Pagkahatid ni Jenny sa gate kay Erish, biglang may mga lumabas na nakaBlack Cloaks at hinigit si Erish, na ikinabahala ni Jenny,
“ERISH!” Sigaw ni Jenny.
“Anu ba! Bitawan nyo nga ako!” Sigaw naman ni Erish.
Maya maya, si Jenny naman ang hinigit ng mga naka Black Cloaks at di sinasadyang nahawakan ang kwintas ng dalaga kaya biglang umilaw ito at nagyelo ang humawak.
Samantalabg kay Erish naman bigla syang sinikmuraan ng isang naka black cloak at agad naman itong nanghina. At biglang may humampas naman sa likod ng nakablack cloak at ito’y naka Blue Cloak.
Ma mga kasama itong iba pang nkaCloak, ang isa ay naka Light Green ang isa ay naka Orange cloak. Agad nilang tinulungan si Erish at agad din naman nilang nilabanan ang mga nakablack cloak.
Habang naglalabanang mga bagong dating na lalaki sa mga naka black cloak, di nila napapansin na may isa pang nakablack cloak at biglang hinigit si Erish, at di sinasadyang nahawakan ang kwintas at agad naman itong nag-ilaw at naging pula ang mga mata ni Erish, kaya lahat ng naka Black cloaks ay nasunog at naging abo.
Nagulat ang lahat pati si Jenny na hinang-hina na, maya-may nawala ang ilaw ng kwintas ni Erish pati ang pagpula ng mga mata nya saka nahimatay at agad naman itong nasalo ng naka blue cloak, maya maya pati si Jenny ay nahimatay narin at sa sobrang paghina kaya agad naman nasalo ng nkaOrange cloak.
“Wow! Masyado naman kayong alert! Tara na at baka may makakita pa sa atin.” Sabi ng naka light green na cloak.
“Mabuti pa nga.” Sagot naman ng naka orange na cloak.
Di nila napansin na may paparating at ito ang mommy ni Jenny.
“Sandali, pumasok muna kayo sa loob. Mag-uusap tayo.” Seryosong sabi ng mommy ni Jenny na si Alicia.
Nagkatinginan ang tatlo at sabay-sabay pumasok sa loob kasama si Alicia.
ERISH’ POV:
Ang sakit ng katawan ko. Teka? Asan ako? Bakit ganito ang kulay ng paligid puro ginto? Asan ba ko?
“Oh, gising ka na pala. Tagal mong magising.” Seryosong sabi ng lalaking naka …… BLUE CLOAK? Teka? Pamilyar sya sakin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“ Anong nangyayari? Asan ako?” tanong ko sa kanya. Di sya kumibo at may napakagandang babae ang iniluwa ng pinto.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“oh, gising na pala ang prinsesa natin. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ng mala-anghel na nasa harap ko.
“Ok, na po ako. Sino po kayo at asan po ako?” nag-aalalang tanong ko. Jusko, Malilintikan nanaman ako neto kay tita Cecile eh.
“Panahon na para malaman mo ang katotohanan anak.” Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinasabi nya at lalo na sa word na ‘anak’
“Teka, naguguluhan po kasi ako, paki liwanag naman po, tsaka baka pinagtitripan nyo ko? Naku! Nasa kulto ba ko? Ang dami nyo kasing naka Cloak. Nako ha!” natatakot kong sabi sa kanila. Jusko Lord! Tulungan nyo po ako. Mga nasa lima kasi yung naka cloak sa likod ng magandang babae.
“Ako si Queen Cornelia Diamond Stadtfelt, at nasa mundo ka ng Galaxia, or should I say sa Milkia – Celestial Kingdom, at ang mga naka cloak na ito ay ang mga Celestial Guardians.” Panimula nya. Nakinig lamang ako sa mga sinasabi nya.
“At kung iniisip mo sila Cecile, di ka na nila naaalala.” Sabay kumpas ng kamay nya sa hangin at may lumabas na parang projector. Pinakita dito ang mga kaganapan kila tita Cecile.
“Teka bakit po?” tanong ko.
“Dahil dito ka na titira at ikaw ang Celestial Princess. Nakita mo ba yang kwintas mo?” tinignan ko ito at naalala ang mga pangyayari.
“Ikaw ang matagal na naming pinangangalagaang kukumpleto sa 12 Guardians kasama ang anak ni Alicia.
“Si Jenny po?” tanong ko.
“Oo. At ikaw ang may hawak ng pinakamalakas sa lahat ng mga bato. Ang Ruby. At ang kapangyarihang taglay nito ay ang Elemento ng Apoy.” Pagkkwento niya.
“Teka seryoso po ba kayo dito Ma’am? Kasi baka nagkakamali lang po kayo.” Agad namang ngumiti ang babae.
“Bakit naman ako magkakamali? Eh ako ang iyong Ina. Ang inang nagpalaki sayo sa loob ng tatlong taon at ang nagdala sayo kila Cecile ay ang isa sa malapit kong kaibigan dito sa Celestial Kingdom. At ang ama mo naman na namatay ay ang kanyang asawa na isa sa malapit naming Warrior at guro sa Celestial Academy. Pero namatay sa isang digmaan nung sanggol ka pa.” pagkkwento ng Ina ko daw.
Naalala ko naman bigla si Mama Precilla na dinala ako sa bahay ni tita Cecile. Naluha ako ng bahagya at agad naman itong pinunasan ng Ina ko daw.
“Ikaw si Cassandra Heart Stadtfelt, ang Prinsesa ng lahat ng Guardians at ng buong Galaxia.” Ngumiti ako at niyakap ang aking Ina. Sobrang ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Pero parang may kulang?
“Ma? Asan si Papa? Tska bakit parang ang bata nyo po para maging Mama ko?" agad naman syang napabitaw sa pagkaka-akap, tinignan at bahagyang natawa sa sinabi ko. Nkakatawa ba tanong ko?
“Ang iyong ama ay ang Celestial Spirit King na iyong pinangangalagaan. Siya ay kasama mo sa iyong kwintas.” Ako’y namangha sa nalaman ko at nagulat sa sunod niyang sinabi.
“Tska ganito talaga ang mga katulad nating mga Milkians, di na tumatanda pag edad ng 18."
WHAT! SO GANITO NA KO FOREVER?!!!
"Anak, Sige na, Maghanda ka na, at mamayang gabi ay may kasiyahan tayong gaganapin, at may anunsyo ako para sa lahat ng mamamayan ng Galaxia. Andiyan ang mga dama para ika’y tulungang maghanda.” At hinalikan ako ng aking ina sa noo at umalis na. Sumunod sakanya ang mga Guardian na sinasabi nya.
Isang malaking pagbabago ito sa aking buhay. Mukhang kylangan kong maghanda sa pagbabagong ito.
♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕
A/N:
Grabeng revelations agad para kay Erish/Cassandra.
Next update I’ll be using Cassandra na sa mga POV ni Erish, so Wag po kayong malilito..
Thanks po sa mga nagbabasa nito.
HIRING PO AKO NG OP SA MGA MAIN CHARACTERS NG STORY.
Message me nalang po if gusto nyong maging OP nila.