Chapter 10 - Messier (History pt.2)

192 20 1
                                    

CASSANDRA'S POV:

Dumating si Sebastiene na may dalang masamang balita. Ang poison na galing sa dagger ni Margaux ay galing pala talaga sa Prinsesa ng Messier. Si Princess Herna ang anak ng magiting na mandirigma na si King Hercules at Queen Lerna

Ayon sa nabasa namin sa libro ng Galaxia, isang magaling na spell caster ang magulang ni Princess Lerna. At kaya nila gumawa ng iba't-ibang potions at poison including the Forbiden poison.

Ito ang namana ng prinsesa sa kanyang ina, samantalang si King Hercules ang pinaka matapang at malakas na kayang ipaglaban ang buong Messier, at iyon ang namana ng Prinsesa sa kanyang Ama.

Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa pagtataksil ng namumuno noon sa Black Eye. Si King Ptolemaios Drayar (pronounce as: Tolemayo) dahil sa kagustuhan ng Hari ng Black Eye na mabuhay muli ang Reyna na si Queen Berenices na kasalukuyang Celestial Spirit na tinawag na Coma Berenices.

Ang Black Eye ay kilala sa mga Black Wizards na gumagamit ng Black Majika na lubhang ipinagbabawal, pero sila lamang ang nakakagamit.

Sumugod ang buong hukbo ng Black Eye kasama ang Hari na si King Ptolemaios at pinatay ang mag-asawa na sila King Hercules at Queen Lerna gamit ang Black Majika at nakuha nila ang kinakaingat-ingatan ng buong Messier, ang Ulo ni Hydra, ang Celestial Spirit ng Messier. Ang ulo na nagtataglay ng Healing Power.

Paano nakaligtas si Princess Herna? Dahil sa mga magulang ni Margaux na kapatid ng ama ni Princess Herna na si King Hercules. Ngayon ay isa na sa mga magagaling na Spell Casters at Mandirigma ang mga magulang ni Margaux. Sila ang kailangan namin ngayon para gumaling si Klein.

"Kasalanan mo to Margoux! Kung hindi dahil sayo, di sana mangyayari to kay Klein." Sigaw ni Althea kay Margaux na pinipigilan ko dahil baka magkagulo nanaman dito.

"Kita mo nga naman. Sino kaya tong nagmamagaling na nagsimula ng gulo at sinugod ako? Kundi mo ko sinugod. Malamang walang nasaktan." Sagot ni Margaux kay Althea. Akmang sasagot pa sana si Althea nang biglang sumigaw si Luna at biglang lumamig na parang buwan. I guess ito yung isa sa kakayanan ni Luna.

"Magsitahimik! Ano? Magsasagutan nlang ba kayo? Hindi nyo ba naisip na nasa bingit ng kamatayan si Klein." Sabi ni Luna na lahat ay tumahimik. Ang lamig grabe! Kwintas ko, pls. umilaw ka na. para naman di na ko ginawin ng ganito.

Bigla naman akong inabutan ni Vaughn ng Makapal na Jacket. I guess nabasa nya nasa isip ko kaya tinggap ko nlang at nagpasalamat.

"kailangan nating pumunta sa Messier para makuha ang makakagamot kay Klein sa Pinsan ko. Sino ang sasama?" tanong ni Margoux. Napaisip ang lahat kaya nagsalita na ako.

"What if kung kayong lahat ay pumunta doon sa Messier tapos ako nalang ang magbabantay dito kay Klein. Tutal di rin naman ako makakatulong doon eh." Tinignan nila akong lahat na parang hindi sila agree sa sinabi ko.

"Hindi ka pwedeng maiwan mag-isa dito. Kabilin bilinan ng Mahal na Reyna na bantayan ka. Hindi rin pwede sumama ang mga Elementum Campus' Presidents dahil may pinagagawa pa saatin." Sabat ni Vaughn kaya napaisip nanaman ang lahat ng Guardians.

"Ganito na lang, Vaughn, Princess Cassandra, john Michael, Prime, Sunshine, Krystal at Althea kayo ang maiiwan dito. The rest, maghanda na at aalis tayo mamayang Madaling araw para maglakbay papuntang Messier." Sabi ni Sebastiene, pumayag ang lahat pwera kay Althea.

"Hindi!! Sasama ako. Isa ako sa dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ni Klein. Kaya sasama ako." Sigaw ni Althea na ikinabigla ko.

"Bes, hindi mo naman kailangan sumama eh, kaya na nila Sebastiene yun." Malungkot kong sabi.

GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon