Chapter 6 - Celestial Spirit King

261 33 2
                                    

3RD PERSON’S POV:

Biglang umilaw ang kwintas ni Cassandra pati ang statue ng King of All Celestial Spirits. Maya maya ay may nakita sya sa harap nya na isang Makisig na Lalaki na may Gold and Red na kasuotan at kulay Pulang buhok at may disenyo sa kasuotan na ♌, at meron din itong maliit na korona patunay na sya nga ang hari ng Celestial Spirit World.

Lahat ng Guardians nagulat at sabay sabay lumuhod sabay yuko bilang pagpupugay sa pinaka hari ng mga Celestial Spirits.

Galak na galak ang pinaka reyna ng Celeatial world kaya agad itong niyakap ang Spirit King. Masaya ding niyakap sya ng hari.

“napakaganda mo talaga Cornelia.” Bati ni Loke kay Cornelia.

“Magandang gabi, aming mahal na prinsesa, marahil alam mo na ang iyong pinagmulan at ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon.” Bati naman ng hari kay Cassandra.

“kayo po ang aking ispiritung ama? Tama po ba?” tanong ni Cassandra kay Loke.

“Oo, aming prinsesa, at ipapaalam ko lamang sayo ang iyong kapangyarihan, ngunit may isa tayong suliranin.” Sabi ni Loke.

“Teka, ano iyon Loke?” tanong ng reyna na pati ang ibang guardians ay nagtaka.

“Matatagalan bago pa mapalabas o magamit ni Cassandra ang kapangyarihan nya. Matagal itong natulog kaya kailangan muna nya itong gisingin, kaya… Guardians, I need your Help.” Napatingin ang mga guardians sa Spirit king.

“Gagawin po namin, tutulungan po namin si Cassandra.” Diretsong sabi ni Vaughn na isinang-ayunan ng lahat.

Kinausap ni Loke ang mga guardians kung ano ang gagawin nila. Naiwan naman saglit sila Cassandra at ang Reyna. “Maaayos din yan anak” sabi ng reyna kay Cassandra kaya napangiti naman ito.

CASSANDRA’S POV:

Bakit ganun? Yung kapangyarihan ko natulog? Ehh parehas lang naman kami ni Je.. este ni Althea ehh.

“Bes, bakit ikaw napalabas mo agad powers mo?” malungkot kong tanong sakanya habang palabas kami nv Celestial Hall.

“Um, bes, actually matagal ng gising ang kapangyarihan ko. Pinipigilan lang nila mommy palabasin. Nakwento nya sakin na tinatanggal nya ang mga ala-ala ko pag napapalabas ko ito. Kinausap nya din ang Celestial Spirit na si Sagittarius para pigilan to, since sya ang dating guardian ng Topaz Stone, pinayagan sya ni Sagittarius.” Paliwanag ni Althea. Napatango nalang ako dahil dito.

“Vaughn, ano ang napag usapan nyo nila Ama?” tanong ko kay Vaughn ng mapadaan sya sa tabi ko. Tinignan nya ako ng seryoso tsaka nagsalita.

“TRAINING.” At mabilis syang naglakad palayo. Ang gulo nya. Kanina lang nginitian nya ko tapos isinayaw sa Ball, tapos ngayon masungit na? wow ahh? Bipolar lang ampeg?

“Anak. Sandali,” sigaw ni mama at pumunta sa harap ko. “Bukas papasok ka sa Celestial Academy. Ang mga uniporme mo ay nasa iyong kwarto na. at oo nga pala, Sunshine, samahan mo si Cassandra sa kaniyang bagong silid. At Krystal samahan mo naman sya sa kanyang silid. Ito ang mga susi.” Iniabot ni mama ang mga susi kila Sunshine at Krystal. Hanggang ngayon, ang cold padin ni Krystal tumingin sakin. Hay. May nagawa ba ko sa kanya?

“Hello Cass!” masayang bati sakin ni Sunshine, mukhang mabait sya at masayahin.

“Hello!” sagot kk naman at pumunta na kami sa bago ko daw na kwarto.

“Kamusta na naman dito sa unang araw mo?” tanong ni Sunshine.

“Eto, pilit ko pading sinisink in sa utak ko ang mva pangyayari.” Sagot ko sa kanya.

“Ganyan talaga Cass, ganyan din ako few years ago.” Ngiting sabi ni Sunshine.

“Talaga? Ilang taon ka na ba dito?” curious kong tanong.

“6years” ngiting sabi ni Sunshine.

“Gusto ko pa sana makipagkwentuhan, pero tingin ko bukas nalang dahil may klase pa tayo. Sunduin kita dito bukas ng 7am. Dun lang naman sa bandang dulo ang kwarto ko, kaya malapit ka lang.” sabi ni Sunshine na nginitian ko at nagpasalamat.

Pagkakuha mk ng susi, umalis narin sya kaya pumasok na ko. Pagpasok ko, mapapa ”WOW” la sa aking kwarto. All red ampeg, tapos may isang malaking walk-in closet. Pag punta ko dunang daming damit, iba-iba, at andun na din anf uniform ko at sa babang cabinet, puro sapatos at sandals. Wow, ang gaganda..

Kumuha ako ng pantulog at pumasok sa bathroom. magHahalf bath lang ako. Ng matapos na ko at nagbihis dumiretso na ko sa tapat ng salamin at umupo. Nagpatuyo ako ng buklhok at tinignan saglit ang aking sarili.

“Ako ba talaga to? Hay..” bulong ko sa aking sarili. Pagkatuyo ng akong buhok, dumiretso na ko sa akong malambot na kama. Iniisip ko na marami pang magaganap sa buhay ko na di inaasahan. Bukas papaskk ako sa bago kong paaralan kaya marami pa kong makikilala, marami pa kong malalaman. Sana maging ok na ang lahat.

Di ko namalayan kakaisip, nakatulog na pala ako.

♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕

A/N:

short update for everyone..

Kamusta guys.. thanks sa mga reads.. kahit Konti palang kayo, sobrang naappreciate ko po kayong lahat!!

Tsaka po muna ako maghihire ng mga OP’s, pag marami na po ang reada and chapters.

Paki vote naman po ito para makita ko na may mga nagbabasa po tlga nito.. yun lang po masaya na ko.

Salamat mga GALAXIANS!! 😘😘😘

©EmpressRein

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon