SEBASTIENE GALFORD'S POV:
binigyan kami ng ilang oras para makapag-isip ng Dark Prince kung saang pinto kami papasok. This is really tough. di namin alam kung sino makakasagupa namin, but Faith will lead us. alam kong kakayanin namin to. inaantay lang namin magising si Althea dahil sa pagkawala nya ng malay. Sabi naman ni Sunshine, stable na raw ito at maayos na ang paghinga. magising na lamang ito, ay sign na magaling na ito.
nagulat na lamang ako nang tumunog ang Galaxy Phone ko. teka? napakatagal na panahon na nung huling mabasa ko ang pangalan ng babaeng ito. bakit naman kaya sya napatawag? lumayo ako ng bahagya sa mga Guardians at sinagot ang tawag. boses nya agad ang bumungad saakin.
[GALFORD!! BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT ANG TAWAG KO! JUSKO MASASAKAL TALAGA KITA!!] napangiti na lamang ako nang marinig ko ang boses nya. it's been a long months nung huli ko syang.. tss. napasimangot ako nang maalala ko ang huling beses ko syang nakita. kahalikan nya ang messierian na iyon.
"Anong kailangan mo?" cold kong sabi.
[Nabalitaan kong sumugod kayo sa Black Eye world, bakit di nyo man lang kami sinabihan? asan kayo ngayon? susunod kami.] halatado mo ang pag-aalala sa boses ni Margoux.
"Oy Seb! sino yang kausap mo?" tanong ni Klein na ngayon ay katabi ko na.
"Si Margoux." Tipid kong sabi. napangiti naman ito sakin na parang nanunuya.
"Nakuha pang lumandi, samantalang nasa kalagitnaan tayo nang pagdedesisyon tungkol sa mga pintong ito." Sigaw ni Luna na alam ko namang rinig iyon sa kabilang linya. niLoudspeak ko ito para marinig ng ibang Guardians.
[Pinto? ayan ba ang 13 Gates? ang laro kung saan namatay ang ibang mga magulang ng Celestial Guardians. magsi-ingat kayo dyan, hindi biro ang larong binibigay sainyo ng mga Black wizards. mga mapanlilang sila. susunod kami dyan at magdadala ng hukbo para sainyo.] pagkasabi ni Margoux nun, namatay ang tawag at nakita kong Black Out na ang Galaxy phone ko.
"Bawal ang Galaxy phones sa teritoryo ko. so kapanalig nyo pala ang mga Messierians. pwes, di nyo na sila makikita kahit kailan." isang boses ang nagpataas ng balahibo ko. panigurado akong ang Dark Prince yon. Di ako makakapayag na hindi ko na makikita ang mahal ko.
"Hindi maganda to, mukhang may binabalak sila sa mga Messierians." Sabi ni JM. naikuyom ko nalang ang mga palad ko. nakakainis. gusto kong magteleport ng wala sa oras. pero naituon namin ang atensyon namin kay Althea na naimulat na ang mga mata nya. nagkamalay na sya, at tuwang tuwa ang mga babae pati narin si Cassandra na kanina pa mugto ang mga mata dahil sa pag-iyak. agad namang lumapit si Klein, halatado mo ang saya sa kanya dahil may malay na ang mahal nya. bigla kong naalala ang mahal ko, sana ok lang sila ngayon.
"Bes! sawakas nagkamalay ka na. may masakit ba sayo? sabihin mo?" nag-aalalang sabi ni Cassandra.
"Wala namang masakit sakin bes, teka, nasaan tayo?" Sabi nito samin.
"Snow, nasa Black Eye world tayo. kailangan nating matalo ang nilalang na nasa loob ng pintong iyan para makalabas tayo." paliwanag naman ni Klein sa kanya.
"Ang 13 Gates." malungkot na sabi ni Althea. teka? papano nya nalaman ito?
"Alam mo?" takang tanong ni Lalisa sa kanya.
"Narinig ko ito sa mga Black wizards bago nila ako kamuntikang gahasahin. napaka manyak nung isang wizard doon. laking pasalamat ko nalang kay Ethan at naipagtanggol nya ako. di ko magamit ang Majika ko doon, pero si Ethan katakatakang nagagamit nya ang kanya." sabi ni Althea at sabay tingin kay Ethan na mukhang wala nang iniindang sakit. mukhang nagagamit na nya ang Secret Majika nya. lumakas na nga ang loko.

BINABASA MO ANG
GALAXIA: The Celestial Guardians | ON-GOING
Khoa học viễn tưởngACTION, FANTASY, SCI-FI and LOVE STORY. Highest Rank: #20 in Science Fiction since: April 27, 2017 💜💜💜 Inspired by Science: Astronomy. Created: November 23, 2016 Ended: ©All Rights Reserve.