CASSANDRA HEART’S POV:
*ONE MONTH LATER*
Isang buwan mula nung mamatay ang aking ina. Moved on naman na ako, pero di ko parin maalis sa isipan ko yung nangyari sa kanya. Isang buwan ang nakalipas pero wala namang naganap na pag-atake galing sa mga Black Wizards. Wala akong ginawa kundi ang mag training. Oo, hinasa ko ang sarili ko tinulungan ako ng mga kapwa ko guardians na lumakas para maging handa sa mga susunod na magaganap.
Ngayon ako ang acting queen dahil wala pang papalit dito. Nasabi din sakin ni Madame Victoria at Mama Precilla na hindi raw ako ang magiging pinuno ng Galaxia dahil nakatadhana daw ako na maging Pinuno ng Celestial Guardians at maging Prinsesa ng Celestial World. Handa na ako para dun. Pero kung itatanong nyo sakin kung sino ang magiging pinuno? Walang iba kundi ang aking kakambal. Isa syang pure blooded Stadtfelt at ako ay Anak ng Celestial King, so di na ako magtataka doon.
Ang iniisip ko na lamang ay, kung paano ko mababawi ang kakambal ko. Matagal narin ang isang buwan, marahil nagpapalakas din ang mga kalaban para sakupin ang buong Galaxia, kaya dapat ready kami sa mga ganoong sitwasyon.
“Bes, wala ka nanaman sa konsentrasyon. Kanina ka pa tinatawag ni sir Xander.” Nagising naman ako sa katotohanan nang makita kong ang sama na ng titig sakin ni Sir at ng buong klase. Di parin maiiwasan na mapagalitan ako kahit ako ang acting Queen ng Galaxia.
“Ano ba yan Cassandra? Hindi ka nanaman nakikinig sa klase ko!” sabi ni Sir Xander. Of course, galit sya. Geez.
“Ano bang klaseng pinuno yan? Kung sya ang mamumuno sa mundo natin panigurado, madali tayong masasakop ng mga taga Black Eye World.” Sabi ng isa sa mga kaklase ko sa subject na to. Nagtawanan naman ang buong klase sa sinabi nya. Well, masakit yung sinabi nya, kaya akmang aalis na sana ako ng klase namin ng magyelo ang mga paa ko kaya di ako makaalis.
Malamang, gawa to ng best friend ko.
“Kayo ba walang galang sa Acting Queen ng Galaxia? Hindi nyo ba alam kung gaano kasakit ang nangyari sa buhay nya? Kasi kung hindi, pwedeng manahimik nalang kayo at intindihin kung papano kayo lalakas at makakatulong sa mundong to.” Nagmelt bigla ang yelo sa paa ko at hinatak na ako paalis ng klase. Hindi na kami inawat ni Sir Xander kasi mukhang natauhan narin sya sa sinabi ni Althea.
“Bes, thank you.” Sabi ko sakanya habang naglalakad kami paalis sa building kung saan andun ang regular Class.
“Alam mo bes, dapat di ka pumapayag na ginaganun ka nila, at syempre makinig ka rin kay sir Xander, galing galing nya kaya magturo.” Kinikilig na sabi ni Althea.
“Wow lang bes? Gusto mo sumbong kita kay Klein? Alam mong patay na patay sayo yung mahangin na yun. Baka gusto mo syang maturn off?” panakot ko kay bes.
“Ay grabe sya ohh, di ba pwedeng idol ko lang si Sir. To think na, same element kaya kami.” Oo nga pala. Same element sila ni Bes.
*FLASHBACK*
Tahimik ang klase namin ng makitang pumasok si Madame Victoria, ang punong guro ng Celestial Academy, may kasama syang Lalaki, na parang kaedadan ni Ms. Sandy.
Gusto kong ipakilala sainyo ang bago nyong guro sa Biology, si Mr. Xander Frost.” Pakilala ni Madame Victoria. Yung mga kaklase ko, puro hiyawan, ant yung iba kinikilig. Wala kasi kaming kaklaseng lalaki dito, so expect na tigang tong mga to sa lalaki.
Bakit nga ba kami puro babae na lang? Dahil pinag hiwalay ang klase naming mga babae sa lalaki, gawa ng naghigpit si madame Victoria sa Academy.
Pinakita samin ni Sir Xander ang ability nya, at ito ang Ice. So katulad din sya ni Althea. Rare type daw ang ability na yun, so isa si bes sa mga katulad ni sir na Rare. Kaya ayun, kinikilig si bes sa nalaman nya.
*END OF FLASHBACK*
Kaso simula nung dumating si Sir Xander para bang lagi nya kong pinag-iinitan. Kaya pati mga kaklase kong babae eh naiinis sakin. I really don’t know why?
Papunta kami ni Bes sa Fire elementum Campus, kung saan andun sila Prime at Sunshine na naghaharutan. Aba? Etong dalawang to, di malabong sila ang magkatuluyan.
“Oy Lovers! Please, tantanan nyo yan! Walang forever!” iritang sabi ni Althea sa kanila.
“Ay Cass, Althea, andito pala kayo. Bakit ang aga nyo ata?” tanong ni Sunshine samin.
“Sus, kung mamaya pa pala kami dadating baka kung ano na ginagawa nyo ngayon.” Pang aasar ni Althea sa kanila.
“Grabe Althea, ang dumi naman ng utak mo, punta ka na nga kay Klein, inggit ka lang ehh.” Pang aasar ni Prime na itinawa namng dalawa ni Sunshine.
Pumunta ako sa Training Field namin at agad nagpalit pang training. Kaya ko ng mag-summon ng mga kasuotan katulad kay Krystal. Kaya di na yun mahirap sakin.
Nagpaulan ako ng mga bolang apoy sa Virtual Battle field namin. Inilabas ko lahat ng galit ko sa mga creature na lumalabas doon. Lahat ng sama ng loob ko. Ganito ako mag training kapag malungkot ako. Madalas nga ako pagalitan ni Vaughn dahil sinasayang ko daw ang majika ko. Samantalang si Stephen naman lagi nyang sinasabi na tama lang daw na ilabas ko ang pinaka majika ko para daw masanay ang katawan ko. Kaya lagi silang nagtatalo.
ALTHEA SNOW’S POV:
Kita ko ang galit sa mga mata nya habang pinapatay nya yung mga lumalabas na creatures sa Virtual Battle field. Alam kong offended sya sa mga sinabi ng mga kaklase namin kanina. Lagi kasing ganon ang scenario kapag binubully sya ng mga kaklase namin. Para bang galit sila kay Cassandra dahil namatay ang Reyna nila. Pero di ba nila naisip na mas masakit yun sa part ni bes dahil sya ang anak?
“Althea, may dinaramdam nanaman ba si Cassm” tanong ni Sunshine sakin.
“As usual, almost same scenario. Kaso mas masakit lang yung sinabi skanya kanina.” Sabi ko skanila.
“Teka? Panong mas masakit?” tanong ni Prime kaya kinuwento ko yung nangyari kanina.
“may napapansin na kong di maganda ah.” Sabi ni Prime napunta skanya ang atensyon ko.
“Ano naman yung napapansin mo Prime?” sabi ni Sunshine.
“Parang nawawalan na ng tiwala ang mga studyante kay Cassandra.” Tuloy lang ang pakikinig namin kay Prime.
“para bang may naninira sa kanya. At hinahanapan sya ng butas para masira sa lahat.” That makes sense. Pansin ko rin yon. Kaso sino?
“para namang napaka imposible nun na may naninira kay Cass, sino naman yun sa tingin nyo?” tanong ni Sunshine.
“Althea, Shine, makinig kayo. Marami naring rumors na kumakalat sa boys Regular Class. Hindi lang namin sinasabi ng mga boys na guardian sainyo kasi ayaw na namin kayo mag isip ng kung ano.” Kwento ni Prime samin.
“Teka? Anong rumors?” tanong ko kay Prime.
“Si Cass daw ang pumapatay sa mga boys na nakikita sa likuran ng building namin. Puro kasi sunog ang mga katawan nito.” Sabi ni Prime.*FLASHBACK*
Nakita namin ang mga studyante na nagkakagulo sa bandang building ng Boys Regular Class. Tumakbo kami nila Krystal at Lalisa papunta dun dahil kakatapos lang bg Combat Training namin. Hindi namin kasama si Sunshine at Cass nun kasi nasa ibang klase sila.
Nakita namin ang sunog na bangkay. Yung Bakla na nanglait kay Cass dati. As in sunog na sunog sya. Pano nalaman na sya yun? Nakita namin ang gamit nito sa lapag at pati ang ID nito.
Pag alis namin sa crime scene pupunta sana kami sa training room para sabihin ang nakita namin. Kumpleto ang lahat pero wala si Cassandra. Hinanap namin to, at nakita sa isang room sa building ng Boys Regualr Class na naka sandal sa isang sulok ng kwarto. Walang malay, at medyo sunog ang left arm.
Dinala namin sya sa Training Room at ginamot ni Sunshine. After nun, nagkamalay na si Cass at walang maalala. Ilang beses naulit yun pero iba ibang lalaki.
*END OF FLASHBACK*
Naalala ko ang mga naganap 2weeks ago. Ngayon wala na ulit nangyaring ganun. Tinatanong namin si Cass pero wala daw syang maalala. Ngayon may rumors nang kumakalat at baka lalong masira na nito si Cassandra, hindi kami pwedeng tumunganga na lang.
Kinuha ko ang Galaxy Phone ko at nag message sa ibang Guardian.
‘Guys may Special meeting tayo. See you sa Training Room. Now na. SHARP.’ – sent.
Tumunog ang phone ni Shine at Prime sabay binasa ang message at sabay din akong tinignan.
“Teka Althea, para saan ang meeting?” tanong ni Prime
“Wag na kayong magtanong. Tara na.” sabay hatak ko dun sa Dalawa at umalis na ng Fire Elementum Campus. Di ko na inabala ang Training ni Cassandra dahil ayoko syang mag-alala pa, at madagdagan ang iniisip.
Pagdating namin sa Training Room. Andun na ang iba, si JM nlang ang wala at si Krystal.
“Oy Snow. Para saan to? Asan si Princess?” sabi sakin ni Klein. Sya lang naman natawag sakin ng Snow eh.
“Basta, kailangan kumpleto tayo. Asan ba sila JM at Krystal?” tanong ko.
“Teka nga Althea, ano bang kalokohan to?” sabi sakin ni Vaughn. Teka nga? Anong problema neto?
“Pwede ba? Hindi kalokohan to. Maghintay ka nga. Oh! Ayan na pala yung dalawa ehh.” Sabi ko kay Vaughn. Hingal namang dumating yung dalawa.
“Hoy Althea, siguraduhin mong may sense tong ‘SPECIAL’ meeting na to kundi makakatikim ka talaga.” Banta naman sakin ni Krystal. At inemphasize ang word na special.
“Teka, wala pa si Cass, di ba natin sya aantayin?” sabi ni Stephen at agad naman akong umiling.
“No. She’s our topic for today, and she needs our help.” Pinutol ko ang sasabihin ko dahil gumawa muna ko ng Ice Barrier para walang makakapasok sa room at mkakarinig nag pag uusapan namin ngayon.
“what do you mean she needs our help? At bakit kailangan natin ng barrier?” tanong naman ni Luna. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“May sumasabutahe sa Prinsesa natin. At alam kong andito lang sya sa Academy.” Nagulat naman ang lahat kaya tuloy ang pag sasalita ko.
“Remember the boys who are burnt? Di ba nung time na yun lagi nating natatagpuan si Cassandra malapit sa pinangyarihan ng Krimen at walang maalala pagtapos?”
“so you mean? May nagseset-up sa prinsesa natin?” tanong ni Krystal.
“Exactly. At ginagawa yun ng taong gustong masira si Cassandra sa buong Academy. At ang masakit pa nun, kumakalat na ang rumors na yun sa inyong boys regular Class, at di malabong makarating rin yun sa Girls regular Class.” Paliwanag ko sa kanila. Lahat naman sila nag-isip ng maigi. Lalo na si Vaughn. Alam kong matagal ng may gusto si Vaughn kay Cassandra kaya alam kong gagawa ng paraan si Vaughn para maayos to.
“I guess we have to do something. Boys, alamin natin kung sino ang gumagawa nito. Alam kong lalaki ang may pakana nito, dahil bawal ang mga babae sa building natin. While you girls, investigate kung sino ang may suspicious na ginagawa. At make sure na di mkakarating kay Cassandra ang rumor na to, samahan nyo sya lagi kahit saan. Ayoko na syang mag-alala pa. Marami na syang iniisip. Ayoko ng makadagdag pa to. Clear?” Sabi ni Vaughn na agad namang nag agree ang lahat.
Tama ang desisyon ko na magmeeting kami tungkol dito, alam kong mahal nila ang kaibigan ko. Lalo pa’t ayaw na naming may mangyaring masama kay Cassandra. We’ll make sure na malalaman namin kung sino ang may pakana nito at magbabayad sya sa kasalanang ginawa nya.
♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚
[A/N]
I’m really sorry for not updating so long. Please forgive me. Chos.
I hope you still supporting my story, pasensya na talaga busy lang si Author sa mga bagay bagay. Pero I’ll do my best to update and make this story more beautiful.
Happy Reading!!
©EmpressRein♥
BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Science FictionACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.