanag na kalangitan kitang-kita ang nagkikislapang bituin na patunay na maganda ang gabi.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagka bigla ko ng mabilis na dumaan mula sa likuran ko ang isang tao na mula sa loob ng restobar.

Hindi ko manlang narinig ang yabag nito kaya muntik pa ko mapatalon sa gulat ng bigla itong sumulpot sa paningin ko.

"T-teka? Sir." Huminto ang lalaki sa paglalakad pero hindi ito humarap sa akin.

Pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi ko siya makilala. Sa tindig, tangkad at lapad at maskulado pero at katamtamang laki ng katawan nito.

Para bang may nakabara sa lalamunan ko,pero sa isip ko kailangan kong kausapin ito at malaman kung posible ba na totoong magkakilala kami.

"I-ikaw yong sa Dino's."

Kusang kumilos ang paa ko upang gumawa ng maliit na hakbang. Muling pumintig ng marahas  ang puso ko, nakakabingi sa likod ng katahimikan.

Hindi ito kumibo o gumalaw manlang.

"Gusto ko lang m-malaman ku-"

"Hindi kita kilala." Malamig at walang kahit na anong damdaming pagputol nito sa sasabihin ko. Ngunit aminado akong napakasarap sa pandinig ko ang boses nito, walang duda!

Ng mapagtanto ang katotohanan ay may kung anong kirot sa puso ko. Wala naman akong sapat na dahilan  pero masakit iyon para sa akin, marahil dahil sa matabang na pagsagot nito o ang katotohanang wala talagang dahilan ang pag aasam na marahil ay minsan na kaming nagkakilala.

Napansin kong napakislot ito sa kinatatayuan niya.

"Pero kasi..."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng mabilis itong lumakad papalayo. Wala akong nagawa kundi masdan itong maglakad at tuluyang mawala sa paningin ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdam ko inis, hinayang at lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Kaya naman habang daan sa loob ng sasakyan ni Shane ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig at panaka nakang pagsagot sa bawat tanong niya.

Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko, paano ba naman ay lantaran na ang pagiging assumera ko. Hay!

Wag kasi ambisyosa Barbara Alvaruiz! Paano ka naman makaka kilala ng isang Adonis na tulad niya? Isip-isip din pag may time. Galing ka kayang bundok, eh iyon galing paraiso. Huh!

Sa totoo lang ay maganda na sana ang gabi ko, pero bago pa man matapos ang araw na yon ay sirang-sira na naman ng dahil sa pagiging praning ko.  

Isang bagay na lang itinatak ko pang palubag sa sarili ko,

Antipatiko ang isang yon!

 

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon