Chapter 28 - Sad, Jealous & Death

102 13 4
                                    

ETHAN JAMES POV:

Lumayo muna ko sa ibang Guardians para mapag-isa. I still don’t get my purpose as a Guardian. Nakakabother din pala.

Nasa Celestial garden ako ngayon. Eto yung place na lagi kong pinupuntahan dahil dito gumagaang ang pakiramdam ko. Naalala ko yung sinabi sakin ni Princess na dapat maging masaya ako. Papano? Eh wala namang nagmamahal sakin. Tsk.

Ginamit ko yung majika ko para magpabulaklak ng paligid. Sunflower. Bakit nga ba eto yung naisip kong pabulaklakin? Dahil sa Sunflower World ako unang nakaranas ng kakaibang pagtibok ng puso ko.

Pag tapos ng mission namin sa mundo ng Messier, sya na laging nasa isip ko. Kaso malabong mapansin nya ko. Oo, parehas kaming guardians pero malapit sya sa isang prinsesa, matapang, at panigurado di ako ang tipo nya, but still, I adore her.

Napansin kong parang nag-iisnow. Teka? Di pa naman winter para mag snow? Tumayo ako sa pagkakasalampak sa damuhan para icheck ang panahon. Teka? Nkakaamoy ako ng isang nilalang sa paligid.

Nilibot ko to at nakarating ako sa kaisa isang puno na nakatayo dito. Dito galing yung amoy. Pag tingin ko sa likod ng puno.

“BOOOH!” pang gulat sakin ni.. Althea? Bakit sya nandito? Di padin ako makakilos sa sobrang gulat.

“uy Ethan! Sorry, I don’t know na magugulatin ka pala. Sorry.” Apologize ni Althea. Hindi naman ako nagulat dahil ginulat nya ko. Nagulat ako kasi bakit sya nandito?

“jusko naman Althea, ginulat mo ko, bakit ka nandito? Ikaw ba ma gawa ng pagulan ng Nyebe?” Tanong ko sakanya.

“Ahh oo, napansin ko kasing nag-iisa ka ehh, kaya nagbakasakali ako na baka sumaya ka sa Nyebw na pinaulan ko.” Sabi ni Althea sakin..  Naupo kami sa ilalim ng puno. Yung kabog nanaman ng dibdib ko. Jusko.

“ay, may dala pala ako sayo, napansin ko kasing hindi ka kumain kanina sa Cafwteria nung break time. Eto oh!” sabay labas ng parang lunch box. Ang cute ng design.

“niluto ko yan kanina nung nakita kitang humiwalay sa grupo. Pumunta ako ng kitchen sa Cafeteria para iluto yan kaya dapat kainin mo yan.” Sabi ulit nya. Speechless ako kasi first time ko makaexperience ng paghandaan ng pagkaen. Tapos si Althea pa.

“Alam mo Ethan, kumain kna, gutom lang yan ehh.” Ngumiti ako sakanya tsaka kinain yung pagkain na binigay nya.

“wow ang sarap naman neto, ikaw talaga gumawa neto?” Sabi ko sa kanya. Ang sarap ng bento na ginawa nya.

“oo, buti naman nagustuhan mo.” Masayang sabi nya. Pero teka? Bakit nga ba nya ko ginawan neto?

“Althea? Bakit mo pala ako ginawan ng ganito?” Tanong ko sakanya.

Humarap sya sakin at nag salita. “Thank you gift ko yan sayo, kasi kung di dahil sayo baka napatay na ko ni Oddessa sa Sunflower World.” Napaisip naman ako sa mga nangyari.
Hmmmm. Naalala ko na! Yun yung niligtas ko sya tapos sa kalagitnaan, ako din pala tutulungan nila..

“Teka? Diba dapat ako ang magpasalamat? Ikaw talaga. Anyway, thank you pa din.” Tapos kinain ko na yung mga dinala nyang pagkain.

“Bakit ka pala laging nag-iisa? Ayaw mo ba sumama samin?” tanong sakin ni Althea na ikinasamid ko kaya inabutan nya ko ng tubig para uminom. Ininom ko yun at tinignan syang maigi.

Ang ganda ng mga mata nya, yung buhok nya bagay sa kanya. Yung mga labi nya na pinkish nkaka aliw pagmasdan. Hay althea, bakit kasi ikaw pa.

“ETHAN? NAKIKINIG KA BA?” bigla akong natauhan ng mgsalita sya.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon