JUSTINE PRIME'S POV:
Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako lalaban mag-isa. kanina lang sobrang excited ako, pero ngayon parang kinakabahan na ako. patuloy lang ako sa paglalakad nang nakarating ako sa isang open area pero may mga puno sa paligid. kumbaga ito yung sentro ng kagubatan. pero papano ako nakarating dito? marahil dahil ito sa pintong napili ko.
nagpahinga ako sandali sa isang log na nakakalat dito. nagugutom na ako, pero pinipilit kong labanan. di pupwedeng magutom ako sa gitna ng laban. naalala ko nga pala, dala ko ang backpack ko na may lamang pagkain. tinapay lang naman ito para di gaanong mabigat. kumuha na ako at kumagat. habang ngumunguya ako nagulat ako may isang lalaking kumuha ng tinapay ko. aba't sino sya sa akala nya?
"Hoy kupal! sino ka sa akala mo at kinukuha mo ang pagkain ko? pwede ka naman sana manghingi pero kinuha mo ng walang paalam." inis na turan ko sa kanya. humarap naman ito sa akin at laking gulat ng mga mata ko. sya yung lalaking kasama ng dark prince na nakita ko bago kami mapadpad dito. isa isang iglap kinidlatan nya ang tinapay na kinuha nya sa akin kanina. mukhang mapapalaban na ako ah?
"Ako ba ang tinawag mong kupal?" cold na pagkakasabi nya. kung ibang nilalang siguro ako, tatayuan ako ng balahibo. pero dahil ako ang Lightning guardian na pinalaki ng God of Sky na si Jupiter hindi ako nagpatinag.
"Oo. bakit hindi ba?" seryoso kong sabi. doon kami nagkasukatan ng tingin. akala nya ba matatakot nya ako? asa sya. sa tinginang iyon para bang may kuryenteng namumuo dahil sa tensyon namin. pero sa di ko inaakala, kuryente rin pala ang Majika nya. pero ang kuryente nya ay may halong itim na majika kaya kita mo ang pinagkaiba ng sa amin.
"Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung akong Majika ang meron ako. tutal nakita mo naman na." sabay pakita nya sakin ng Majika nya na pumalibot sa buong braso nya hanggang sa kamay. pinagmamayabang nya sakin kung ano ang majika nya eh kaya kong lamunin yan?
kita ko ang gulat sa mukha nya nang magalit ang buong kalangitan. mukhang sya itong di inform na apprentice ng God of Sky ang kalaban nya. itinaas ko ang isa kong kamay at dinama ang Majikang dumadaloy mula sa dulo ng daliri ko hanggang sa makaabot ito sa buong katawan ko. gumawa ako ng sword na gawa sa kuryente sabay tumingin sa kanya. pinanood nya lamang ako kung papano ko gawin ang sword ko. halata sa kanya na hindi sya makapaniwala sa makakatunggali nya.
"Kailangan ko pa ba ipaalam sayo na ako ang Lightning Guardian at apprentice ni Jupiter?" ngiting tagumpay kong sabi sa kanya. pero laking gulat ko nang mabilis nya akong nasikmuraan kaya tumilapon ako, pero nakalanding naman ako ng maayos gawa ng balanse ko.
nang makabawi ako agad akong nagcounter attack. nilapat ko ang fist ko sa palad ko at naglabas ng majika na gawa sa thunder bolts. nakaiwas naman ito pero tuloy tuloy lang ang ginawa ko hanggang sa mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at nag Thunder kick sa mukha nya. pero di pa man nakakalapit ang paa ko sa mukha nya naisalag na nya ang kamay nya at pinaikot ako kaya tumilapon ulit ako palayo sa kanya. magaling sya dumipensa.
"Yan na ba ang kaya ng apprentice ng diyos ng kalangitan? nagkamali ata sya ng inensayo." natatawa nitong sabi sa akin. minamaliit ba ako ng kulog na to?
sa isang iglap nasuntok na nya ako agad sa mukha. ang bilis nya kumilos. para syang si Klein pero mas mabilis naman yon. yun nga lang para syang kidlat sa sobrang bilis. nalasahan ko ang dugo na tingin ko pumutok dahil sa suntok nya. walang hiya to ahh?
yung kawak kong sword kanina ay ibinaon ko sa lupa. umilaw ito at naglabas ng maraming kuryente sa at agad ko iyong sinalo. gumawa ako ng maliliit na thunderbites at isa isa iyon binato sa kanya. mabilis nya iyong naiwasan pero ang di nya alam bumabalik iyon sa akin kaya may tatlong tumama sa kanya sa likod. alam kong may paso iyon sa likod nya dahil narinig ko pa itong uminda. hinugot ko ang sword ko at inatake sya ng sunod sunod. pero iniilagan nya lang iyon. hinawakan nya ang braso ko at nagpakawala sya ng kidlat sa kamay nya dahilan para mapasigaw ako ng napakalakas. tinuhod nya ako sabay balibag sa lupa. napaubo ako ng dugo dahil doon. ba't ba napakabilis nyang kumilos? nahihirapan akong basahin ang mga galaw nya, pero bakit ako basang basa nya? inapakan nya ang ulo ko dahian para mangudngod ang mukha ko sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/90927354-288-k494059.jpg)
BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Science FictionACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.