Chapter 26 - TWINS

112 15 0
                                    

JASPER KLEIN’S POV:

Nagising na ko mula sa pagkakayelo ko nung nakasagupa namin ang Black Wizards. Hindi ko alam, pero kaya ko naman kumontrol ng yelo, pero yung yelong bumalot sa katawan namin ni Prime, kakaibang yelo sya. Para bang may kakaibang majika ang bumabalot sa yelo na di ko makontrol.

Tulog pa din si Prime, sya kasi ang pinaka matagal nabalot ng yelo samin. Pero sabi ng nurse dito, ok naman daw si Prime, nagpapalakas nalang ulit. Nakita ko namang nagbabantay ang isa sa mga nakilala naming studyante ng Olympus Heights Academy, mukhang napagod sya sa pagbabantay samin. If I’m not mistaken, eto yung Chloe.


“Oh Klein! Gising ka na pala. Si Prime na lang ang inaantay natin para maka-alis tayo.”  sabi ni JM. Gising narin pala sya.


“Asan si Kris?” tanong ko kay JM at nag shrug lang sya.

“Kanina nakita ko syang malalim ang iniisip, marahil dinadamdam parin nya ang pagFail ng mission natin. Ngayon lang nanguari to satin.” Sabi ni JM. Actually, tama si JM, ngayon lang kami nagfail sa mission, kaming apat kasi madalas ipadala sa mission ng mahal na reyna simula nung magkakasama kaming mga guardians. Kami ang nakahanap kila Sunshine at Luna, pati kila Cassandra at Althea. Kaya siguro grabe ang pagdamdam ni Kris dito.

“Ughh.” Napalingon kami sa pwesto ni Prime. Kinakapos sya ng hininga. Agad napatakbo si JM at ako naman napabangon sa kama ko papunta kay Prime.

Nagconcentrate akong maigi para makapag labas ng oxygen papunta kay Prime. Eto lang ang maitutulong ko sa kanya.


Nang makahinga na sya ng ayos, unti-unting dumilat ang mga mata ni Prime. He’s now awake and safe.

“thanks the Spirits, you’re awake. Kamusta pakiramdam mo?” tanong ni JM kay Prime.

“kailangan ko si Sunshone..” yun lang ang nabanggit nya. Eh? Anong konek naman ni Shine dito?

“Bakit mo naman kailangan si Sunshine? Ok ka naman na? Nako. Wag mo sabihing ngauon mo pa paiiralin yang kagustuhan mo kay Sunshine?” Sabi ni JM. Yeka? May gusto sya kay Shine?

“Gago ka talaga JM, giniginaw ako. Syempre kailangan ko ng sunlight. Gusto ko maarawan.” Depensa nya. Ok, magaling na nga sya.

Napansin kong wala na dito yung nagbabantay samin. Saan napunta yun?

“May hinahanap ka ba?” Sabi ni JM.

“Nakita mo ba yung bantay namin dito? Yung Chloe?” tanong ko naman sa kanya.

“Clone lang yung nagbabantay sayo kanina. Naglaho na yun dahil kanina pa umalis si Chloe bago ako pumasok dito.” Paliwanag naman ni JM, Kaya napa tango nlang ako.

Napagpasyahan naming lumabas na ng kwarto para maarawan naman si Prime at para hanapin din si Kris. Kailangan na namin makaalis agad dito. Di na kami pwede magtagal dito.


Nakita ko naman si Clarisse papunta samin. Tumatakbo sya at nagmamadali.

“Guys, be ready. Dumating na sila.” Sabi ni Clarisse na hingal na hingal.

“Teka? Sinong sila?” tanong ni Prime.

“Ang mga Gods and Goddesses.” What? Andito na sila? Paniguradong di kami makakaalis agad nito, dahil sa higpit ng securities.

“makikita na ulit natin sila.” Nagkatinginan kami nila Prime at JM dahil sa sinabi ko.

“Alam ba to ni Kris?” Tanong ko kay Clarisse.

“Hindi ko alam. Pero tingin ko oo. Nakita ko kasi syang nagmamadali papunta sa Olympus Hall kung na saan ang mga Gods and Goddesses.”  Sh*t! Pinuntahan agad nya si Neptune? Akala ko ba ayaw nya to makita?


Agad kaming kumaripas sa Olympus Hall para maabutan si Kris. Pero huli na ang lahat. Nagkita na sila, at nakita narin kami ng mga nag-alaga samin.


VAUGHN KRISTOFF'S POV:

Nalaman kong nandito na ang mga Gods and Goddesses. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magpapakita sakanya. Pero narealize kong kailangan kong malaman kung saan napunta si Neriza.

Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa Olympus Hall, narinig kong nandoon daw ang mga Gods and Goddesses.

Nakita ko silang nagkakasayahan sa isang malaking lamesa. Magkakatabi ang mga nag-alaga kila Klein, Prime at JM pati ang ama ko. Samantalang si Minerva ang Goddess na nag-alaga sa mahal na Prinsipe at ang ina ni Mirajane katabi ni Jupiter sa kabilang bahagi.

Naglakad ako palapit sa kanila, naagaw ko ang attensyon nilang lahat, lalo na si Neptune, ang aking ama.

“Vaughn? Papano ka napunta dito? Nasa Celestial world ka diba?” Tanong ng aking ama sakin pero di ko sya sinagot at tumingin kay Minerva. Sya muna ang tatanungin ko.

“Goddess Minerva, kayo ang nag-alaga kay Senior Chace or should I say, Prince Charlie Ace Stadtfelt, tama po ba?” gulat ang expression ang nakita ko kay Minerva, pero agad din naman nya tong nabawi. Nakatingin samin ang lahat ng Gods and Goddesses at nakikinig lamang.

“So, pinapunta pala kayo ni Cornelia para kunin na ang Prinsipe ng Celestial World.” Sabi nya sakin

“Andito kaming mga Guardians para isama ang prinsipe pabalik sa mundo namin, pero kinuha sya ng mga Black Wizards, dalawang araw ang nakakaraan. May kinalaman ba kayo dito?” diretsong tanong ko sakanya.

“ANONG SINASABI MONG KINUHA SYA AT MAY KINALAMAN AKO? PINAPARATANGAN MO BA KO? Ako ang nag aruga sa anak ng Reyna nyo, tapos ito ang igaganti nyo?” galit na sabi nito. Pero di ako natakot or natinag.

“Anak nyo si Mirajane tama ba? Isa sya sa mga Black Wizards at sya ang dahilan kaya di namin nabawi ang prinsipe sa kamay nila. Sabihin nyo sakin. Bakit kaanib ang anak nyo sa Black Wizards?” dito na nagulat si Minerva. Mukhang di nya inaasahan ang sinabi ko. Goddess of wisdom sya, alam nyang di ako magsisinungaling.

Tumayo sya at biglang naglaho. Nagulat naman ako dahil di ko alam saan sya nagpunta.

“SAAN SYA NAGPUNTA? Ama! Titignan mo nalang ba ako? Wala ka bang gagawin?” Tanong ko sa aking ama.

“Wala kaming magagawa sa mga nakatakdang mangyari.” Sagot ng aking ama sakin. Anong nakatakda?

“May magaganap na digmaan, dalawang magkapatid maglalaban. Sa puti o sa itim. Mananaig ang kasamaan kapag di naagapan.” Biglang sabi ni Mars, ang God of War.

“Diba ikaw ang God of War? Pwede mo tong baguhin diba? DIBA? “ Sumisigaw na ko sa harapan ng mga Gods and Goddesses. Di to pwede mangyari. Hindi pwede mapahamak si Cassandra.

Bigla naman akong inawat ng tatlo. Sila Klein, JM at Prime. Nakatingin sila saming apat.

“Vaughn, Jasper, John, at Justine kapag hindi pa kayo bumalik sa Galaxia, baka atakihin na ang Celestial World. Hindi pwedeng hindi kumpleto ang mga Guardians. Kayong labing dalawa, dapat kayong maghanda sa mga pwedeng mangyari. Kailangan nyong protektahan ang buong GALAXIA, lalo na ang Prinsesa. Hindi kami makikialam sa digmaan. Kayo ang kailangang tumapos nito.” Sabi samin ni God Jupiter. Ang God of all Gods. Ang nagpalaki kay Prime.

Itinaas ni Jupiter ang kanyang kaliwang kamay at biglang kumidlat ng malakas. Pagbagsak ng kidlat sa Lupa lumabas ang Portal kung saan kami dumaan papunta dito.

“Pumasok na kayo bago pa mahuli ang lahat.” Sabi samin ni Mercury, ang messenger of Gods. Ang nagpalaki kay Klein.

Papasok na sana kami ng biglang pumasok si Chloe at Clarisse. Tumakbo ata sila kaya hingal na hingal.

“Teka! Sasama kami! Gusto naming tumulong.” Sigaw ni Clarisse.  Napatingin naman sila Aphrodite at Mercury.

“Chloe anak, hindi maaari. Ikaw lang ang inaasahan ko rito.” Sabi ni Aphrodite. Kaya pala maganda sya, anak pala sya ni Aphrodite.

“Clarisse, hindi pwede. Ayokong mainvolve kayo sa gulo ng Galaxia.” Sabi naman ni Mercury. Napakunot ang noo ni Klein dahil doon.

“Teka Ama? Sya ba ang anak mo dito sa mundo ng mga Tao?” Tanong ni Klein. Parehas pala kami ng nasa isip.

“Oo, Jasper.” Simpleng sagot ni Mercury kay Klein.

“pero Ama, kaibigan namin si Senior Chace, pati narin ang mga Guardians na to. Gusto namin silang tulungan. Pangako, uuwi kami ng ligtas.” Sabi ni Clarisse.

“Oo nga po ina. Gusto po namin silang tulungan dahil kaibigan po namin sila.” Sabi ni Chloe. Nkakatuwa, kahit di pa kami gaanong Close ehh, kaibigan na agad ang turing nya samin.

“Sige. Papayag na kami. Sa isang kondisyon.” Sabi ni Aphrodite. Teka anong Kondisyon naman to? “Pag may nangyari sainyong dalawa, aalisin namin ang koneksyon namin sa Celestial World. Naiintindihan nyo?” teka? Di to maganda.

“Hindi naman po ata pwede yun. Wala na po bang ibang kondisyon?” Tanong ni Prime.

“bakit? Natatakot ba kayo? Pwes, hindi sila sasama. Hindi namin sila pinalaki sa mundo ng mga tao para ma-involve sa buong Galaxia. Sila ay para sa mundong to.” Sabi ni Aphrodite.

“Payag kami. Alam naming walang mangyayaring masama saamin. Pangako.” Sabi ni Chloe.

Natapos ang usapan namin sa pagpayag ng mga Gods and Goddesses sa pagsama nila Clarisse at Chloe. Hindi na dapat sila sumama pa. Pero malaking tulong sila samin.

Pero bago ulit kami pumasok sa portal, may pahabol akong sinabi sa akinh ama, na ikinagulat nya.

“Pag balik ko rito, hahanapin ko si Neriza. Alam kong andidito lang sya.” At pumasok na kaming lahat sa portal.


CASSANDRA HEART’S POV:

Nasa cafeteria kaming mga Guardians at kumakain ng makatanggap si Luna ng mensahe mula sa mahal na Reyna. Sa aking Ina. Lahat kami nag-aabang sa kanya kung sasabihin ba nya yung mensaheng natanggap nya.

“guys, kailangan daw tayo sa palasyo ngayon. Nagbalik na sila.” Masaya kami sa balitang iyon. Lalo na ako. Makikita ko na ulit sila. SIYA.

Nagmadali kaming bumuwi sa palasyo ng malaman ang balita. Pagdating namin sa Celestial Hall, andun ang Apat at si Ina, pero may kasama silang dalawang babae. Parang pamilyar ang isang babae na yun.

“CLARISSE?” sabi ni Althea. Teka? Pinsan ko to sa mundo ng mga tao. Bakit sya nandito?

“Wait? I don’t know you. Bakit nyo ko kilala?” napaisip kami sa sinabi ni Clarisse. Hindi nya kami maalala?

Pero bago pa kami makapag react, nakita ko sa kanila para bang may mali sa mga expressions nila. Hindi sila masaya sa pagbabalik nila. May nangyari ba?

“Mama, anong nangyayari? Bakit ganyan ang mga mukha nyo?” Tanong ko.

“May masamang balita. Hindi nagawa ng apat ang kanilang misyon.” Sabi ni Mama. Anong misyon?

“Mahal na reyna, pwede po bang wag nyo na kami bitinin. Ano pong nangyari?” Sabi naman ni Krystal, pati sya naiinip na rin.

“Ang misyon na binigay ko sakanila ay ang hanapin ang nawawalang kakambal ni Cassandra. Ang Prinsipe ng Celestial World.” Kakambal? Teka, anong ibigsabihin neto?

“Nakuha si Prince Charlie Ace ng mga Black Wizards. Di namin sya nagawang bawiin dahil di namin nagawang labanan ang mga Black wizards.” A part of me was broken nung sabihin ni Vaughn ang statement nya. Hindi ko pa man nakikita ang kapatid ko, pero nasasaktan na ko.Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

“BAKIT DI NYO SINABI NA MAY KAPATID AKO! KELAN NYO TO BALAK ILIHIM SAKIN?” Yung reaksyon ng mga Guardians di maipinta.

“Anak, pakinggan mo muna ako. Inihilim ko to saiyo kasi gusto ko maibalik muna sya dito bago ko sya ipakilala sayo at sabihin ang lahat.” Paliwanag nya.

“Ayoko nang makinig sainyo. Pinaghiwalay nyo kaming magkapatid. Alam mo bang pinangarap kong magkaron ng kapatid, pero di yon nangyari. Ano ba akala nyo samin? Tuta? Na kapag nanganak kayo, ipapamigay nyo? Bahala na kayo!” umalis ako sa loob ng Celestial Hall. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napadpad ako sa aking kwarto.

Iniyak ko lahat ng pwedeng iiyak. Ano bang nangyayari sakin. Ganito ba talaga ang nakatadhana sa buhay ko? Gusto ko lang naman mabuhay ng normal.


Bigla kong naalala ang sinabi ng matanda sakin nung isang araw.

“May magaganap na digmaan, dalawang magkapatid maglalaban. Sa puti o sa itim. Mananaig ang kasamaan kapag di naagapan.”

Kami ba ng kapatid ko ang tinutukoy ng matanda? Pero bakit? Hindi ko maintindihan, ayokong mangyari ang sinasabi ng matanda. Hindi ko kaya.

Iniyak ko nalang ng iniyak ang nararamdaman ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.



♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛♔♛


Dito na po magsisimula ang matinding kaganapan sa GALAXIA 😁
Pasensya na po sa mga typos at wrong grammars. Di po ako perfect, so pardon me.


Thank you po sa mga sumusuporta. I hope basahin nyo din ang isa kong story na SKUL LUV AFFAIR WITH THE ELITE PRINCESS. ACTION po ang genre nya.


Happy reading!!


©EmpressRein❤

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon