Chapter 10

112 1 0
                                    

THE OFFER


VESACORD isa sa kilalang blood bank hindi lang sa Pilipinas maging sa ibat-ibang panig ng mundo. Alam ko iyon dahil madalas itong ma featured sa balita dahil sa malalawak na proyekto ginagawa ng kompanya para sa mamayan.

Meron din itong foundation para sa mga may sakit na leukemia.

"Mister!"

Nakapasok na ito sa mataas na building ng VESACORD habang ako ay ito at hindi magkanda ugaga sa paghabol.

"Ma'am ID po."

Harang sa akin ng security guard na nakatayo sa entrance.

"T-teka manong ha." Hinalungkat ko ang laman ng sling bag kong dala.

"Its fine she's with me."

Sumulpot nanaman ito sa likuran ko ng walang pasabi. Pati tuloy ang security guard ay na gitla ng magsalita ito at sunod-sunod na tumango habang nakayuko.

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay hindi ko maiwasan mamangha sa bawat makita ko. Hindi maikukubli ang katanyagan ng kompaniyang iyon.

Napansin ko lamang na sa bawat makasasalubong ay binabati ng may pag galang ang taong nasa harapan ko, walang iba kundi si Dr. Samonte. Hindi din nakaligtas sa akin ang mga babaeng may halong pagpapa cute at pa charming ang pagbati sa kaniya. Sabagay sino ba naman ang hindi.

Sa pinaka dulong bahagi ng 29th floor kami humantong. Nangawit na ang paa ko sa kakasunod sa taong ito, napakabilis pang maglakad na para bang laging may hinahabol sa buhay.

"Masasanay ka din. Get in."

Masyadong ba halata na nagrereklamo ako?

Hindi pa din mawala sa akin ang mamangha sa nakikita ko. Masyado yata akong ignorante dahil sa mga bagong natutunghayan pag ito ang kasama.

"This is my office. And soon your working place too."

Mabilis nito nilandas ang maluwag na office patungo sa table nito. Tulad ng sa ospital ay tanaw din mula doon ang buong siyudad maging ang dagat sa di kalayuan. Moderno ang disenyo ng opisinang iyon, lalaking lalaki ang ambience ng silid na dark wooden tone na bagay naman sa personalidad nito.

"Mataas ang kompiyansa mo na tatanggapin ko ang inaalok mo Dr. Samonte."

Nanatili lamang ako nakatayo sa gitna ng silid.

"I know you want it too. Hindi ko naman kailangan pa ipilit sayo."

Nanulas sa labi ko ang nakakalokong ngiti. Ang pag angat ng gilid ng labi ko ang isa paraan ko ng pagpapakita ng pagtuyam.

"Ang totoo Dr. Samonte may punto ka. Mahal ko ang trabaho ko sa Diner pero nakakatukso ang inaalok mo sa akin."

Nanlambot yata ang mga tuhod ko ng magtama ang mga mata namin. Nakaka akit ang paraan nito ng pagtingin nito habang nakatukod ang dalawang kamay sa mesa.

"Y-yung offer mo t-tinatanggap ko."

Kumilos ito upang umupo sa swivel chair. Ikinumpas ang kamay sa paraang pinapalapit ako.

"Okay. Welcome to your new job Ms. Alvaruiz."

Magkadikit ang dalawang palad nito habang mataman na nakatingin sa akin.

"I know you already know what will be your job, the duty an assistant normally do. All I need is, I want you to stick with me wherever I'll go,and whenever I need you."

Binigyan diin nito ang huling sinabi. Bilang personal assistant ay inaasahan ko na din ang bagay na iyon. At pinagpatuloy pa nito ang mga bagay na gusto niyang mangyari.

NEBULOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon