CASSANDRA’SPOV:
Papunta na kami sa tinatawag nilang CELESTIAL HALL.
“Uy bes, ang ganda dito sa palasyo noh? Tsaka ang daming pogi ! Hihi..” Sabi ni Althea na may kilig kilig pang nalalaman.
Talagang to, nakalimutan nang may boyfriend siyang naiwan sa mundo ng mga tao..
“Oy bes! Baka may nakakalimutan ka ata? Papano si Levi aber? Aba’y nkakita ka lang ng mga poging guardians nakalimutan mo na agad na may boyfriend ka.” Pag sermon ko sa kanya.
“Eh di ba nga, sabi nila Mommy lahat ng mga taong nakahalubilo at nakakakilala sa atin, ay makakalimutan na na nila tayo. Kaya I suggest kalimutan mi na din sila lalo na sila Kyle at Levi. Oo naging kaibigan natin sila, pero No choice ehh, hindi na tayo ang Jenny at Erish na nakilala nila, tayo ay mga Guardians na dito.” Pagasabi nya nun biglang bumukas ang isang malaking pinto. Naisip ko, Yama sya. Dapat ko na silang kalimutan.
“Bes! Ang ganda!” manghang sabi ni Althea.
“Andito na tayo, ito ang Celestial Hall kung saan lahat ng Monumento ng Celestial Spirits natin ay andito. Pero pag tumapat ka sa Celestial Spirit mo, iilaw ito katulad ng kulay ng iyong bato.” Paliwanag ni Prime. Since sya palang naman ang close namin ni bes.
“Andito na pala kayo Guardians. Pumunta na kayo sa tapat ng inyong Celestial Spirits maliban sayo Cassandra.” Sabi ni Mama at agad naman silang sumunod pati din si Bes na nag-aalinlangan since First time din nya gaya ko.
“Ipapakilala ko sila sayo para mas makilala mo sila.” Sabi ni mama. Pagtapat nila umilaw ang nga ang mga kwintas nila nang napakatingkad pati ang statue sa likod nila.
“Lalisa Marie Stacey, Brain Guardian, Holding Capricorn’s Garnet Stone.” Pagpapakilala ni Mama na maya-maya nagpalit ng pandigma ang kasuotan ni Lalisa. She looks like a Princess pero may hawak syang libro.
“She is the brain of all guardians. She can talk, hear, fight just using his Brain.” May pagkaVaughn pala ito.
“Vaughn Kristoff Travinson, Water Guardian, Holding Aquarius’ Amethyst Stone.” Gaya ni Lalisa nagpalit ito ng kasuotan. Ang astig ni Vaughn! At napatingin ito sakin at nagSmirk? Seriously? Ampft! Nababasa nga pala nya ang nasa isip ko! F*ck!
“Mark Luna Skarsten, Moon and Dark Guardian, Holding Pisces’ Bloodstone.” Wow. Ang Cold ng mukha nya. Promise. Especially when he change his outfit! Jusmiyo! Black aura!
“Iha, just a bit of info, hindi black wizard si Luna. Sadyang ganyan lang talaga ang kapangyarihan na dumadaloy sa Bloodstone. Water is the second stronggest of all Elements while moon is the third. That’s why you see his aura like that.” Pagpapaliwanag ni mama.. I see.. yun pala yun.
“Ethan James del Fuente, Flora Guardian, Holding Aries’ Pink Sapphire stone.” Then he change his outfit into a handsome pink Armor.
“Ma, bakit kulay Pink? Di ba kulay blue ang sapphire?” tanong ko kay mama.
“Iha, there are different colors of sapphire, but since babae si Aries, she likes color Pink. At yun ang napili nya. At favorite color din ito ni Ethan, Tama ba ko?” pagkonpirma ni mama kay Ethan
“Yes, Queen.” Ngiting sabi ni Ethan, at kumindat pa ito sakin. Gosh! Gwapo sya pero mukha syang babae.. well..
“Krystal Keith Sommerhalder, Warrior Guardian, Holding Taurus’ Agate Stone.” Isa syang napaka gandang babae, pero ‘WARRIOR’? shems. Ang lupit ng outfit nya.
“Daddy nya ang tinutukoy kong naging ama-amahan mo nung bata ka palang. Sya ang dating guardian ng Agate Stone. At mommy nya si Precilla.” Ngiting sabi ni mama na ikinatuwa ko. Pero ang cold pa din ng tingin sakin ni Krystal. Kaya umiwas nalang din ako ng tingin.
“She can also summon different kinds of armors and weapons basta tungkol sa pang laban.” Natakot naman ako bigla dun.
“Sunshine Grace Skarsten, Light and Sun Guardian, Holding Gemini’s Pearl Stone.” At nagChange sya into a beautiful Angel. Chos! White Armor pero mukha syang angel, kulang na lang pakpak at halo. “She’s the twin sister of Mark Luna. But their powers are totally opposite. She can heal major and minor injuries while Luna can kill you.” Wow. Ang galing naman. Speechless aketch..
“Jasper Klein Hemington, Wind Guardian, Holding Cancer’s Carnelian Stone.” Then his outfit change into a handsome guardian. May pakpak ang gladiator shoes nya, most likely para syang si Mercury. “he’s our speed and messenger of all Guardians.” Wow. So kaya nyang tumakbo ng mabilis na parang si Mercury. Astig!
“Justine Prime Ampear, Lightning Guardian, Holding Virgo’s Peridot Stone.” At nagpalit sya ng outfit into a armor na kulay Light Green pero may hawak syang latigo na kuryente ang lubid tapos may hugis kuryente sa magkabilang taas ng tenga.
“Ang astig mo pala Prime!” sigaw ni Althea. Kaya lahat ng guardians pati si Mama maliban sakin ay tumingin ng masama. Natawa naman si Prime ng bahagya. Althea mouthed “Sorry” with peace sign. Kaya binalik na ni mama ang atensyon. Pasaway tlga tong kaibigan ko.
“John Michael Crawford, Earth Guardian, Holding Libra’s Opal Stone.” Then he change his outfit into a brown Armor at hawak ang timbangan ni Libra. “He can also manipulate time pati malaman if you’re saying truth or not. Forth to the strongest while fifth is Jasper.
“Sebastiene Galford Collins, Poison Guardian, Holding Scorpio’s Cat’s Eye Stone.” And he change his outfit into an armor and look like a Scorpion. May buntot kasi sya made of metal at sa dulo nun ay may matulis na para bang mamamatay ka pag nadikitan ka nun. And I think may lason yun since he’s the poison guardian.
“Short and long range ang power ni Sebastiene, kaya nyang lagyan yung mga armor at weapons nyo ng Poison at yung buntot nya, di mo gugustuhing tumama dito dahil sa painful poison nito.” Ayoko pang mamatay, kaya di ako lalapit sa kanya pag nka Armor sya.
“Last, Althea Snow Pearson, Ice Guardian, Holding Sagittarius’ Topaz Stone.” At nagulat si Althea habang nag-iiba yung kasuotan nya. Naging kulay light Blue ang Armor nya and ang sexy nya dahil labas pusod ito. At may head dress sya na may pagka Crystal Ice at may hawak syang Bow and Arrow na made of Ice din. Magsasalita sana si Althea nang marealize nyang bawal nga palang magsalita so di na nya natuloy.
“She has the ability to freeze all the opponents and kill it using “break spell” na matututunan nya soon.“ tumango tango si Althea.
At ako naman ang nagtanong. “Ma, paano ako?”
Tumingin sakin si mama at ngumiti. “Hindi ako ang magsasabi nyan kundi sya.” Sabay turo nya sa Statue ng nasa pinaka gitna. Ang Leo the Lion.
♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕♚♕
A/N:
HELLO!! MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR!!! (Late na pagbati)
Sorry if now lang nakapagUpdate. Naging busy lang ng bonggalarium si Author. Dbale, mag-uupdate na ko lagi. Swear!
I hope nagustuhan nyo ang update ko ngayon abangan nyo po sana lagi.
Thank you po! Paki read din po yung isa kong story na “FREEDOM ACADEMY presents: SKUL LUV AFFAIR with the ELITE PRINCESS”
THANK YOU PO ULIT!!
©EmpressRein❤
![](https://img.wattpad.com/cover/90927354-288-k494059.jpg)
BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Science FictionACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.