Chapter 40 - Gate of Light

37 4 0
                                    

SUNSHINE GRACE'S POV:

Ngayon na ang digmaan na matagal na naming gustong wakasan. para sa amin, ganito ang digmaan. kaming mga guardians ng bawat mundo ang nagrerepresent sa mga bituin sa Galaxia. Bawat Mundo ay may mga inaalagaang constellation at meron itong mga spirits. Isa na doon ang mga Celestial Spirits. Once na tumuntong kaming mga Guardians sa Black Eye World. dalawa ang pwede naming kahantungan. ang mamatay at mapunta sa black hole, or ang mabuhay at matalo ang kasamaan.

ang mga magulang namin ni Luna ang isa sa mga nagbuwis ng buhay para sa Galaxia. ngayon, isa na silang magandang bituin na gumagabay samin sa pagpapatuloy ng digmaang ito. at umaasa sila na kami ang tatapos nito.

Yan ang tumatakbo sa isip ko nang makapasok ako sa pintuang napili ko. may di maganda akong kutob dito. sobrang maliwanag ang lugar na para bang ako'y nasa kalangitan. pero sa isang iglap, may kadenang pumulupot sa leeg ko. sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakabuwelo, hindi tuloy ako makahinga sa sobrang sikip nito. at dahil ako ang tagapangalaga ng Araw at Liwanag, ginamit ko ang majika ko para matunaw ang kadenang ito. at sa sobrang init ng kamay ko, natunaw ko nga ito at ako'y nakakawala. sino kaya ang nilalang na ito?

"Grabe, bigay pa sakin yan ni Yuan! tinunaw mo lang?" pagsulpot ng isang pamilyar na lalaki hawak hawak nya yung kadugtong ng natunaw kong kadena.

"Sino kang nilalang ka?" lakas loob kong tanong. sa totoo lang, ito ang kauna-unahan kong pakikipaglaban sa lalaki. madalas kasi si Krystal at si Luna lang ang katraining ko. inaaya ko naman si Prime na magtraining, ay ayaw naman nya.

"Hmmm. mukhang pamilyar ka rin saking babae ka. pero dahil isa kang magandang dilag. magpapakilala ako. ako nga pala si Brent Steban. Light Wizard, ang iyong makakatunggali ngayong araw." pamilyar talaga sya saakin. teka? sya yung kamuntikang manggahasa kay Althea? Di malabong ganun din ang gawin nya sakin kung magpapatalo ako.

nag-amba akong lalaban kaya pinusisyon ko ang aking mga kamay sa tapat nya, bahagyang umilaw ang aking kamay at ready na maglabas ng majika pero nakangiti lamang ito saakin.

"hindi ka ba magpalakilala sakin? hindi kasi ako nakapaghalungkat ng impormasyon nyo. kaya magpakilala ka na." bakit para bang ang easy lang nya? para syang lalaking nakikipagkilala sa babaeng nakita nya lang.

"Ako si Sunshine Grace Skarsten, Light and Sun Guardian holding Gemini's Pearl Stone." di parin ako umaalis sa posisyon ko. mahirap na, baka inaaliw lang ako nito.

"Sabi na. ikaw yung babaeng nakita kong naglalakad papunta sa bahay nya. kulay puting buhok, pati narin ang mga mata. Malas naman, kailangan kitang tapusin." nagulat ako sa sinabi nya. Siya yung nakilala ko na lalaki na parang easy lang magsalita. yung tipong walang pakialam sa mundo. pero tinulungan nya ako nang mahulog ang pinamili kong pagkain para samin ni Luna.

"Bakit ka naging Black Wizard?" diretsang sabi ko sa kanya. mukha naman syang mabait nun, pero anong nangyari?

"Dahil kailangan ko." naging seryoso ang mukha nya nung tinanong ko sya. may matindi ba syang pinagdadaanan? light ang majika nya tulad sakin, pero binabalot sya ng itim na majika dahil sa kung anong pinagdadaanan nya.

"Pwede naman nating pag-usapan to di ba Brent?" mahinahon kong sabi. sinusubukan kong gamutin ang galit sa puso nya pero may barrier na nagtataboy ng majika ko. naka seal ang puso nya sa itim na Majika. mahihirapan akong gamutin ito.

"Pag-usapan? kaya bang ibalik ng Majika mo ang namatay kong ina dahil sa Digmaang naganap noon? hindi. matagal kong inasam na mangyari ito para maiganti ko ang pagkamatay ng magulang ko.--" "Bakit! ikaw lang ba tong namatayan ng magulang?" putol ko sa sinabi nya. di ko na napigilan ang nararamdaman ko. sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko para di ko sya masaktan.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon