MY SWEET TORMENT
Hindi ko maalis ang tingin sa muka niya, masyado itong malapit habang nilalagyan ng oitment ang nagingitim na pasa ng kaliwang pisngi ko.
Mas higit ko napag aralan ang bawat detalye ng anyo nito mula sa makapal na kilay hanggang sa nag iisang maliit na nunal niya sa ibabang bahagi ng dulong labi.
Napansin ko ang pagtaas at baba ng adams apple niya kaya naman nahagip ng mata ko ang mahabang peklat nito sa leeg, mukang malalim na sugat iyon ayos sa itsura nito.
Ako naman ang napalunok ng sariling laway ng malanghap ang mabangong amoy nito. Nakaka lango!
"S-salamat." Pinilit ko na lang magsalita upang maiwasan ang pag pantasyahan ito.
"H-hindi ko alam kung p-paano pero, salamat nalang dumating ka."
Iniiwas ko ang pagtitig sa muka nito at inaliw ang sarili sa palibot ng may kalakihan at maaliwalas na silid na iyon. Dito niya ko dinala sa private hospital dito sa lalawigan.
Naging mabilis ang pangyayari ni hindi ko nga nakita kung nasaan ang mga nag pwersahang kumuha sa akin. Pagkalipas lang ng ilang minuto andito na ako sa loob na may kalakihan na silid.
Maaliwalas at nakakaginhawa ang paligid. Mula sa color beige na wall,white ceiling at higit sa lahat ang tanawin ng nagtataasang gusali at maliwanag na siyudad na kaylan man ay hindi natutulog na aking nakikita mula sa malapad na windowpane.
Hindi ko na kailangan pa itanong kung doctor siya dahil halata naman sa lahat ng aking nakikita. Mula sa kina-uupuan kong malambot at kulay beige din na examination table, iilang kagamitan na doctor lamang ang mayroon at isang wooden table na may computer sa ibabaw.
"Just..just never do that again."
Walang ka buhay-buhay na sabi nito.
"Hindi ko talaga alam na magagawa ni Anthony ang bagay na yon."
Nanginig ang mga kamay ko ng maalala ang naranasan ko kanina lang. Ang akala ko talaga ay mapapahamak na ko ng tuluyan sa kamay ng walang hiyang Anthony na iyon.
Napakislot ako ng maramdaman ang pagdiin ng kamay nito sa pasa ko.
"A-ako na lang b-baka pagod ka na." Napansin ko kasing nanigas ang kamay nito at tila ba may iniisip habang titig na titig sa aking sugat.
"You should go."
Pagkasabi nun ay mabilis itong tumayo at pumasok sa isang pinto na marahil ay sarili nitong banyo dito sa opisina niya. Inumpisahan ko na din hagilapin ang mga gamit ko, marahil nga naman ay nakaka istorbo na ako ng lubusan sa kaniya.
Nadako ang tingin ko sa malaking salapin na naroon, suot ko pa din ang itim na costume ko. Nagkalat at sabog ang aking buhok.
Humakbang pa ako palapit sa salamin upang mas lubusan makita ang pamumugto ng aking mga mata, may ilang galos ako sa muka na kasalukuyan ng nangingintab sa oitment. Hindi ko maiwasan maikagat ang gilid ng labi ng dampiin ko ang nangingitim na panga maging pisngi na natamaan ng pagsampal sa akin. Nangingilid na naman aking luha sa magkahalong sakit at inis sa nakikita ko.
"Dont do that."
Muntik ko ng mabitawan ang bag na hawak dahil sa labis na pagkagulat ng bigla nanaman itong magsalita sa likuran ko. Naging nerbyosa yata ako at magugulatin bigla dahil sa ng yari, heto at nararamdaman ko nanaman ang panginginig ng binti ko ng mag-umpisa itong maglakad mula sa pinto. Kung bakit naman kasi nang gugulat ito alam ba niyang marahil ay na trauma ako sa mga ngyari.

BINABASA MO ANG
NEBULOUS
VampirosAng mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalan...