Chapter 18 - Mission

146 15 0
                                    

VAUGHN KRISTOFF'S POV:

Sinalo ko si Cassandra mula sa pagkakawala nya ng malay. Sa tingin ko bumigay ang katawan nya dahil sa sobrang lakas ng majika na kinukuha nya. Di na ko magtataka. Ang Fire ang pinakamalakas na elemento sa buong Galaxia. At alam ko ding kakayanin nya to.

"hmmmm."

Nagising na si Cassandra. Kalahati palang ng buhok nya ang kulay pula, ibig sabihin tinanggap na nya ang Sphere of Elementum pero di pa ng katawan nya. Masaya ako para sakanya. Pero kailangan ko parin syang bantayan at alagaan.

"Asan ako?" tanong nya sakin since ako lang naman ang andito ngayon.

"Nasa Infirmary ka. Nahimatay ka habang tinatanggap mo ang Sphere of Elementum." Sagot ko sakanya.

"Teka? Pano mo nalaman? Nandun ka ba? Haist. Nakakahiya naman." Nahihiyang sabi ni Cassandra sakin.

"Kumain ka na muna. Alam kong pagod ka. Maiwan muna kita. May kakausapin lang ako." tinignan nya lang ako habang palabas ng pinto. Nahihiya sya kasi nahimatay sya sa harap ko? Weird.

Pupuntahan ko ngayon sila Klein, John Michael at Prime since kaming tatlo ang nangangalaga sa Elementum Campuses. May kailangan kaming pag-usapan tungkol sa ibinalita samin ng mahal na Reyna.

Nang makita ko na ang tatlo sa pinag-usapan naming meeting place, nilapitan ko agad sila.

"Dude! Kanina ka pa namin inaantay. Ikaw nagpatawag ng meeting tapos ikaw late. No fun." Sabi sakin ni Prime. Loko talaga to, alam naman nyang binantayan ko si Cassandra.

Masamang tingin na lamang ang isinagot ko sa kanya at ayun nagpeace sign ang loko.

"Kris, ano ba pag-uusapan natin, bakit tayo lang?" tanong naman ni JM na kumakain ng lollipop.

"Spill it." Wala talagang kapasepasensya tong si Klein. Patulugin ko kaya ulit to?

"Guys. Hindi tayo dito mag-uusap. Dun tayo sa Water Campus, gumawa ako ng barrier dun para satin. Wala dapat makaalam nito bukod satin. For now." Aya ko sakanila.

Nakarating na kami sa Water Campus, pagdating namin pumwesto agad sila sa mga upuan na nakahanda. Hinanda ko talaga to para samin. Dahil sobrang importante talaga nito.

Di na ko nagpaligoy ligoy dahil iyon din naman ang gusto nila.

"Alam ko na kung nasaan ang mga Ex Elementum Presidents." Pag uumpisa ko.

"Nasan?" tanong ni Prime.

"Ayon sa aking imbestigasyon, napag-alamang pumunta sila sa sa ibang mundo. At sa mundo ito ng BLACK EYE." Lahat sila nagulat sa aking ibinalita. Well, kahit ako rin naman nung nalaman ko yon.

"Teka? Pano mo nalaman? Eh di ka naman umaalis ng Celestial World." Sabi ni JM.

"Well, I have my sources. Pero di lang iyon ang problema natin. Nawawala ang ika-13 na Celestial Stone. Ayokong manghinala pero tingin ko kagagawan din ito ng mga Black Wizards." Ang mga Black Wizards ang mga nilalang na nakatira sa mundo ng Black Eye. Sila din ang ang mga nagbalak na kunin si Cassandra pero naagapan namin agad.

"F*CK! PAANO NANGYARI YUN? WAPA PARIN BANG TAGAPANGALAGA SI OPHIUCHUS?" Sigaw ni Klein. Paka impatient tlaga.

Si Ophiuchus ang kakadeklara lang na Celestial Spirit. Di pa sya nahahanapan ng tagapangalaga kaya eto, nanakaw na ang Celestial Stone ng black wizards. Di to maganda.

"Teka, anong gagawin natin ngayon nyan Vaughn? Kakadeklara lang kay Ophiuchus, di pwedeng manakaw agad ang Celestial Stone ng ganun ganun lang?" seryosong sabi ni Prime.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon