BLAKE’S POV:
Nasa harap ko ngayon ang Prinsipe ng Milkia. Nakagapos ang dalawa kamay at paa nya sigurado akong hindi sya makakatakas.
“Yuan, paki dala nga dito yung kwintas.” Utos ko.
“Masusunod.” Sagot naman nya sakin at agad bumalik kasama ang kwintas. Ang ika-labingtatlong kwintas ng Celestial Guardians. Ang Emerald Stone Necklace.
“Anong gagawin mo sakanya kamahalan?” tanong sakin ni Yuan.
“Matagal ko nang plano itong pagsakop sa buong katauhan ng kanilang prinsipe. At sisiguraduhin kong magugustuhan nila ang surpresa ko sa kanila, pag naganap na ang maghaharap natin sa kanila.” Sabi ko kay Yuan na agad naman syang sumang-ayon.
“Nga pala kamahalan, dumating na po pala sila Caleb kasama sila Zyther at Mirajane. Tapos na ata yung misyon nila?” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Yuan kaya agad ako lumabas sa piitan kung asan nakakulong si Chace.
Pagdating ko sa hall kung saan nagkukumpulan ang mga Black Wizards nakita ko agad sila Caleb.
“Bakit napaaga ang balik nyo?” direktang tanong ko kay Caleb.
“nabuking kami agad ni Cassandra.” Sagot ni Caleb kaya agad akong nagteleport papalapit sa kanya. Sinakal ko sya ng napaka higpit, pero pinigilan ako ni Mirajane.
“kamahalan, patawarin mo kami, natapos naman namin yung misyon naming masira si Cassandra sa Academy. Di lang namin ineexpect na mabubuking kami gawa ng mga kwintas nila.” Sagot naman ni Zyther sakin. Kwintas? Papanong dahil sa kwintas?
“Kamahalan, ang kwintas nila ay umilaw ng di namin inaasahan. Saamin lang ang hindi, palatandaan na huwad ang suot naming kwuntas.” Sagot naman ni Caleb.
Gumagawa ng aksyon ang mga Celestial spirits para mabuking kami. Hindi maaari.
Agad akong bumalik sa piitan kung saan nakakulong si Chace. Kinuha ko ang kwintas at isinuot sa kanya. Ngayon, sisiguraduhin kong hawak ko na ang pagkatao at kaluluwa ni Chace. Sisimulan ko na ang matinding digmaan para buong Galaxia.
3rd PERSON’S POV:
Dumating muli ang ilan sa 12 black wizards kung saan nakakulong sila Ethan. Napangiti sila dahil nakita nilang tulog parin sila Ethan. Binuhusan nila ng tubig ang tatlo para magising.
“What the! Ano bang kailangan mo samin.” Sigaw ni Lalisa.
“Kailangan namin kayo para sa plano namin.” Sabi ni Lanz. Hawakhawak nito ang mukha ni Lalisa at winasiwas ito pag tapos.
“Matapang lang kayo dahil nakagapos kami. Bakit hindi mo kami pakawalan?” sagot naman ni Sebastiene sa mga Black Wizards na nasa harap nila.
“Gusto man namin kayo tanggalan ng gapos at labanan ng patas, hindi pwede. Ayaw kong magsayang ng majika para sa mga mahihinang katulad nyo.” Pagmamayabang naman ni Spencer sa kanila.
“Hindi kami mahina.” Galit na sabi ni Ethan.
“Well, kung di kayo mahina, bakit kayo nandito ngayon?” pang aasar naman ni Brent kay Ethan.
Kitang kita mo sa mga mata nila Ethan, Sabastiene at Lalisa na galit na galit na sila sa pang iinsulto ng mga to. Maya maya pa, umilaw ang mga kwintas nila Ethan, Sebastiene at Lalisa pati ang mga mata nito. Hindi nila ineexpect na masisira nila ang chain na nakatali sa kanilang mga kamay at paa.na ikinagulat ng tatlong Black wizards.
Kasalukuyang aatakihin ni Ethan ang tatlong Wizards gamit ang Rose Whip nito. Gumamit naman ng Spell si Sebastuene para lagyan ng makamandag na lason ang Whip ni Ethan pero hindi ito tinablan sila Lanz, Brent at Spencer. Ginamitan pala ni Lanz ng telepathy ang Whip ni Ethan kaya di sila tinamaan.

BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Science FictionACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.